The Story Of Us**Book2**Part7..❀️❀️😍😍


Falling in love with you was never my intention..
But it became my ADDICTION ..
—–>> Jake ALtamirano..

Pasensya na po kung pabago bago ako ng cover..inaayon ko lang kasi sa takbo ng aking kwento ehπŸ˜…..

Gusto ko lang din ishare sa inyo kung kaninong mg mukha ba ang naiimagine ko kapag sinusulat ko ito.. sila ay sina..

Selena Gomez —-> Daniella Abelarda
Zach Efron. —-> Kyle De Asis
Justin Bieber —-> Jake Altamirano
Zayn Malik —-> Jedrian Santos..
Nasa cover ko na nga pala sila,para lang po may idea kayo sa inspirasyon ko .ahe !😘😘..

***
CHApter 7 ..

Jake’s POV..

Halos mahubaran ko na si Vanessa,punong puno ako ngayon ng pagnanasa.. ! Si Vanessa ang biktima ko sa gabing ito,sanay akong kapag may party kami ay ibat ibang babae ang nadadala ko sa kwarto.. Tatlong segundo,tatlong segundo ko lang syang tinitigan at heto,,naisama ko na kaagad sya sa kama..

Isa lang naman si Vanessa sa napakarami ko ng babaeng naging parausan lang,,wala sa vocabulary ko ang salitang Comment,kaya hindi ako nakikipagrelasyon at kontento na ako sa patikim tikim lang ..Only because,,im a certified Fuckboy!na kung may ranggo man yun ay malamang general na ako.. !

Malapig ko ng mabuksan ang lahat ng butones sa suot ng blouse habang nakikipaglaban naman ang mga dila ko sa dila nya..! Ganun ako sa mga babae,gusto kong masatisfy sila sa kung anuman ang kaya kong gawin o ang kaya kong ibigay..gusto kong wala silang pasgsisihan sa akin..

Malapit na ako sa tagumpay ng biglang may magandang mukha na rumihestro sa isip ko!
Shit!Napamura ako ng maimagine ang magandang mukha ni Ella..ang gf ng pinsan kung si Jed ! ..

Dahil sa gulat ay naitulak ko ang babaeng kahalikan ko!Anong ginagawa ng mukha ni Ella sa isipan ko?

“,Fuck you,Jake ! “,, Napapahiyang sigaw ni Vanessa.. naguguluhan ang anyo nya,ako man ay ganundin..panu nangyaring tumigil ako sa aking ginagawa?..at kelan pa ako tumutol sa pakikipag romance sa isang babae?..

Biglang nawala ang init sa aking katawan na kani kanina lang ay gusto ng bumuga ng apoy,nanlamig ako at tila naupos ang pagkalalaki ko,nawalan ako ng gana bigla..

“,Next time nalang natin to gawin,,baka hinahanap na ako sa baba ..”,pagsisinungaling ko kahit hindi naman talaga yun ang totoong rason ko,Nagsimula kong ayusin ang sarili..
Dismayado namang pinanood lamang ako ni Vanessa sa aking ginagawa,mukhang nabitin yata !

Sinuot ko na ang damit ko at tinungo ang nakasabit kong Jacket.. tinitigan ko lamang iyon dahil naalala kong ipinahiram ko nga pala yun kay Ella kanina at bago kami pumasok ng fraternity house ay sinuli na nya ito..

Kanina ng sinundo ko sya napansin ko agad na hindi sya kompleto sa suot nya at tila giniginaw sya kaya pinahiram ko na lamang ito,i used to be nice sa kanya dahil alam kung gf sya ni Jed.. pero hindi ko maiwasang hindi purihin ang anyo nya kanina..shes so Hot at alam kaya ni Jed kung gaanu kaswerte sya sa gf nya??ganun na ganun pa naman ang type ko sa isang babae.. yung hindi pang display lang at yung pang matagalan.. !

But then i know my boundaries,,gf sya ni Jed at kahit may problema ss relasyon nila,hindi ko dapat taluhin ang pinsan ko.. no ! mas matured pa naman ako ng dalawang taon sa kanila at hindi kaya ng konsensya ko na pagnasahan sya kahit pa nga..naimagine ko na sya kanina!

