Si Haje lang ang tanging nasa isip niya habang tahimik na nakikinig sa ama. Nalulungkot siya sa naging kalagayan ng binata dahil lumaki ito ng kasinungalingan sa pagpatay ng mga magulang.
Si Henderson at Haje ay parehong biktima sa nangyari noong nakaraan.
Malakas ang pakiramdam niyang hindi magagawa ni Henderson ang ganoong bagay. She knows Henderson so well.
“Noong gabing nawala ka, Hija. Si Haje Defuente ba ang may pakana ng lahat?” Ilang sandaling katahimikan namayani sa pagitan nilang mag-ama ay si Henderson rin mismo ang bumasag no’n.
Tumango siya.
“Did he hurt you?” kapagkuwan tanong ng ama.
“Pa,” umiwas siya ng tingin.
“Did he hurt you, Threia?” mariing tanong ng ama. Kumuyom ang kamao niya.
Napapikit siya at unti-unti na namang tumango.
Suminghap siya sa naging bayolenteng reaksyon ng kanyang ama.
“Ano’ng ginawa niya sa iyo? That bastard will rot in jail, Threia!”
“Pa! Will you calm down.”
“How can I calm down knowing my daughter experienced shit from that bastard’s hand.”
“Maayos na ako ngayon. Umuwi akong walang galos sa katawan. At kung sinaktan man niya ako no’n, naiintindihan ko na ngayon dahil sa paghihiganti niya sa pamilya natin.”
“I didn’t kill his parents, Threia.”
“Yes, Pa. But the letter he found after his father’s dead, make him believe of full of lies.”
“Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa iyo dahil buong akala niya ikaw ang may gawa no’n.” Threia said.
“Pero hindi pa rin makatwiran na saktan ka niya.”
“Pa, okay lang po ako. Binalik niya po ako ng buo…”
Pero alam niya sa sarili niyang hindi na siya buo nang ihatid siya ni Haje. Haje stole her heart… At hinayaan niyang mangyari iyon. Nagpaubaya siyang ibigay dito ang buong puso niya.
“Henderson, hayaan mo munang magpahinga si Threia.” ani ng kanyang Yaya Wena na kanina pa nakamasid sa sagutan nilang mag-ama.
Bumuntong hininga si Henderson. “Pakisamahan siya sa kwarto niya, Wena.” utos niya kay Yaya Wena niya.
Nakabihis na siya, at ngayo’y nagpapahinga sa kanyang kama. Hindi pa rin siya dinalaw ng antok kahit uminom na siya ng gatas.
Maraming gumugulo sa kanyang isip. Isa na doon ang pag-amin ni Haje sa kanya kanina lamang.
Muntik na din siyang mapaamin ng wala sa oras kung hindi lang dumating ang kanyang ama.
May narinig siyang magkasunod na katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Tumayo siya at tinungo ang pintuan.
Hindi pa man tuluyan maluwang ang pagkabukas niya ng pintuan ay tila hindi makahintay ng kung sino man na buksan niya iyon.
Nagulat siya nang makita niya si Chivo sa harapan niya. At mahigpit siyang niyakap.
“You are here now. Thank God,”
“Chivo,” Kahit papaano ay masaya siyang makita muli si Chivo.
She feel guilty.
“I miss you, Threia.” Hinalikan siya ni Chivo sa noo nang paulit-ulit. Mahigpit pa rin ang yakap sa kanya na animo’y maglalaho siya bigla.
“Chivo, I can’t breathe…” nauubong aniya dahil sa higpit ng yakap ni Chivo.
Kumalas naman ang binata.
“Are you alright?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Chivo. Marahang hinaplos ni Chivo ang kanyang kaliwang pisngi.
Tipid siyang ngumiti. “Okay lang ako, Chivo.”
Seeing Chivo right now, may malaking nagbago sa nararamdaman niya. Pilit niyang hinahalukay sa damdamin niya ang nararamdaman niya noon kay Chivo pero… wala siyang naramdaman para dito gaya noon.
“Mabubulok sa kulungan ang dumukot sa iyo. I promise you that.”
“Chivo… let’s talk about that some other time…”
Sumasakit ang ulo niya kapag ganoon ang usapan. Gaya nung napag-usapan nila ng kanyang ama kanina.
Bakit hindi nila kayang intindihin ang sitwasyon ni Haje? Biktima rin ito sa kasinungalingan ginawa ng sarili niyang ama na si Harron.
Kung bakit ganoon ang laman ng sulat ni Harron ay hindi niya alam…
Siguro para gawin niyang instrumento si Haje para maghiganti sa nangyari.
Nadagdagan ang mga bodyguards niya para sa kanyang seguridad. Dahil iyon sa kagustuhan ng ama. Gusto niyang makipagtalo na hindi na kailangan subalit kilala niya ang ama niya. Kung ano ang gusto nito ay iyon ang masusunod.
Dalawang araw na siyang malaya kay Haje pero wala pa rin siyang nababalitaan dito.
Sa dalawang gabi iyon ay umiiyak siya. Hindi niya mapigilan ang pag-alpas ng luha sa kanyang mata.
Akala ba niya mahal siya ni Haje pero bakit wala manlang itong paramdam sa kanya?
“Where are you...