Author: Me
Genre: Short Story
Hi! This is published in my wattpad account. Just visit @ynnaia!
It’s a short story a.k.a one shot story!
••••••••••
Nasa tabing-dagat kami ngayon at parehong nakalublob ang mga paa sa tubig. Dati-rati, tuwing pupunta kami ng tabing-dagat ay saya at kasabikan ang aming nararamdaman. Kay tahimik ng kapaligiran, puno ng kapayapaan. “Ganito rin kaya doon?” Tanong ni Ytthan, ang bestfriend ko.
Tinignan ko siya ng napakatagal bago ngumiti ng pagka-tamis-tamis at hinawakan ang kaniyang kanang kamay. In-intertwine ko ang mga kamay namin at sabay na ibinalik ang tingin sa napakagandang tanawin. Pamilyar ang ganitong pakiramdam, ang presko’t sariwang hangin na siyang tumatangay sa mga kasuotan at buhok namin, ang huni ng ibon mula sa kawalan kasabay ng tunog ng paghampas ng alon ng dagat. Ngunit hindi tulad noon na puro kasiyahan ang hatid dahil ngayon, napaka-lungkot ng puso namin.
Kung may hihilingin man ako ngayong sandaling ito o kahit kailan pa man, iyon ay magtagal kami sa ganitong pwesto… Kahit mga ilang araw pa o buwan man lang. Ngunit alam kong mas lalo lang akong masasaktan kung tutuparin man ng poong maykapal ang hiling ko… namin.
“Walang ganito doon, sigurado ako.” Maya-maya pa’y basag ko sa katahimikan. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa kamay ko.
“Dahil wala kayo doon… Wala ka doon.” Sabi naman niya. Bumuntong-hininga ako ng napaka-lalim at tumingala upang pigilan ang luha kong nagbabadya.
“Dati… Tuwing nandito tayo ay habulan ang harutan natin. Patagalan sa ilalim ng tubig, o kaya nama’y kasal-kasalan…” Mas lalo lamang bumibigat ang loob ko dahil sa sinabi ko. “Kung pwede lang natin bagalan ang oras… Kung pwede lang ibalik ang nakaraan.” I sighed.
“Sorry ha?” Napatingin ako sa kaniya, nakangiti pa rin. “Nasaktan kita.” Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Hindi sang-ayon sa kaniyang sinabi.
Matapos maka-recover sa kaniyang sinabi ay tumawa ako ng mahina. Ito ‘yung tawa na hindi peke, ngunit bakas ang kalungkutan. “Hindi ‘yan totoo. Kung nasaktan o nasasaktan man ako, iyon ay dahil hindi ko pa kaya… At hindi ko alam kung kakayanin ko.” At nagsimula na nga tumulo ang luha ko. Gayunpaman, nanatili akong nakangiti.
“Kung nasaktan o nasasaktan man ako, isa lang ibig sabihin no’n. Mahalaga ka sa akin kaya nagagawa mo akong saktan. Dahil ang puso ko, matigas pa sa bakal para sa ibang tao. Pero pagdating sa ‘yo… lumalambot ‘to.” I heard him chuckle and he removed his hand from mine.
“Hoy! Tumigil ka nga! Anong gagawin mo?!” Suway ko sa kaniya nang dahan-dahan siyang umalis mula sa pagkakaupo sa kaniyang wheelchair.
“Ano ka ba, kaya ko ‘to. Besides, baka doon palutang-lutang na lang ako.” Tinawanan niya ang sariling sinabi ngunit hindi ko iyon nasabayan. Nagulat ako nang pag-baba niya’y pumwesto siya sa aking harapan at lumuhod na parang mag-po-propose. Nababasa ng alon ang tuhod niya. Kung kanina’y naluluha ako, ngayon naman ay walang nang tigil sa pag-uunahan ang mga luha ko. Ramdam ko ang pagbabara ng lalamunan ko at ang paninikip ng dibdib ko.
“I just wanna do this again. After all… Hindi na kita mapapakasalan doon.” Tumawa ulit siya ng mahina. “Matagal na rin simula noong huli kitang pinakasalan.” Ang tinutukoy niya ay ang kasal-kasalan namin, at ang huli ay noong labing-isang taong gulang na kami.
“I, Ytthan Finley Deviore, love you with my whole heart with a passion that can’t be expressed in words, only in glances, and years of adventure by your side. This would be the nth time that I promise to be your honest, faithful, and loving bestfriend for the rest of my days. And by ‘the rest of my days’ I mean… not just until today, but forever.” Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa pamumuo ng luha ngunit sinikap kong pawiin iyon upang masilayan ang kaniyang mala-anghel na mukha.
“I present to you my vow once again, to recommence my promise that I, your bestfriend, will be honest, faithful, and loving, and will love you for the rest of my life… Even if I’m already on the other side.” Nararamdaman ko na ang panghihina niya. Kahit ang husky niyang boses ay unti-unting humihina na tila nahihirapang huminga.
“I, Eunice Reena A. Grazella, will recommence my vow. I pledge to honor you, love and cherish you as my other half, my soul, my missing piece, today and every day… Even if you’re already gone to the other side.” Pagkasabi niyon ay napa-higa siya sa lupa na para bang hinihintay niya lang na bitiwan...