The Choosen ONE πŸ’ž πŸ’ž Continuation of Chapter Bente Uno AgainπŸ’ž


Tinutok nito ang baril sa ulo ni Crew gayon na lamang ang pagtangis ng nakabaong binata sa lupa.
“Wag Reoh!!!Parang awa mo na!!!!!pagmamakaawa nito..
“Isang tanong isang sagot.Anong ginawa nyo sa kapatid ko???
“Wala wala kaming ginawa sa kapatid mo Reoh .Maniwala ka!!!!
“Sinungaling!!!!!sigaw ni Reoh at tinutok na naman ang baril sa ulo ni Crew.
“Maniwala ka Reoh.Wala talaga kaming alam.Oo nung araw na iyon ay tinambangan namin sya ngunit nakatakas din at mabilis na tumakbo.Hinabol namin pero mabilis syang naglaho”
Tiningnan ni Reoh ang kaharap mukhang nagsasabi ng totoo.
“Pakawalan mo na ako dito.Parang awa mo na!!!!
Pakiusap nito ngunit sadyang bingi ang mga tenga ni Reoh.Tumayo ito tska may sininyas sa isang tauhan.
Maya maya ay lumapit ito na may dalang kumpol na malalaking bahay ng antik.
“Enjoy you’re warming moment with this fucking ants boy”pahabol nito tska itinabi sa ulo ni Crew ang mga bahay na punong puno ng malalaking antik.
At...


nagsisigaw ito sa sobrang sakit gawa ng kagat ng mga ito.Magkahalong pag mamakaawa at sakit ang bumabalot sa lugar na iyon na walang kahit sinong makaririnig.
Halos maghahating gabi ng maramdaman ng dalaga na nauuhaw sya.
Kaya napagdesisyunan nyang bumaba para uminom Ng tubig sa kusina.
Tahimik na ang boung kabahayan malamang tulog na ang lahat.
Maliban na lang siguro sa mga nagbabantay sa labas ng mansyon.
Agad syang lumagok ng tubig pagkasalin nya sa baso.
Akmang aakyat na sya sa hagdanan para bumalik sa kwarto ay biglang bumukas ang main door ng mansyon.
At iniluwa niyon si Thriod na pasuray suray sa sobrang kalasingan nito.
Sobra syang nataranta nagmamadali syang umakyat ng hagdanan pero ng nasa kalagitnaan na ay bigla ring napahinto.Ng makita ang pagbagsak ni Thriod sa sahig.
Napahinga sya ng malalim.
Napakasama naman ata kong iiwan nya na ganun ang ayos ng binata.
Maya maya ay mabilis din na bumaba pabalik.Bahala na.
πŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’žπŸ’ž






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top