Pinagtagpo pero di Tinadhana


Ako nga pala si Chloe na nagkaron ng maling desisyon…. si Hiro, Charles, James ang pinaka pogi sa school namin. Fangirl na fangirl din ako tulad ng mga iba kong schoolmate ko na babae, kaya lahat ng kaklase ko asar na asar sakin kasi mukang-bibig ko silang tatlo. One day, chinat ako ni James…

James: Hello Chloe! Tanong ko lang sana kung sino gusto mo, si Hiro o Charles ba?

Chloe: Hello James! Si Hiro, bakit mo natanong?

James: Gusto ka kasi nung dalawa…

And sobrang nagulat ako nung nalaman ko yun. Tapos mga ilang minuto chinat ako ni Hiro…

Hiro: Hi Chloe! alam ko yung sinabi mo kay James.

Chloe: Hello Hiro! Ahh yun. Akala ko totoo yung issue sayo?? May gusto ka daw kay Casey? BTW may gusto talaga kayo ni Charles sakin??

Hiro: Inaasar lang ako nung dalawa dun. Ako lang may gusto sayo, dinamay ko lang si Charles para di awkward pag pinili mo si Charles.

Nung nagsimula kami mag usap ni Hiro. And then one day before mag Linggo ng Wika. Chinat ako ni Charles.

Charles: Chloe si Hiro may kasama siyang babae kanina… And sinasabihan ka niya ng masama.

Sobrang nasaktan ako kahit walang proof at 3 days siyang di nag chachat. Iyak ako ng iyak nung gabing yon, di ko nga alam kung bakit ako nasaktan kasi wala namang kami.
Kinabukasan “Linggo ng Wika”, naawa ako na galit sa kanya dahil may sakit siya nun, as in di na siya makapag-perform sa stage. Pagkauwi namin chinat ko siya.

Chloe: Hi Hiro, ok ka na?

And sabi niya ok lang siya. Tinapat ko na din nararamdaman ko sa kanya and sabi niya sinisiraan lang daw siya ni Charles.
Hanggang naging ok na kami, 3 months kaming nag uusap at nag sasama dahil...


nga nanliligaw na siya. And after nun sumuko na siya. Iyak ako ng iyak kasi di ko matanggap na sumuko siya, mahal ko pa kasi eh. And nalaman ko kay James na troma pala siya dati kasi nga iniwan siya ng ex-gf. Full effort siya nun for 3 years and nalaman niya nung anniversary na pinagpalit pala siya and ang effort nung babae sa lalaki. Pero sabi ko “dati pa yun eh, bakit di ako na yung mahalin nya? “.

Hanggang sa di ako makatulog sa sobrang lungkot ko as in tinry ko pang mag suicide non pero inisip ko may pamilya pala ako. Hanggang sa mamatay lola ko. Pumunta kami ng Cebu agad para makita lola ko. Dahil sa sobrang lungkot ko nun, si James lang nakaramdam na sobrang lungkot ko, siya yung dumamay sakin nung panahong sobrang lungkot ko, hanggang niligawan niya ako. Naging kami Feb 4, and pauwi na kaming Manila nun. Akala ko si Hiro yung first bf ko. And one week palang kami nakipag-break ako kasi naalala ko si Hiro, di pa ako move on sa kanya eh. And nung pag uwi ko, nalaman ko umiyak pala si Hiro dahil nalaman niya yung tungkol samin ni James. And ang huling chat niya sakin ” I love you as my bestfriend “. And yun na ang huling usap namin. Parehas kaming nalungkot sa nangyari hanggang sa nagkaron na siya ng bago and at first di ko matanggap kasi ganun nmn tayong mga babae eh di makapag move on ng mabilis, pero tinanggap ko na rin silang dalawa. Naging masaya nalang ako kasi masaya na siya eh and ang wish ko lang sa kanya na sana di na siya maghanap ng iba dahil bestfriend ko siya…






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Mahal u e kaya pinalaya mo.May kasabihan nga kong mahal mo isang tao palayain mo kong san sya masaya don sya

  2. I love it

Leave a Reply


top