The Choosen ONE Continuation of Chapter Bente


“Here 200 thousand pesos”sabay lapag ni Vorris/Boris ng puting sobre sa taas ng mesa.
Kabayaran ito sa pagpatay ni Reoh kay Mr.Kang.
Sinilip ni Reoh ang loob ng sobre.
“Walang labis walang kulang”ngising turan ni Vorris dito.
“Wala ka ng maipapagawa sa akin?seryusong tanong ni Reoh sa kaharap.
Napahalakhak sa tuwa si Vorris/Boris sa tanong na iyon.
“I like you’re question.Actually meron pa akong ipapagawa sayo.
Kung may matinik sa kalaban mayron namang pinakamatinik.
Dodoblehin ko ang bayad basta matrabaho mo lang ng maayos ang ipapagawa ko.”sabay lapag ng dyaryo sa harapan ni Reoh.
“Sya si Thriod Skyper, number one most wanted billionaire in under ground at maging sa labas.
May I remind you boy masyado yang matinik.Kaya ayusin mo.”
Kinuha ni Reoh ang diyaryo at matamnan na tinitigan ang larawan ni Thriod.
Isang hakbang na lang ang gagawin nya.
Malaki na ang perang mahahawakan nya.
Mahahanap na nya ang ate nya at bunsong kapatid na si Wahida.
Pasado alas dos na magising si...


Nadeline.
Nasa sariling kwarto na sya at nakabihis na rin sya ng damit.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Hilda.
May dala dalang isang tray na naglalaman ng pagkain.
“Ma’am saktong sakto po pala ang pagdala ko ng pagkain gising na kayo.”
Nakangiting wika nito habang nilalapag ang tray sa mini table sa tabi ng kama nya.
“Kaen na po kayo”Special ho yan.Kasi bagong luto po yan.Tingnan nyo po umuusok usok pa hehehe”
Panay ang ngiti ng katulong na ito.
Pero di na nya ito pinansin pa dahil gutom na rin sya.
Pinilit nya na wag ngumiwi sa harapan ng katulong,mahirap na baka sya maissue eh.
Gutom sya kaya wala syang pakialam kong sunod sunod ang pagsubo nya ng pagkain.
“Ma’am Nadeline ano ho ba pinakain nyo kay Lord Thriod at nagkakaganon na ng lumabas sa kwarto nya?
Usisang tanong ni Hilda.
Muntik pa nyang maibuga ang kinain nya sa tanong ng katulong.
“Bakit?Anong nangyare?pilit na pinormal ang boses.
Kahit na kinakabahan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top