THE MULTI BILLIONAIRE’S WIFE CHAPTER TWO


THE MULTI BILLIONAIRE’S WIFE
BY: ÀKAINO SCHREIBEN
CHAPTER TWO
3 years passed…
YERI’S POV:
“M-Mom. . .m-mom hehehe!” Pinaglalaruan pa ni Dael ang aking buhok habang binabanggit ang salitang ‘yon.
Nakangiti ko lang siyang tiningnan at muling ibinaling ang mga mata sa daan palabas ng Airport.
It’s been 3 years since I left Philippines. Pumunta ako ng America para makipagsapalaran. Matagal nang may nag-offer sa akin ng trabaho. At ‘yon ang matandang tinulungan ko.
He offered me being his assistant in the said company. Hindi ko makuha-kuha ito noon dahil sa sitwasyon namin ni Kidou.
Saka asawa ko pa rin siya kaya may karapatan siyang malaman ang tungkol sa trabaho.
Kaso dahil sa nangyari sa aming dalawa noong nagdaan ang mga taon, nakapagdesisyon ako na tanggapin ang offer nito.
Mabuti na lang mabait si Sir Franco, hinintay niya talaga ang sagot ko kahit na umabot pa sa buwan.
Habang nasa America ako, hindi naging maganda ang simula. Mabait naman ang nasa company na mga empleyado, iilan sa kanila ay mga Pilipino , kaya masyadong approachable, at pati ang mga anak o apo ay sobrang napakaamo, pero noong malaman ko na may bata pala sa tiyan ko, naging mahirap sa akin ang lahat.
Nahihiya ako sa mga taong nakaalam. Imbis na magtrabaho, ako pa yata ang kanilang inasikaso.
Ang kondisyon lang sa ginawa nila ay hahayaan ko na sila ang mag-isip ng pangalan ng bata. At sila ang magiging mga ninong saka ninang nito.
“M-mama! Mama!” Malakas na sigaw kung saan kaya napatigil ako sa aking paglalakad at mabilis na napalingon sa aking likuran.
Nakita ko si Brienca na nagmamadali habang nakasabunot sa kaniyang buhok ang isa pang bata.
Nakalimutan ko nga palang may kakambal si Dael at ito naman si Nael.
Ang pinakamakulit at sadistang bata. Sa edad na dalawa, masyado siyang brutal sa tita niya. Brienca is my American friend, alam niya kung paano magsalita ng tagalog dahil namuhay rin siya sa Pilipinas nang napakahaba.
“Gosh! Nael is so annoying, he pulled my hair again! Kung hindi lang siya cute, I’ll thrown him away.” Panunumbong nito sa akin matapos makalapit na nang tuluyan sa direksyon ko.
“Don’t do that. That’s a child abuse.”
“Whatever.” Umirap pa siya bago ibaling na ang tingin sa bata. ” Hey, stop pulling my hair, and oh my god! Don’t play your saliva! That’s—eww!” Panunuway niya na naman sa anak ko pero narinig ko lang ang hagikhik nito.
Mas inaasar lalo ang kaniyang tita. Kaya napangiti na lang ako nang malawak sa aking naiisip.
Alam kong magkakaroon na naman ng mahabang sermon ang anak ko sa Tita Brienca niya.
****
“This house is so beautiful! Napakalaki rin and has three floor. Kulang na lang ay elevator, you know? Sobrang hirap umakyat sa napakahabang staircase. ” Turo niya pa sa hagdanan sa gilid ng bahay. May gate pa ito para walang sinuman ang makakapasok sa susunod na palapag.
“There’s a room in first floor too. You don’t need to go up. Kung gusto mong walang ingay, you can kept another room from the second floor.” Suhestiyon ko naman sa kaniya na agaran naman niyang ikinatango.
Ang mga bata ay nasa mga kuna nila. Tig-isa sila dahil malalaki silang mga bata. May design ang papag nila ayon sa gusto nilang laruan.
Masyadong maarte si Dael sa lahat kaya ang design ng kuna niya ay galaxy. Si Nael naman ay tungkol naman sa mga superhero. He’ll definitely cry kapag hindi nasusunod ang ayon sa gusto niya.
Hindi ko alam kung saan nagmana ang dalawang bata. Ibang-iba naman ako sa kanila.
“I remember, I have meeting with my new partner. Ikaw na muna ang bahala sa mga anak ko, pwede ba?” Bigla kong naalala na hindi lang pala pag-uwi ang ipinunta namin sa Pilipinas.
“Oo naman! Magtatanong ka pa niyan, kung matagal ko naman ding ginagawa ang pagbabantay sa mga bata. Basta ang mahalaga, may time ka pa rin sa kanila.”
Noong pinagbubuntis ko ang mga bata, pumanaw na rin si Sir Franco. Hindi ko aakalain na pamamanahan niya ako ng ilang lupain at kompanya niya sa Pilipinas, maging sa America.
Ang sabi niya ay kailangan ko itong palaguin para sa mga anak ko. Kaya pagkatapos kong manganak at makapagpahinga.
Ginawa ko ang trabaho ko, mahirap maging isang mommy na nagtatrabaho. Dahil nasa utak mo lagi ang mga anak mo, kung uminom na ba sila ng gatas? Ayos lang ba sila? Hindi ba sila nasasaktan? May sakit ba sila?
At marami...


