Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 16


Author: Miss J
Inilabas ko na ang lahat ng pinipigilan Kong luha, pinakiramdmn ko ang aking puso at nanumbalik lahat ng sakit ng panahon na wala sya sa aming tabi, nanumbalik ang hapdi na dulot ng pamilya nya at ang mga ginawa nyang pangbabaliwala sa akin. Masakit parin pala, nasasktan parin ako, ang buong akala ko eh naghilom na ang lahat ng sugat ng kahapon. Kailangan Kong humarap sa kanya at harapin ang konsekwensa na aking ginawa, handa na akong tanggapin kung ano ang nakasulat sa aking mga palad, kung kapalaran na ang may gusto wala akong magagawa. Matagal n panahon akong naging tanga at naging mababa, ibinaba ko halos ang pagkatao ko para lang sa kanya at sa kanyang pamilya para lang maging maayos ang pakikitungo nila sa akin lalong lalo na para sa aking mga anak pero winalang halaga nya yon lahat, ni minsan hindi sya ngaksaya na pakinggan ang lahat ng ipinapakiusap ko sa kanya, matagal akong halos manlimos ng karampot nyang oras at ngayon, ngayon na meron...


taong nagpuno ng pagkukulang nya saka sya mgiging ganun sa akin… Parang gusto Kong sumigaw ng sobrang lakas kahit na mapaos ako, wala akong pakialam, ang mahalaga lang sa akin eh gusto Kong maibulalas ang lahat ng hapdi na bumalik sa king pagkatao.
Bakit ba ganito ang buhay, bakit maramot ang panahon ? Bakit kailangan Kong maranasan lahat ng masakit na ito ? Mabuti nman akong tao at alam ko kahit na kailan wala akong tinapakan para lang mging masaya pero bakit sa akin pa ngyari itong lahat??? Patuloy ako sa pagtangis kahit siguro ilang butil ng luha pa ang ipatak ng aking mga mata kailangan Kong harapin lahat… Napaka sakit isipin na matutuliro ang aking mga anak, maiipit sila sa isang sitwasyon na ako mismo ang gumawa at ngdesisyon. Mali bang naganap ko sa iba ang hindi nya kayang ibigy sa akin ? Mali bang nagmahal ako ulit sa isang tao na sa maling pagkakataon at maling panahon ko nakatagpo ? Oh baka naman ito na ang kapalaran ko?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top