Stop Jake.. nilalapastangan mo ai Jed “, sigaw ng nangongonsensyang utak ko.. Huminga muna ako ng malalim at isinuot ko na ulit yun,pinatong ko sa white tshirt ko..bahagya ko pang nasamyo ang mabangong amoy ng buhok ni Ella na naiwan yata ang amoy duon..
Napakabango,nakakahalina..

“,,Naka score kana naman ba??”, Pagbaba ko ng hagdan,sinalubong ako agad ni Tina..tega serve sya ng alak at kumuha ako nun,baka sakaling dahil sa alak bumalik ulit ang init ng aking katawan sa gabing iyon..

Kinindatan ko lamang sya at hindi ko na sya sinagot pa.. habang naglalakad napalingon ako muli sa taad ng tila marinig kong sumisigaw si Jed mula sa kwartong inuokupa nya..Umiling na lamang ako at hindi ko na pinansin pa iyon,mukhang hindi na siguro sila nagkaayos ni Ella..well dapat lang,dapat nakapagdesisyon na si Jed ngayon,dapat nyang sundin ang sinabi ko na mas tama ng pagtuunan nya muna ng pansin ang kanyang sarili keysa sa ibang tao..
Kahit si Ella pa yun,kaylangan mag sacrifice ni Jed para sa kanya rin naman yun,kahit kapalit nun ay sakit sa puso at damdamin !!!

*****

“,Keysa naman sayo,babaeng mukhang pakbet,na nafuck lang pero hindi naman bet!!”,

Paglabas ko nakita ko si Mandy na itinulak sa pool si Ella.. hindi naman ako agad nakakilos dahil tinantya ko naman muna yung pangyayari, humahalakhak ang grupo nina Mandy at pinapanuod lamang si Ella na lulubog lilitaw lamang sa ilalim ng pool na may 10ft ang sukat..

Ilang sandali pa bigla nalang akong naalarma ng tila lumubog na yata si Ella dahil hindi ko na nakitang lumutang ang ulo nya..

Wala ng isip isip..Hinubad ko na ulit ang jacket ko at mabilis na tumalon sa pool !! Sa nakita ko hindi marunong lumangoy si Ella,hindi maari!malulunod sya …

Mabilis akong lumangoy patungo sa kanya ,sumisid ako at nakita ko syang hawak hawak nya ang leeg nya,maaring marami na syang nainom at nag uumpisa ng hindi sya makahinga..mabilis akong lumangoy patungo sa kanya at ilang sandali pa.. nailigtas ko na sya!

Mabilis na kumapit si Ella sa leeg ko..Pag angat namin ilang beses syang napaubo!..hindi ko maintindihan ang sarili ko,nagagalit ako sa mga oras na ito,,galit ako dahil may muntik makahanap sa party,galit ako dahil guest ko pa naman si Ella ay nangyari ito sa kanya..at galit ako .kay JED ! PUtang ina nasaan sya ngayon?bakit hindi nya iniligtas ang gf nya??

“, Are you okay?? “,,Tanong ko sa kanya ng paupuin ko sya sa gilid ng pool..glad,walang masamang nangyari sa kanya at mukhang nakainom lamang naman sya.. napansin kong nanginginig sya na tila hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya..

“,Salamat —- !!! “,,Biglang may sumungaw na luha sa mga mata nya kasabay ng mabilis na pagyakap nya sa akin..

Umh … ! Nabuhay ang init sa aking katawan sa yakap nyang iyon,,alam kong nagpapasalamat lang naman sya dahil sa ginawa kong pagliligtas sa kanya pero..bakit parang may malisya para sa akin ang mga yakap na yun??!
Parang ayuko na yung matapos pa..

Habang nakayakap parin sya sa akin ay inilibot ko ang aking mga mata sa maraming mga matang nakapalibot sa amin.. isa sa pares ng mga matang yun ay ang biglang nakakuha ng atensyon ko.. Mga mata ni Jed,,nababalot ang mga matang yun ng sakit,..at pagseselos!..

Wait,nagseselos ba si Jed sa akin?hanggang sa tumalikod na si Jed dahil alam kong nasasaktan na sya sa mga nasasaksihan,gayunpaman hindi ko kayang putulin ang maganda sa pakiramdam na yakap sa akin ni Ella.. na maya maya pa ay umiiyak na..!

