SUPLADONG SI MR. PRESIDENT


SUPLADONG SI MR. PRESIDENT”
written by— Solene Terpsichore
—part 2
—take time to read this.
Nag-lakad na akong diretso sa field at iniwan silang dalawa ro’n ngunit habang nag-lalakad ako ay biglang may bola na papunta sa direksyon ko. Kaya napapikit ako at iniintay na lamang na tumama ang bola sa ulo ko ngunit may biglang may humawak sa akin si president? at nagulat ako ng sabay kaming bumagsak nito ngunit ako ang nakaibabaw sa kaniya.
Doon ako nagkaroon ng chance na pag-masdan ang gwapo nitong muk’a. Napakaswerte naman ng lalaking ito, matalino na nga gwapo pa.
“Alam kung gwapo ako, pero pwede bang umalis ka na riyan sa ibabaw ko dahil ambigat mo.” wika nito at unti-unti ko namang napagtanto na nasa ibabaw niya parin ako.
Kaya dali-daling tumayo ako at kunwari ay nagpagpag. Nagulat ako ng bigla ay hawakan niya ako na parang lahat sa akin ay chine-check niya.
“May masakit ba sa ’yo?” tanong nito at ako naman ay napa-iling, bakit biglang naging ganito nalang ang pag-aalala niya.
“Next time mag-iingat ka Ms. collector.” wika nito at napasimangot ako sa kaniya, nakakabwesit na naman siya!
“Paano naman ako naging Ms. collector eh hindi naman ako treasurer.” nagulat ako ng bigla ay tumawa ito, at unti-unti na naman akong namangha sa kaniyang mga tawa, napaka gwapo niyang pag-masdan. Aish, hindi sino ba namang nagsabi sa gwapo siya iwsss.
“What I mean is ang dami mong lalaki.” wika nito kaya mas nang-gigil ako, boyfriend nga wala, lalaki pa kaya!
“Hoy fyi, mga kaibigan ko lang ang mga ’yon atyaka ano bang pakialam mo! siguro bakla ka kaya ganiyan ka.” wika ko at pilit siyang iniinis.
“Stop calling me bakla or else I will kiss you right here, right now!” naiinis na wika niya at ako ay dinilaan pa siya na parang bata.
“Hindi naman masamang umamin lalo na tama ka isa sa napaka-gwapong member ng basketball si Jacob, and hot pa, baka siya na ang gusto mo, halaaa.” mahabang litanya ko kaya siya ay mas lalong kumunot ang noo.
At bigla ay kinabig ako nito at pinaglapat ang aming mga labi. Kaya agad ko siyang itinulak.
“Ano ka ba!...


maraming nakakakita!” sigaw ko sa kaniya at siya naman ay nginisian lamang ako.
“Remember that I am the SSG PRESIDENT.” huling wika nito bago ako iniwan at tuluyang nag-lakad palayo sa akin.
Nagulat naman ako ng bigla ay may lumapit sa akin, ang grupo nila Abegail. Anong kailangan nila!
Buong akala ko pa naman bumalik si president, okay lang naman sanay naman akong hindi binabalikan, chariz wala pa akong naging boyfriend ’no.
“I have see again your kalandian!” wika ni Abegail at agad tinapon sa akin ang milk tea na iniinom niya, ano bang problema ng babaeng ito.
“Akin lang si Christian, that’s why if were you lumayo ka na sa kaniya before kung ano-ano pang mangyari sa ’yo cheap girl.” wika nito at agad akong sinampal at kung ano-anong ginawa sa akin ng mga kasama niya.
Kaya naman naiyak na lamang ako at napa-upo sa baba. Wala akong magagawa sikat ang grupo niya at walang magbabalak na tumulong sa akin dito.
Dahil sa mga ginawa nila ay unti-unting nanlabo ang aking paningin randam ko ang panghihina ng aking katawan, hindi ako makahinga agad kung kinapa ang bag ko ngunit wala ang inhaler ko.
Napansin ko na winawagay-way ni Abegail ang inhaler ko at dire-diretsong nag-lakad palayo. Sinandal ko na lamang ang ulo ko sa puno at pilit pinapagaan ang pag-hinga ko.
Unti-unti akong napapapikit dahil sa sama ng pakiramdam ko, wala na ba talagang tutulong sa akin?
Naramdaman ko nalang bigla na may bumuhat sa akin, at dali-dali siyang nag-lakad papunta sa clinic. Hindi ko maaninag ang muk’a niya dahil sa soot niyang sumbrero at isang facemask.
Ibinababa ako nito at agad nilagay sa akin ang oxygen ng school. Nakalimutan kung sabihin na scholar lamang ako rito at sina president ang totoong may ari.
Aalis na sana ito pero agad kung hinawakan ang kamay niya. “T-teka huwag mo akong iwan rito.” wika ko na tila nanginginig parin.
“Ligtas ka na, may darating na para bantayan ka, sa ngayon aalis na muna ako ngunit babalikan kita, pangako ’yan.” wika niya at binigay sa akin ang isang pulseras na may naka-lagay na Thunder.
Sino si Thunder?
/// comment for part 3






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top