Secret Lover”
Genre: BxB, slight comedy, SPG, Romance
Author: John John
“Cause it’s 12:51 and I thought my feelings were gone, but I’m lying on my bed thinking of you again…..” pagputol ko sa alarm ng phone ko syempre that’s my favourite song,
at ito na naman magsisimula na naman ang pasukan at dahil first day of school ngayon…
“Whaaaaaat first day”!!! pagsigaw ko at saglit na tumingin sa orasan nagulat ako dahil 7am na 30 minutes bago magsimula ang first period of class namin at dahil heto malilate na ako dali dali akong bumaba upang magbreakfast, pagdating ko sa hapagkainan nakita kong nakatingin at tila ba nagpipigil ng tawa sina mom,dad at ate
“ano ba dad may dumi ba sa mukha ko at tila nagpipigil kayong tumawa” medyo naiinis kong tanong sa dad kong ngayon ay pigil parin ngunit parang hahagalpak na ng tawa
“dad ano ba! mom bakit pati kayo ano ba sagutin nyo ako may dumi ba o ano bang meron sa mukha ko, ate ikaw ano sagutin nyo naman ho ako”
“Wan manalamin ka kaya” ani ni ate at biglang tumakbo paakyat sa kanyang room, dali dali naman ako pumunta sa cr at pagtingin ko sa salamin laking gulat ko dahil nakalipstick at make up ako hindi lang yun dahil nakasuot pa ako ng kulot ng wig na nagmukha tuloy akong bading na sumasali sa pageant.
“ate ericka ano na naman tong ginawa mo sakin lagi mo na lang ako pinagtitripan” naiinis kong sigaw habang sina mom at dad na kanina ay nagpipigil ng tawa ngayon humahagalpak na at halos hindi na makahinga sa kakatawa..
Oo ganyan kami ng family ko at si ate lang ang siyang dahilan kung bakit laging maingay ang bahay namin dahil sa mga kalokohan na ginagawa nya sakin na ni minsan ay hindi ko naman pinagsawaan dahil magmula ng sinama ng tita ko sa France ang kambal ko oo may kambal ako si Ervin (Ervin Cruz Tolentino) ang syang pasimuno sa lahat ng kalokohan dito noon sa bahay at sa school namin noon medyo bully kasi yun tsaka napakababaero ang laki nga ng pagkakaiba namin sa paguugali ehh kaya minsan binibiro ko sya kung ng tanong kung magkambal ba talaga kami, pero hindi naman nakapagtataka na kambal kami kasi sobrang magkaface at magkasing katawan kami kaya yung mga girlfriend nya minsan pinagkakamalan ako na sya… Ay ewan mamaya na ang kwento malilate na talaga ako dali dali na akong kumain pagkatapos naligo na agad dahil 20 minutes na lang bago pa ako pagsarhan ng gate sa school, first time ko malate kaya medyo naiinis talaga ako
“anak bilisan mo na naghihintay na ang dad mo baka pareho pa kayong malate”
sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko habang kumakatok
“opo mom wait a minute” sagot ko, si dad ang maghahatid sakin ngayon sa school dahil hindi pa nakakarating yung driver namin galing probinsya. Nang makababa na ako nag paalam na ako kay mommy na ngayon ay nasa garden
“Mom aalis na po kami” bigla naman lumapit si mom
“Oppsss anong gagawin bago umalis”??
“Mom naman hindi na ako bata ehh” pag aamok ko kay mommy
“Hindi na ba pwede humingi ng kiss ang mommy porket binata kana” pagtatampo ni mommy
“Ok ok po muah! muah!”
“Oh sya sige na malilate na kayo ng daddy mo” saad ng mommy na ngayon ay nakangiti na, ang sweet parin talaga ni mom hanggang...