STOLEN 09


STOLEN
#09
Nang makababa sa helicopter ay agad niyang nilibot ang kanyang paningin sa paligid. Mula sa ‘di kalayuan tanaw niya ang may kalakihan bahay sa gitna ng mga naglalakihang puno.
Hindi alam ni Threia kung saan lugar ito. Ayaw niya rin tanungin si Haje dahil panigurado hindi rin niya ito sasabihin. At higit sa lahat ayaw niyang kausapin ang binata.
May natanaw siyang isang matandang babae at isang matandang lalaki sa ilalim ng punong niyog, mukhang naghihintay sa kanilang dalawa ni Haje. The old man came near to Haje, inalalayan niya ito.
“Dios ko! Ano’ng nangyari, Haje? Bakit may sugat ka sa balikat? Tumawag si Vin kanina at nabanggit niya ang biglaan mong pagdating. Ano ba talaga ang nangyari? Hindi namin alam ng Lolo Gardo mo na ganito ang kalagayan mong darating dito.” nag-aalalang magkasunod na tanong ng matandang babae.
“Wala lang po ito, La.” sabi ni Haje.
Nakamasid lang siya sa tatlo.
Paano siya makakatakas? Her father doesn’t know where she is. Hindi na niya uulitin ang magpatulong sa iba. Hindi na kaya ng kunsensya niyang may mapapahamak muling tao dahil sa kanya. If she want to escape from Haje, she will do it on her own. Maghihintay siya ng tamang oras para makatakas.
Nanlulumo siyang sumunod sa mga ito. Hindi pa siya napansin ng dalawang matanda. Na kay Haje ang buong atensyon ng mga ito.
Nilingon siya ni Haje. Inirapan niya naman ito.
Ang akala ata niya nakatakas na siya? Umismid si Threia. Paano siya makakatakas sa liblib na gubat na ito? Kung takot siya kay Haje, mas takot naman siyang lasungin ang bahaging ito ng gubat. Kinikilabutan siya sa imahe ng mga mabangis na hayop na makakasalubong niya.
Doon siya napansin ng matandang babae nang sundan nito ang tinitignan ni Haje. Nagsalubong ang kilay ng matandang babae sa kanya.
“May kasama ka pala, Haje?”
Pilit ang ngiting binigay niya sa matanda. “Ahm. H-hello po.” aniya.
“Si Threia, La.” maiksing wika ni Haje sa babae.
Tumango ang matandang babae sa kanya. Pagkatapos nilingon ang kasamang lalaki. “Gardo, ipasok mo na si Haje. Kukunin ko lang ang panlinis sa sugat niya.”
The old man nodded.
Ngumiti ang matandang babae sa kanya nang lumapit siya dito ng tuluyan. “Mabuti naman at maayos kayong nakarating rito, Hija.” wika ng matanda. “Tatawagin mo na lang akong Lola Tessa. Siya naman ang asawa ko si Gardo. Lolo Gardo na lang din itawag mo ‘gaya ng tawag sa amin ni Haje. Ikinagagalak kitang makilala, Threia.”
“Ganoon din po ako, L-lola Tessa.”
“Halika sa loob.” yakag ng matanda sa kanya.
Nahihiyang tumango naman...


siya at sumunod na sa matanda.
Tinignan niya muli ang bahay. Dalawang palapag ito na yari sa kahoy. Tila bahay pa no’ng ka-panahon-an nila Lola Tessa.
Sino sila Lola Tessa at Lolo Gardo sa buhay ni Haje? Bakit dito siya dinala sa tagong parte ng gubat? No’ng nasa himpapawid pa lamang sila tanaw niya sa baba na nasa gitnang bahagi sila ng gubat. Ni wala rin siyang makitang ibang bahay. It’s creepy living alone in this kind of place pero nang makita ang kinatitirikan ng bahay at paligid nito ay tila nasa paraiso sa ganda.
Napalibutan ng mga bulaklak ang bahay. At kung hindi siya nagkakamali naririnig niya ang bagsak ng tubig mula sa hindi kalayuan. She even heard birds singing everywhere. Ang simoy ng hangin ay preskong tumatama sa kanyang mukha.
“Come here.” Muntik na siyang tumalon sa gulat nang marinig ang boses ni Haje.
Nakahiga ito sa pahabang upuan ngunit nakalaylay ang mga paa dahil hindi siya kasya doon. Sa laki ba naman nitong tao…
Nagpaalam saglit si Lola Gardo sa kanila. Si Lola Tessa ay kumuha ng palanggana na naglalaman ng tubig.
Lumapit naman siya dito. Yumuko siya para tignan ang sugat ni Haje.
Malalim ang titig ni Haje sa bawat galaw niya. Her heart pounded crazily. Hindi niya alam kung anong rason bakit ganoon nalang kalakas ang tibok ng kanyang puso…. Mabilis niya rin itong binaliwala. Hindi dapat siya makaramdam no’n sa taong kumuha sa kanya.
Umangat ang sulok ng labi ni Threia habang nakamasid kay Haje, nasisiyahan sa kalagayan ng binata.
“Seeing you like this makes me want to throw a party.” She said to annoy Haje.
Haje gave her a lopsided grin instead. Malayo sa inaasahan niyang reaksyon mula dito.
Maingat na umupo si Haje. Hindi inaasahan ni Threia ang sunod na ginawa ni Haje. Laking gulat na lang niya nang hilahin siya ni Haje paupo sa kanyang kandungan. Nagpupumiglas siya para makawala ngunit mahigpit ang pagkapulupot ng braso ni Haje sa baywang niya.
“Your damn boyfriend will pay for this. Kung isasama ko na lang kaya siya sa listahan ng mga gusto kong patayin. Sounds good, right?” Haje said in a deep voice.
Nagsitayuan ang balahibo niya sa batok nang marahang hinalikan siya ni Haje sa gilid ng kanyang leeg.
“Napakasama mo! You know what? You really deserve that bullet…” Then, she keep on moving on his lap.
Haje grunted. “Stop moving, damn it! You’ll wake the beast down there, Threia.”
Suminghap si Threia. Matalim niyang binalingan si Haje na kanina pa nakatitig sa kanya. “Pakawalan mo ako. Don’t touch me, you pervert!”






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Interesting story .. I like it 😍

Leave a Reply


top