Owned by Mr. Lu


Owned by Mr. Lu
Status: Ongoing
Author: AriesWrites
Genre: Random (R-18+)
WARNING: This story has some MATURE CONTENT. Better read at your own risk, you are being warned baby! PLAGIARISM IS A CRIME!
PROLOGUE:
“Class dismissed.” Agad na sabi ni Mr. Han at nagligpit ng kanyang mga gamit.
Agad naghiyawan ang mga kaklase kong babae dahil gusto ng pumunta ng covered court. Nandoon kasi ang ultimate crush ng campus na si Mr. Lu. May training kasi ngayon ng basketball at siya ang couch.
Katulad nila excited na rin akong lumabas para makita si Mr. Lu. Mabilis pa kay flash akong nagligpit ng gamit para makapapansin Kay crush.
“Hoy Hayden! Hintayin mo naman ako.” Tawag sa’kin ng kaibigan Kong si Jackie. Napakabagal naman kasing magkilos ng baklang to!
“Pakibilisan naman diyan, Jack!” Pang aasar ko sa kanya. Btw, I’m Hayden Cruz, Isang babaeng maharot na pinaglihi sa sama ng loob.
“It’s Jackie not Jack!” Pagko-correct nito sa sinabi ko.
“Bilisan mo na kasi, mahuhuli ako sa crush ko dahil sa kalandian mo e.” Asar Kong sabi sa kanya at agad syang hinila papuntang court. Wala na rin kasi kaming klase kaya free landi na me. Hehe
“Aray ko naman. Masyado kang excited para makita si papa Lu.” Reklamo pa nito pero Hindi na ako...


umimik.
Mabilis kaming nakarating sa court at agad hinanap ng aking mata ang my one and only crush(Mr. Lu).
Sobrang daming babae kasi dito halos lahat ata ng student sa campus andito na. Wala ba silang klase? Nakakainis!
“Maghanap tayo ng bakanteng upuan sa harap, Jackie.” Asar kong sabi dahil punuan na sa court at Hindi ko pa nakikita ang crush ko.
“As if naman na may makita ka pang bakante sa harap. Gaga nito!” Pagtataray nito sakin. Sumimangot naman ako at sinamaan sya ng tingin.
“Kasalanan mo to, Jackie! Ang bagal mo kasi kumilos, ayan tuloy nawalan na tayo ng upuan sa harap.” Naiiyak kong sabi. Hindi ko tuloy makikita ng malapit si Crush.
“Excuse me, bakla! Kasalanan ko talaga?” Di makapaniwalang turo nito sa sarili. Napatango naman ako at yumuko.
“Halika na gaga. Hinihintay na tayo ni papa Lu.” Agad nyang sabi at agad akong hinila. Nagulat naman akong napasunod sa kanya.
Mabilis kaming nakarating sa pwesto ng mga player kung San si Mr. Lu.
Di ako makapaniwala dahil malapit na ako sa kanya, sobrang saya ko dahil may bakanteng upuan dito. At take note makikita ko sya sa buong training nila.
“Happy?” Bulong na tanong sakin ni Jackie kaya Sunod-sunod akong tumango.
To be continue:
Please comment down below.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top