THE STORY OF US CHAPTER 12


Nagising sya ng may marinig na nagbubulungan at hagikgikan sa paligid.
Dahan dahan nyang minulat ang mata at naramdaman nyang may mabigat sa ulo nya. Si Jax pala nakadantay sa kanya habang tulog.
“Oh gising na yung love team.” mapang asar na muka ni Mira ang nakita nya. Napagalaw ang ulo nya at dahil doon ay nagising si Jax. Inangat nito ang ulo at tumingin sa kanya.
“Nagising ba kita? Sorry.” hinging paumanhin nya dito.
“No. Its okay.” sagot nito. “San na ba tayo Mira?” tanong nito.
” Malapit na tayo pre.” si Tony ang sumagot.
Napatingin sya sa suot na relo. Mag aalas kwatro na pala ng hapon. Tamang tama ang dating nila para sa sunset mamaya. I love sunset.Gustong gusto nya napapanood ito.
“Maabutan pa natin ang sunset.” rinig nyang sabi ni Jax sa tabi nya. Alam na alam talaga nito ang mga gusto nya.
“Oo nga eh. Excited na ko!” masayang sabi nya dito.
Maya maya lang ay tumigil na ang sinasakyan nilang van sa harap ng isang magandang beach house. Bumaba kagad sila at namangha sya sa ganda ng bahay. Mayron itong dalawang palapag at may napakagandang terrace sa harap.
“Welcome guys sa beach house ng tito ko! Feel at home kayo.” pagwewelcome ni Chrys sa kanila.
Nakababa na din yung mga ibang kasama nila sa isang van. Bali 20 katao silang lahat. Mas lamang nga lang ang lalaki kesa sa babae. 7 lang silang babae at 13 naman ang kasama nilang lalake. Wala naman problema dahil ka close naman nya ang mga kasama nila.
Pagpasok nila ay lalo syang namangha sa laki nito. Ang lawak ng pinaka sala na kakasya silang lahat. May malaki din flat screen tv. At may malaking glass door sa gilid na nakaharap sa dagat.
“Ang ganda dito. Gusto ko din ng ganto.” di nya napigilang sabihin habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng bahay. Natawa naman si Jax sa tabi nya.
“Merong 6 rooms dito. Yung 2 rooms sa mga girls na. Yung 4 rooms bahala na yung mga lalaki maghati hati kung sino magkakasama sa room.” paliwanag ni Chrys sa kanila.
Napagdesisyunan nila ni Mira at Angela na silang tatlo ang magkakasama sa isang kwarto. Pinili nila yung kwarto na may malaking kama. Tabi tabi na sila dun kasya naman sila. Hinatid naman ni Jax ang gamit nya sa kwarto nila.
“Thanks Babs! San room nyo?” tanong nya dito. Nasa pinto lang sila. Ayaw pumasok ni Jax kasi alam nyang puro babae ang nasa kwarto. Ganyan ka gentleman ang bestfriend nya.
” Dito lang sa tapat nyo. Kasama ko si Jeff at Tony.” turo nito sa katapat na pinto.
“Mag ayos ka na ng gamit. Tapos libot tayo sa labas.” aya nito.
“Sige!Sige! wait lang bibilisan ko lang!” bumalik sya sa loob ng kwarto nila at naabutan si Angela at Mira na nakatitig sa mga nakalatag na swimsuit sa higaan.
“Anong problema nyo girls?” takang tanong nya sa mga ito.
“Di kasi kami makapag decide kung anung susuotin.” sagot ni Angela sa kanya.
“Kelangan ba naka swimsuit?” tanong nya sa mga ito.
“Wag mong sasabihin samen na yan lang ang susuotin mu?” mapanuyang tanong ni Mira sa kanya.
“Anong problema sa suot ko?” tinignan pa nya ang suot nyang loose shirt at maong shorts. Wala naman problema dito ah.
“Mag swimsuit ka Lyna. Madami akong extra dito na dala. Dali!” aya ni Angela sa kanya sabay abot ng isang itim na two piece sa kanya.
“No way! Di nyo ko mapapasuot ng ganyan! Eh halos wala na kong itago jan!” nandidiri pa nyang turo sa two piece na hawak nito.
