SARAH SILVESTER’ POV
Malapit na rin ang aking kaarawan, bukas na iyon magaganap. Iniisip ko lang kung ano ang magiging gift sa akin ni Damion bukas.
Kasalukuyang wala ngayon siya rito dahil may importante lang daw na gagawin kaya hinayaan ko na lamang siya alam ko kasing may pinagkakaabalahan siya ngayon at isa pa minsan. Nakakaweird yung galaw niya may lagi siyang sinisigawan at naiinis siya minsan sa kausap niya sa phone niya.
Alam kong Mafia siya, siguro may mission siya sa buhay about business or anything but I’ll hope na hindi niya ito ikakapahamak balang araw at ayaw kong mawalan ng ama ng mga anak ko.
Natigilan ako ng marinig ko ang aking phone na tumutunog, kaya I put it at agap ko itong sinagot ng makita ko na si Damion ang tumatawag.
“Hello hubby” nakangiting ani ko habang nakatayo ako sa may terris habang nagpapahangin ako.
“Wife I miss you, what do you want na pwede kong bilhin ko na gusto mong kainin” malambing ang kanyang boses na tinanong sa akin. I smiled widely at napaisip ako at agad ko rin itong naisip.
“I miss you to hubby, pwede bang bilhan mo ako ng lansones saka chicken joy” nakangiti kong sinabi.
“I got it, ok wife I will buy it, just wait for me. Huwag mong pababayaan sarili mo diyan” ani niya at puno ng pag aalala. Grabe naman siya kaOA kilala naman niya ako e, hindi ko naman pinapabayaan yung sarili ko siyempre ayaw kong may manyari ng masama ang mga twins ko sa aking sinapupunan ko. I’m willing to care about them. Bunga kaya ng pagmamahalan namin ni Damion ito.
“Ok huwag kang masyadong OA diyan hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko, pero teka tapos na ba ang sinasabi mo” tanong ko rito.
“Yeah, small things wife kaya huwag kang mag alala makakauwi rin ako ng maaga, kamusta naman si Grey diyan nag eenjoy ba wife” halata ang boses niyang nakangiting tanong nito sa akin.
“Oo naman, yun kasama niya si Mamita pinasyal niya ata si Grey” nakangiti kong ani.
“How about you, hindi ka ba naboboring diyan wife?”
Malumanay nitong tanung sa akin, umiling naman ako st ngumiti. Wala naman akong ikaboring kasi may hardin naman ako na pinagpapalipasan ng oras. Napakaganda kasi, napakarelax tuwing nakikita ko.
“No, hubby I’m always enjoying here. Kaya huwag mo akong alahanin, ikaw mag ingat ka sa biyahe” payo ko rito, bahagya naman siya napatawa.
“Palagi ako nag iingat wife, basta para sayo ” napabuntong hininga ako saka ngumiti mukang kinilig ako doon huh, ahh basta para sa akin.
“Sige wife, I hang up this take care” malambing niyang ani.
“Take care too, maaga kang umuwi huh. Hihintayin kita, I want your hug” nakangiti kong ani, na ikinatawa nito ng mahina. Binaba na rin niya ang tawag kaya binaba ko na rin. Nang may nakita akong taong nakatayo sa may poste na tapat lang ng gate.
Mukang namumukhaan ko siya, nakatingin rin siya sa aking gawi. Agad akong bumaba ng teris muka kasing walang balak na umalis ito. Kaya napagpasyahan kong puntahan ito. Nang makalapit na ako sa gate at nabuksan ko na rin ito ay naaninag ko ang ang kanyang muka.
“Yumi” mahina kong usal, agad ko siyang sinunggaban ng yakap na ikinaganti rin nito.
“Musta ka na, namiss ko kayong lima” pagkasabik kong sinabi, namiss ko na rin ang mga taong tinalikuran ko na ng matagal.
“Queen, namiss na rin kita sobra. Kailan ka babalik sa ating grupo” natigilan naman ako sa kanyang tinanong, umagwat ako sa kanya at tumalikod sa kanya.
“Buntis ka” utal nitong tanong.
“Alam mo naman ang sagot ko diba, Yumi kung maaari lang gusto ko nang mapalitan ang puwesto ko sa Gangster na yan. Please Yumi tinatalikuran ko na ang puwesto ko” pakiusap ko sa kanya. Marami akong pinagdaanan sa bagay na iyan, kung hindi dahil sa Gangster na yan ay hindi nawala ang isa sa mga kaibigan ko, dahil napatunayan ko sa sarili ko na hindi ako karadapat na maging Queen hindi ko naprotektahan ang isa sa mga grupo ko.
Kaya sinisisi ko sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit namatay si Yuri. Isinumpa ko sa sarili ko na ayaw ko na tatalikuran ko na ang pagkaqueen ko. Naramdaman ko ang ang marahan niyang pagyakap sa akin.
“Queen, wala kang kasalanan. Hindi mo yun sinasadya, magaling kang pinuno sa ating grupo. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ni Yuri sadyang naisahan lang tayo ng kalaban noon, alam kong mahal mo kami marami ka na ring nagawa para sa amin, ibinuhos mo na sa amin lahat kung gaano kaimportante ka sa amin kaya, please bumalik ka na” mahabang lintanya nito, naiiyak na rin siya sa aking harapin.
“Patawad pero, hindi ko na maipapangako pa wala na akong lakas at ganang bumalik pa, may mga anak na ako na dapat kong ipriority at pagtuunan ng atensyon Yumi” naiiyak kong ani saka hinawakan ang kanyang mga palad at nagsusumamo. Mapait naman siyang ngumiti sa akin saka yinakap ako ng mahigpit.
“I’m so sorry” mahinang usal ko.
“Ayos lang naiintindihan ko basta bumalik ka pag kaya mo na” malumanay niyang ani.
—————————-
Balisa ako habang hinahanap ang akong bracelet, nawala ko ata. Nasan na ba yun, asan ko ba yun nailagay napakaimportante pa naman ang bracelet na iyon. Gift yun sa akin noon ni Yuri nung araw ng kaarawan ko, bigla naman ako nanlumo ng maalala ko yun yung araw na namatay rin siya.
Napaupo lamang ako sa sahig habang nakasabunot sa aking magkabilang buhok ko. Hindi maaring mawala yun importante sa akin yun e. Isip isip naman Sarah nasan mo ba nawala. Narinig ko...