Hindi katulad ng dalawang tauhan nito na halos lumuwa na ang dalawang naglalakihang eyeballs habang nakakatitig sa mga dalagang nasa harapan.
Hindi iyon nakaligtas sa mapag panuring mata ng Madam.Nabahala ang madam sa reaksiyon ng mukha ng binata.Pag Wala itong mapili tiyak mazezero balance sya sa senior.
“A-ang totoo nyan Lord Thriod may isa pa”mahinang banggit ng babae ngunit sapat na iyon para marinig ng lalake.Kinakabahan ang madam dahil pag nagtanong ito Kung nasaan,hindi nya naman maipakita dahil sa hanggang ngayun Wala pa rin si Daiyna na naghahanap Kay Nadeline.
At di nga sya nagkamali nabasa nya na naman sa mukha ng binata ang pagtatanong kung nasaan na ang tinutukoy nito.
“A-ang toto………………”hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan.At iniluwa si Nadeline na parang pagod na pagod,habol hininga pa kala mo lumaban ng sampung kilometrong takbuhan.
“S-sandali!!!!!sigaw pa nito at pahangos na tumakbo upang pumunta sana sa pwesto nya...