THE REVENGEANCE Chapter 6


Nagpalakad-lakad sina Daniel at Armina sa baybayin,napakalamig ng hangin at napakayapa ng gabi.
Ipinatong ni Daniel ang jacket niya sa balikat ng dalaga para hindi ito makaramdam ng ginaw.
“Thank you talaga Mr.De Dios..napakalaki na ng utang ko sa iyo..” baling ng dalaga sa kanya
“Huwag mo na akong tawaging Sir or Mister..Daniel or Dan na lang..to be honest,gusto ko lang talaga mapalapit ang loob mo sa akin,hindi naman sa minamadali kita Ar..I can’t explain my feelings..but I’m sure..I..like you” sabi ni Daniel na hindi na mapigilan ang nararamdaman para sa dalaga
“I’m sorry Ar..”dagdag ng binata nang hindi sumagot si Armina sa nararamdaman niya
“It’s ok.” mahinang sagot niya at pumunta sa kinaroroonan ng kotse
Walang imik si Armina nang pauwi na sila,hinawakan ni Daniel ang kamay ng dalaga
“Kalimutan mo na lang ang sinabi ko,nabigla lang ako sa nararamdaman ko sa iyo..” sabi ng binata
“Ok lang Daniel.” at pinisil...


niya ang kamay ng binata
Pinatuloy siya ni Armina sa loob ng Mansion para magkape saglit.
“Sinong kasama mo dito?”tanong ni Daniel nang mapagmasdan ang Family picture na nasa cabinet
“Si Mom,nasa taas tulog na siguro..si kuya nasa States.. si Dad naman wala na..”malungkot niyang sagot sa binata
“I’m sorry”
“Ok lang,matagal na iyon..kaya nga ayokong mawala sa amin ang Textile Company dahil ito lang ang ala-alang iniwan ni Dad sa amin..”
Pinahiran niya ang luha ng dalaga,dama niya ang lungkot sa mukha ng dalaga at nakaramdam siya ng konsensiya.
*****
Nasa Office si Armina nang lapitan siya ni Mae,ang kanyang Secretary.
“Miss Ar,magreresign na po sana ako..” sabi nito na nakayuko
“Mae,bakit?may problema ba?malaki naman ang salary,may bonuses at benefits pa..”
“Family matters Miss Ar..”
“Hindi ka na ba talaga mapipigilan?bumalik ka lang kung gusto mo Mae,at kung kailangan mo ang tulong ko..don’t hesitate to come here..”
“Maraming Salamat Miss Ar,”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top