STAHM 2: THE BLOOD EXCHANGE
—
CHAPTER 1: The new beginning
ZARIYAH’S POINT OF VIEW
“I am—
Zariyah Hyurielle Hernandez, 24 and I, myself declare, here in front of the many, here in this place where I was vowed and promised that I will gave my life and serve my loyalty to ICAO, are now signing off as an interpol agent, and was no longer to be part of this Organization. As I walk to the path of the new beginning ,I, myself, promise that I will do my best to give my life and lovestory a sweetest and happiest unforgetful ending. Together with the man I love,Zander….and my two little kids, Zafirah an Zymon…We ,as a family say Thank you and now…goodbye”.
Nanatili pa rin akong nakangiti habang nagsitayuan at nagsipalakpalakan ang mga tao matapos kong sabihin ang huling speech ko na iyon. Napahinga ako ng malalim saka isa isang inalala lahat ng mga napagtagumapayan kong mga misyon.
“Mahal na mahal kita Ash. Ikaw lang ang mamahalin ko, ipinapangako ko yan. Hanggang sa kamatayan. Mamahalin kita”
Mapait akong napangiti nung maalala ko ang mga salitang iyon galing sa isang tao mula saking madilim na nakaraan. Akala ko nakalimutan ko na sya, pero unti unti na namang bumabalik ang mga ala-ala nya
“Niloko mo ‘ko? Ash, baket? Minahal kita! Sobrang mahal kita tapos ito, ito! Ginamit mo lang ako para sa lintik na misyon mo! Minahal mo ba talaga ako o puro pagpapanggap lang ang lahat? Sabihin mo!”
“Hindi… Tsk, gusto mo bang malaman ang totoo? Haha, hindi kita minahal. Sa tingin mo ba talaga mamahalin ko ang isang kagaya mo na.. isang anak ng demonyo? Hahhaha, hindi. Kahit kelan, hindi”
“A-ash mahal na mahal kita….”
“Hindi ko iyon kasalanan. Ginamit lang kita, pero ngayon, tsk, hindi na kita kelangan”
“ASH!”
Lucas.
“Mommy!”
Naiahon lang muli ako sa malalim na pagkakaisip dahil sa malakas na sigaw na iyon ng dalawang kong anak. Sina Zafirah at Zymon.
Nasa taas na pala sila ng stage. Nasa gitna pa pala ako, tinitingnan at pinapalakpakan ng mga tao
“I’m so proud of you baby” higit sakin ni Zander nung makalapit sakin. Napangiti ako nung sandaling halikan nya ako sa noo.
“Thank you..” tugon ko at ngumiti
“Where’s my gift by the way?” Biro kong sabi sa kanya.
Tiningnan naman nya ako sa mata saka nagsalita.
“Hmm, later” nakangiting aniya. “But for now, ito muna” dugtong pa nya saka ako mariing hinalikan sa labi
Sa harap ng media. Sa harap ng maraming tao. Waaah!
“What?” Natatawang ani nya dahil sinampal ko ng mahina ang dibdib nya. “Haha, you’re blushing. So cute baby” dugtong pa ni Zander kaya mas lalo tuloy naginit ang mukha ko.
Sisinghalan ko pa sana siya ngunit hindi ko na nagawa dahil meron ng sumingit sa eksena naming dalawa.
“Congratulations Agent S” sabi sakin ni Mr. Gonzales, head superior ng ICAO jail. “And thank you for your service. 10 years,hmm that was good enough” nakangiting sabi nya sakin matapos akong kamayan. Tumugon naman ako.
“Thank you”
“Hey darling” bati sakin ni Dad saka humalik saking pisnge. “Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa desisyon mo?” Tanong sakin ni Dad.
“Dad, nakailang beses mo ng tinatanong sakin yan eh. Iisa lang naman nagiging sagot ko haay” Ako.
“Hahha okay okay. Hands up” birong ani pa nya saka tinaas ang dalawang kamay.
“Lolo papa, buhat hihi” sabi ng five years old kong anak na si Zymon kay Daddy. Binuhat naman sya ni Dad tas tumingin sa isa ko pang anak.
Ngumuso lang ito kay...