Surviving Apocalypse


Genre: horror / Thriller/ fantasy
Author: Hershey Louca Al’rashad
WARNING! This story may contains violence.
PROLOGUE
*Kringg* *Kringg*
(Sounds of alarm clock)
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at umunat ng bahagya para ma-stretch ang katawan ko. Bumangon ako sa higaan at humikab.
“6:30 AM.” Basa ko sa alarm clock bago ito patayin.
Tumingin ako sa body mirror, “Walang pinagbago, maganda pa rin ako.” Mahangin na sambit ko bago pumunta sa banyo at nag morning routine.
Nang matapos ako sa pag aayos, lumabas na ako ng bahay para pumunta sa school.
‘Wow, ang ganda niya.’
‘Mukha siyang model.’
‘Dapat bigyan ng rewards yung magulang na nagbigay ng buhay sa kaniya.’
Napangiti ako sa mga bulungan ng mga tao. Malamang ako ang tinutukoy nila. Hindi na ako nagtaka pa don.
I’m Freya Kalispell, 17 yrs.old. Currently studying at Wellington High School.
My parents died when I was 3 years old. Kaya naman wala ng apekto sa akin kung sabihin ko man sa kanila na patay na ang mga magulang ko. Dati akong inaalagaan ng Tita’t Tito ko, pero nang tumuntong ako sa highschool…
Namatay din sila.
Kaya naman napilitan ako na buhayin ang sarili ko. But I’m also happy for that because I can do what ever I want.
Huminto ako saglit nang mahulog ang panyo ko, nang akmang kukunin ko na ito sa lupa bigla na lang may kung sino ang humablot nito. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
“Here.” Nakangiti niyang inabot sa akin iyon. Bahagya akong napangiti at kinilig sa kaniya.
“Thank you… Warren.” Sambit ko sa kaniya.
Pansin ko na medyo namula ang tenga nito kaya natawa akong ng bahagya. Siya si Warren, ang campus crush ng school namin.
Alam kong may gusto siya sa akin pero syempre hindi ko naman pwedeng ipahalata na alam ko. Para sa akin isa siyang male lead ng story ko, sa kaniya lang rin naka focus ang attention ko.
Sabay kaming pumasok ni Warren dahilan para pagtinginan kami ng mga estudyante.
“Hanggang dito na lang ako, bye, Warren!” masiglang bati ko at akmang papasok na sana sa kabilang building nang bigla nitong hawakan ang kamay ko na ikinagulat ko nang bahagya.
“Meet me on lunch time at Arts class.” Mahinang sambit nito habang namumula pa ang tenga.
Mukhang… mag c’confess na siya.
Napangiti ako ng palihim bago siya tinignan, “A-ahm sure.”
After that, umalis din siya. Ako naman ay tuluyan ng pumasok sa building para puntahan ang room ko.
-Fast forward-
“That’s all for today. I hope may natutunan kayo ngayong araw, bye class.” Paalam ni Ma’am. Agad na tumayo kami at nagpaalam rin pabalik sa kaniya.
Napatingin ako sa wall clock, lunch time na. Siguradong nasa arts class na si Warren.
Huminga ako ng malalim at tumayo para puntahan siya sa arts class. This is it! Ang campus crush ng school namin ay magiging akin na.
Nakangiting pumasok ako sa arts class. Masyadong malaki ang arts class at puno pa ng mga painting materials sa kung saan kaya di ko makita kung saan nakatambay si Warren.
“Warren?” mahinang sambit ko, bigla naman akong nakarinig ng pag ubo sa kung saan kaya dali dali kong sinilip kung sino...


iyon.
Bahagyang napangiti ako nang makita si Warren na nakatingin sa isang painting. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya pa pansin ang pagdating ko.
Nang lumapit ako sa kaniya, kumunot ang noo ko dahil wala namang drawings or naka paint sa puting papel na yun. May nakikita ba siya na hindi ko nakikita?
Lumunok ako sa sarili kong laway at tumikhim, “Warre—”
Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin. Ang speed naman niya HAHHAHAHAHA.
“Warren, ano bang sasabihin mo?” takang tanong ko habang nakayakap pa rin ito sa akin.
“Argh…”
Kumunot ang noo ko nang marinig iyon sa kaniya.
“Warren? May sakit ka?” tanong ko pa.
“Arghh… Grr…”
Nagtataka na ako sa sinasabi niya. Garalgal ang boses niya at hindi ko maintindihan.
“Wa—” natigilan ako sa sasabihin ko nang bigla kaming makarinig ng mga sigawan.
Tinignan ko sa peripheral vision ko ang mga estudyanteng nagtatakbuhan. Teka? Anong nangyayare?
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Warren nang hindi man lang tumitingin sa mukha niya. Sumilip ako sa bintana dito sa art class at laking gulat nang makita ang mga duguang estudyante na kinakain ang kapwa nilang estudyante.
Napatakip ako sa bibig ko at nanginginig na hinarap si Warren.
“W-Warren, a-anong—” muli na naman akong natigilan nang makita ang itsura ni Warren.
Pulang pula ang mga mata niya, kulay violet na ang labi niya, may mga ugat din na nag lalabasan sa mukha niya.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagsusuka nang makitang magluwa si Warren ng dugo.
Hindi… anong nangyayare?!
“Arghh… Grrr…” iyon ang lumalabas sa labi niya. Hindi ko alm kung anong tunog yun pero parang familiar ito sa akin.
Mga kumakain ng tao at parang patay na mukha. Bahagyang napataas ang kilay ko nang may pumasok sa isip ko. Hindi kaya—
“AAAHHHH!” tili ko ng malakas nang tumakbo papalapit sa akin si Warren.
Agad akong tumakbo papalabas nang arts class at pumunta sa kung saan. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta pero natatakot ako ngayon, gusto kong maiyak.
“Tuloonggg!” umiiyak na sumigaw ako sa hallway.
Pero mukang mali ata na sumigaw ako dahil lahat ng zombie na nandito sa hallway at papunta na sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sasabog ito sa sobrang lakas.
“AAAHHHHH!” sigaw kong muli at tumakbo sa kung saan.
Nang akmang aakyat na ako ng hagdan bigla na lang may humila sa akin na ikinalaki ng mata ko. Doon ko nakita ang isang estudyante na puno ng dugo at katulad ng itsura ni Warren.
“P-please… hwag! Please!” naiiyak na sambit ko ngunit huli na dahil kinagat na nito ang kamay ko.
Pati ang ibang zombies lumalapit na sa akin at kinakagat ako. Napaiyak ako dahil sa sakit. Please, ayokong sa ganitong paraan ako mamatay.
Unti unti ng lumalabo ang mata ko hanggang sa….
*Kringg* *Kringg*
(Sounds of alarm clock)
Mabilis na napabalikwas ako ng bangon at naghabol ng hininga. Tarantang napatingin ako sa paligid.
“T-teka…” tumingin ako sa alarm clock na tumutunog pa rin.
6:30 AM.
Nasa kwarto pa rin ako? Kung ganun panaginip lang lahat ng yun? Pero…
Tumingin ako sa kamay ko, may bakas ito ng pagkagat.
“Pero bakit parang totoo yun?”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top