The Battered Wife CHAPTER 9


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE / BELLA – POV )
Nakita ko ng muli ang lalaking mahal ko.
Si Sky.Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi iyon maaari.
Halos wala siyang pinagbago , tulad pa rin ng dati.
Palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Franco.Marahil ay nagtataka kung bakit ako kasama ng kaibigan niya.Bago pa kase kami bumalik dito sa Pilipinas ay naikwento na sa akin ni Franco na close sila ni Sky at parang kapatid ang turingan nila sa isa’t-isa.Talagang maliit ang mundo.
” Elise , nagbalik ka ”
Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Sky.Gustuhin ko man na yakapin siya pabalik ay sinenyasan ako ni Franco na huwag.Alam ko kung bakit niya iyon ginawa dahil ayaw niya akong masaktan at umasa ulit.
” Excuse me , Matagal ko nang pinatay ang pangalang Elise kaya pwede ba tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng ganyan.”
Pinilit kong maging matapang sa harap ni Sky.
” At bakit mo naman iyon ginawa ? para makaiwas sa akin ? ”
” Sky , ayoko ng gulo ”
” Sige nga Elise sabihin mo sa akin ngayon , bumalik ka ba sa buhay ko para manggulo ulit.At ano kaya ka ba nagpasyang hiwalayan ako nung bagong taon ay para sumama sa kaibigan ko na itinuring kong kapatid ? pagkatapos ano , ang buhay naman ni Franco ang sisirain mo ! ”
Sa pagkakataong ito ay hindi ko kailangang magkunwaring matapang.
Sobra na ang mga salitang binibigkas ni Sky at hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito.
” Kababalik ko lang ng bansa Sky tapos ito ang ibubungad mo … Lumayo ako sayo para turuan ang sarili kong kalimutan...


kang mahalin kahit alam mong mahirap para sa akin.Si Franco , boss ko lang siya at kaibigan.Kung sa tingin mo pati ang buhay niya ay sisirain ko pwes nagkakamali ka.Mabuti pa nga si Franco , hindi ako ipinagtabuyan.Sky , ang buong akala ko sa loob ng isang taong nawala ako ay nagbago na ang ugali mo yun pala hindi , dahil mas naging mataas ang tingin mo sa sarili mo ! ”
Magsasalita pa sana si Franco para awatin kami pero hindi ko na iyon hinayaan.Bagkus ay hinila ko nalang siya palayo kay Sky at naghanap na kami ng masasakyan paalis ng airport.
( SKY – POV )
Nagkamali na naman ako.
Hindi ko nakontrol ang ugali ko.Masakit pala para sa akin na makitang mayroong kasamang iba si Elise.At hindi man lang sinabi sa akin ni Franco na ang dati kong asawa ay matagal na niyang kasama.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa airport.
Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking umiiyak ?
Sana pala hindi si Zeny ang pinili ko …
Sana pala binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong matutunang mahalin ang taong katulad ni Elise.
Pero hindi ako susuko , handa kong bawiin si Elise.
Kapalit man nun ay ang samahan namin ni Franco.
” Magiging akin ka ulit Elise.Hindi ko hahayaang maangkin ka nino man.”
( SOMEONE’S – POV )
Umaayon talaga sa akin ang panahon.
Ang gandang pagmasdan ng mga senaryong nangyari sa airport.
Isang babae na pinag-aagawan ng dalawang lalaki.
Tingnan ko lang kung hanggang saan tatagal ang mga taong ito.
” Kawawa naman kayo Sky at Elise , hindi nyo alam may sumisira lang sa inyo.”
To be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top