“Anu ka ba! Di naman ito revealing! at di masyadong sexy ung pang taas. Sayang yang katawan mo kung di mo ibabalandra!” hikayat pa ni Mira sa kanya.
“Ayoko! Hindi ako magsusuot ng ganyan! Saka magagalit si Jax pag makitang magsuot ako ng ganyan!” tanggi pa din nya.
“Jax na naman! Hayaan mo yun si Jax. Wala na syang magagawa pag nakasuot ka na neto mamaya. Baka lumuwa pa mata noon pag makita ka hahhaha” natatawang sagot ni Mira sa kanya.
“Dali na girl bihis na suotin mu na to!” tinulak tulak pa sya ni Angela sa cr. At nagtagumpay ang dalawa na maipasok sya sa cr kasama ang swimsuit.
“Hindi ka lalabas jan hanggat di ka nagbibihis. Sayang ang sunset. Balita ko napakaganda pa naman ng sunset dito.” pananakot na ni Mira sa labas ng Cr.
Napasimangot sya at tinitigan ang damit na nasa kamay nya.
“Lagot ako kay Jax” nammroblema na bulong nya sa sarili.
Wala na syang nagawa kundi magbihis dahil di talaga binubuksan ng dalawa ang pinto ng cr. Pagkatapos nya magbihis ay tinignan nya ang sarili sa salamin. Maayos naman tignan ang suot nya. Di naman kabastos bastos tignan. Di lang kasi talaga sya sanay magsuot ng mga sexy na damit. Eto ang first time nya. Sinuot nya muli ang maong shorts nya. Ayaw nya talagang lumabas na two piece lang ang suot. Maputi naman sya at walang peklat. Hindi lang talaga sya confident na ibalandra ang katawan. Nagpasya na syang lumabas ng cr. Pagbukas ay nakaabang ang dalawa.
“Sana all talaga sexy at may malusog na hinaharap.” pinasadahan pa sya ni Angela ng tingin mula ulo hanggang paa. Nahihiya naman syang tignan ang mga to.
“Bakit naka maong ka pa?” tanong ni Mira sa kanya.
“Mamaya ko...


na lang tatanggalin pag maliligo na.” palusot nya dito. Di na ito sumagot at dumiretso na ito sa cr at nagbihis.
Kinuha naman nya ang cp nya sa kama at nakitang may text si Jax sa kanya
“Nana sa labas na lang kita hintayin ha.” text nito. Nainip na siguro sa tagal nya hehe
Matapos magbihis ng dalawa ay lumabas na sila. Ang bagal pa nya maglakad kasi nahihiya sya sa suot. Nahuhuli na sya sa dalawa.
“Witwiw! Hi Chicks!” rinig nyang asar ni Chuck sa dalawa ng makalabas ng tuluyan ang mga ito.
“Haha b*liw!” sagot naman ni Angela dito habang natatawa.
Tuluyan na sya nakalabas ng bahay at napalingon sa kanya lahat. Nakaupo sa isang bench na mahaba sila Chuck, Chrys at Rico. Sila Jeff at Tony naman ay busyng busy nag aasikaso sa ihawan pero nakatingin din sa kanya. Si Burn na may kausap na kaklase nilang si Jane ay napatunganga din sa kanya.
Pag lipat ng mata nya sa harap nya ay nakita ang nakangangang si Jax. Sisipol dapat si Chuck sa kanya pero di natuloy dahil sinamaan ito ng tingin ni Jax. Tawanan naman lahat ng nakakita.
Nilapitan sya ni Jax na seryoso lang ang tingin sa kanya. Kinabahan sya sa paraan ng pagtingin nito. Naroon ang paghanga pero may nakikita syang konting inis.
“Ahm. Sila Mira kasi! Ayaw ako palabasin ng hindi to sinusuot.” paliwanag nya kagad dito.
“Tsk! Wag kang lalayo sa akin.” nagulat sya na di sya pinagalitan nito.
“Di ka galit Babs?” paniniguro nya dito.
“Hindi. Wala naman na ako magagawa. Basta mag enjoy ka lang sa outing na to. At pakiusap wag kang aalis sa paningin ko.” seryosong sabi nito.
“Opo! Promise! Di ako aalis sa tabi mo” nakataas ang kanang kamay pa na sagot nya dito. Ngumiti na ito.