pang iba.
Pero nandiyan si Brienca, siya ang naging pangalawang ina ng mga bata. Lagi akong ti-ne-text kung ano na bang nangyayari sa kanila.
That’s why I owe her a lot. Kung wala siya, baka hindi ko makaya ang pressure.
“Thank you, Brienca. I’m really happy to be your friend.” Ngumiti pa ako nang sinsero sa kaniya na ikinanguso ng kaniyang labi at binigyan ako nang mainit na yakap.
“I should be the one who will thank you. Kung hindi dahil sa iyo, baka tuluyan ng nagkahiwalay kaming dalawa ni Harold. Baka wala na ako at baka hindi naranasan ni Lolo ang kasiyahan bago siya mamatay.” Mahabang paliwanag niya sa akin na ikinatango ko naman bago namin marinig ang cellphone kong tumutunog. “Your secretary calling you, Yeri. Humahanga ako sa katibayan ng loob mo, kaya pumunta ka na at sagutin mo na ang tawag niya saka pakisabi na huwag akong kalimutan na tawagan din.” Kumalas na siya sa pagkakayakap at itinaas pa ang hintuturo sa kanang kamay niya na ikinatawa ko bago mag-thumbs up.
“Sige! Ikaw na ang bahala sa mga anak ko huh! See you!” Kumaway na lang ako kay Brienca at kinuha sa sofa ang shoulder bag ko.
Sinagot ko na rin ang tawag ni Harold. Ang sekretarya ko slash asawa naman ni Brienca.
Kung si Brienca ay tagapag-alaga at tagabalita sa mga anak ko. Ako naman ang tagamanman kung may ginagawa bang kalokohan itong asawa niya.
Masyado kasing lapitin ng mga babae kaya si Brienca ay naiinis sa pagmumukha ng asawa.
“I’m going. Wait me there, saka tawagan mo raw si Brienca. Baka maging dragon na naman kapag nakalimutan mong kamustahin ito.” Paalala ko rito bago siya babaan ng aking tawag.
Nagmadali na rin ako sa paglalakad papunta sa garahe. Hindi ko na rin pinalitan ang suot ko dahil kailangan ko talagang umalis.
*****
“Good afternoon, Ma’am Yeri.”
“Good afternoon, Ma’am.”
” Good afternoon too. Do your job and don’t forget to rest if you’re tired. ” Paalala ko sa mga ito na ikinatuwa naman nila at nagpasalamat.
Tanging ngiti na lang ang itinugon ko saka naglakad na para pumunta sa may office. Hindi ko pa kilala kung sino ang new partner ko sa magiging project ng dalawang kompanya.
Ang pagkakaalam ko lang ay isa rin siya sa nakalagay sa Top List na mga pinakamayayaman sa mundo. Ako na rin ang nagbalak na huwag alamin dahil makikilala ko rin naman sa huli.
“Good afternoon, Ma’am Yeri. Your partner is already inside. He’s taking a coffee while waiting you,” pagpapaalala sa akin ni Harold nang makita akong nasa may pintuan na.
Napansin ko sa loob ang isang lalaking nakaupo sa harapan ng table ko habang nakadekwatro at nakahawak sa tasa na may kape.
Base sa kaniyang hubog ng katawan ay pala-gym ito. At kung hindi ako nagkakamali, parang familiar ang relo na nasa kanang kamay niya.
Dahil ako mismo ang nagregalo nito sa kaniya. Am I just hallucinating or dreaming that this guy is really him?
Sana nga hindi totoo. Dahil hindi pa ako handa, pero kung siya man. Wala na rin akong magagawa.
This is for the new company and not our own life.
“Let’s go inside.” Utos ko na lang sa kaniya na ikinangiti niya at bahagya pang tumango.
“Then lady’s first, a beautiful lady to be exact,” pambobola na naman nito sa akin na ikinangiwi ko na lang.
” Ehem!” Pekeng ubo naman ng kung sino kaya napalingon ako sa direksyon niya. Sobrang lakas din nito na parang sinasadya talaga niya.
Nakaharap na siya sa amin at gayon din ay nakatayo na sa kaniyang pagkakaupo. He’s still using his cold gesture. Hindi na bago pa kay Kidou.
‘Yeah, my one and only new partner is my husband. It should be an ex but we never file any annulment paper.’
“Nice meeting you, Mr. Vazher.” Inilahad ko pa ang kanang kamay ko sa direksyon niya and I give him a mischievous smile.
“I am too. I am glad to meet you, my beautiful wife, Yeri VAZHER.” Diin niyang sabi sa apelyido na patuloy ko pa ring ginagamit at matalim pang nilingon ang sekretarya ko.
Pero pagdako ulit ng tingin sa akin ay para siyang sinapian ng gag* dahil nakangiti siya nang malawak at hinawakan na rin nang tuluyan ang kanang kamay ko upang kami ay makipagkamay sa isa’t isa.
Kaso mali pala ako. Dahil itinaas niya ito at walang pasabi na hinalikan ang likuran ng palad ko.
‘The f!’






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. boys talga ohhhh

Leave a Reply


top