Lumakad na sila papunta sa tabing dagat nadaanan nila sila Rico na kakwentuhan na din si Angela at Mira.
“Sexy natin Pres!” puri ni Rico sa kanya.
“Hindi naman.” nahihiyang sagot nya dito.
“Totoo Pres! Pag nagpaka babae na ko. Ganyang katawan gusto ko ma achieve.” tawanan naman sila sa sinabi nito.
” Hoy Rico. Libre mangarap pero yung makatotohanan nman!” pang aasar ni Chuck sa kanya. Natawa sila. Inirapan ni Rico si Chuck.
“Pag ako makapag thailand at bumalik na dito na muka ng babae! Who you ka saken Zalcedo!” banta naman ni Rico dito. Tawanan sila ulit.
Naramdaman naman nya n hinawakan ni Jax ang kamay nya.Napatingin sya doon at bigla bumilis ang tibok ng puso nya. Tinignan nya ang muka nito.
“Tara. Malapit na mag sunset.” aya nito sa kanya. Tumango naman sya.
“Guys doon lang kami sa tabing dagat hah.” paalam nya sa mga kasama. Kita naman nyang nakatingin ang mga ito sa magkahawak na kamay nila at mga nakangisi.
“Sige lang. Date well.” asar ni Mira sa kanila.
Namula naman sya at di na lang pinansin ang mga to.Hinila na sya ni Jax palakad. Nauuna ito sa kanya. Napatingin naman sya sa magkahawak na kamay nila. At dinama naman nya ang mabilis na tibok ng puso nya. Di nya alam kelan nag umpisa tong kakaibang nararamdaman nya.Dati naman naghahawak na sila ng kamay ni Jax wala naman syang gantong nararamdaman.
Bigla itong lumingon sa kanya at lalo syang namula nung makita nyang nahuli sya nitong nakatitig sa magkahawak na kamay nila.
“Dito na lang tayo.” nakangiti nitong sabi sa kanya. Nasa may malalaki silang bato na malapit sa dagat. Inalalayan sya nito. Tinitigan nya ang bestfriend nya habang busy ito sa pag pagpag ng uupuan nya. Naka white sando lang ito at board shorts. Napakunot ang noo nya ng mapansin ang katawan nito.
Sakto naman lumingon ito sa kanya.
“Sobrang gwapo ko na ba Nana at napapatitig ka na jan?” pang aasar nito habang pinapaupo sya.
“Hindi! Pansin ko lang kasi. Bat parang pumayat ka?Asan na ung taba taba mo??” tataka syang tanong dito.
“Ganun pa din naman katawan ko hah.” maang maangan pa nito.
“Hindi na eh. Tignan mo may muscles ka na. Panu pa kita tatawaging Babs kung di ka na malusog?” kunyare malungkot na tanong nya dito.
“Hah?Edi di mo na ko Babs? Kakain na ko ulit ng madami Nana. Wag ka na malungkot.” natatarantang sagot nya dito. Bigla naman sya tumawa.
“Hahahaha joke lang Babs! Kahit ano pang itsura at katawan mo. Ikaw pa din ang Babs ko. Kahit maging macho ka pa. Babs pa din kita.” malambing na sabi nya dito. Nakita naman nya ang pagliwanag ng muka nito.
“Sabi mo yan hah. Wala ng bawian yan.” nangingiti ng sabi nito sa kanya.
“Oo naman! Promise yan Babs! Kaw lang nag iisang Babs ko!” parang batang promise nya dito. Ngumiti naman ito lalo at inakbayan sya.
“Nood na tayo. Malapit na mag sunset oh.” aya na nito at humarap na sa dagat.
Humarap na din sya sa dagat at nakita na nya ang unti unting paglubog ng araw. Manghang mangha talaga sya. Kung may dala lang syang materials ay paniguradong nag pinta na sya. Mahilig syang magpinta. Lalo na ng magagandang tanawin. Naghahalo na ang kulay ng langit. May orange, pink, at light violet.
“Ang gandaaaaa” manghang mangha nyang sabi habang titig na titig sa malayo.
“Yeah. So beautiful..” rinig nyang sabi ni Jax. Napalingon sya dito at naabutan na titig na titig ito sa kanya.
Unti unting bumilis ang tibok ng puso nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top