.***++
Jakes Tattoo Underground …!.

Maaga pa at kabubukas ko palang ng shop ng biglang pumasok si Jed sa luob..kumunot agad ang noo ko ng mapansin ko ang putok na labi niya.. mukhang sariwa pa yun..

“,Anong nangyari dyan??”,, nilapitan ko sya..

“,Nag pang abot kami ni Kyle.. “,,tipid na sagot nya..

“,Aba,bat di nyo sinabi sa akin na nagbugbugan na pala kayo?sana nakapusta ako “,, pagbibiro ko kahit alam kong wala sa mood makipagbiruan si Jed sa akin ngayon,alam kung masama parin ang loob nya..

“,Matatalo ka lang din naman kung kay Kyle ka pumusta.. siniguro ko lang namang balian sya ng buto !! “,Seryorong sagot niya.. “,gusto kong magpa tattoo ulit.. “, dumistansya si Jed sa akin at hinubad ang gray na jacket tsaka humiga..

“,Wala pa akong buena mano,baka baratin mo na naman ako.. “,

“, Babayaran ko kahit magkano,i tattoo mo sa dibdib ko ang mukha ni Ella,.gayahin mo to!”,may inabot si Jed na litrato ni Ella sa akin..
good choice dahil mukhang yun ang pinakamagandang kuha ni Ella,..kinuha ko naman yun agad sa kanya kahit pa nga alam kung hindi ko naman kaylangan ng pagkokopyahan,,kabisado naman ng isip ko ang mukha ni Ella.. at ako rin ang nag tattoo kay Kyle sa kaliwang dibdb nya sa firt tattoo nito na may makalagay na “Daniella Forever”..

“,Break na kayo ni Ella diba,?bat kaylangan mo pang ipatattoo ang mukha nya??”,.

“,Para siguradong hindi ko sya makakalimutan..”,

Napailing ako sa sagot nya..Oo nga pala,nalalapit na ang pag alis ni Jed..walang nakakaalam kundi ako lang at si Tita Zia,,kahit si Kyle ay hindi iyon pwedeng malaman..

Aalis si Jed para sa sarili nyang kapakanan,at ..gusto ko ang desisyon nyang yun ! Unahin nya muna ang sarili nya at kapag nagawa nya yun,.tsaka na lamang sya babalik ..

Nagsimula kong isuot ang gwantes at inumpisahan ko na ang propensyon ko..

“,Gandahan mo “,paalala ni Jed at nilabanan ang hapdi ng malaking karayom na nakadikit ngayon sa balak nya..

“,Sure.. maganda naman si Ella kaya dapat lamang naman na maganda ang gawa k—-!ooh..”,hindi ko naituloy ang sasabihin ng mapansin kong nakatitig sa akin si Jed,nakaarko ang Kilay..it took a minute ng marealized ko ang sinabi ko,,..parang pinupuri ko lang naman si Ella sa harapan nya,at alam kung may ibig sabihin ang tingin nyang yun..
Warning kaya yun??na ..wag kong pakikialaman si Ella habang wala sya??.

Sinikap kong ibahin ang usapan “,amh..ano nga palang pinag awayan nio ni Kyle???”,

“,Hindi sya sumunod sa kasunduan namin,,ang sabi ko protektahan nya si Ella pero anong ginawa nya?hinayaan nya ang sarili nyang ma fall kay Ella ..kaya yun, nag away kami!that Jerk,sya pa ang may ganang sumbatan ako na wala akong karapatan kay Ella “,,.

Nahimigan ko ang gigil sa tinig ni Jed..

“,,Oh..diba nga mas dapat kang kabahan sa ngayon?kasi dahil aalis ka andyan si Kyle na pwedeng pumorma sa kanya?isa pa pagkatapos mong ibreak si Ella alam kung maraming manliligaw sa kanya dahil sa ngayon ay single na sya.. “,

Ilang minuto munang nag isip si Jed bago muling tumitig sa akin..parang may himig ipagpahiwatig ang titig na yun, pakiramdam ko ay parang may gusto itong hinging pabor “,hindi nya maaring gawin yun habang nandidito ka..awww!! “,

Bigla kong naidiin ang karayom sa balat nya dahil sa sinabi nya.. agad kong pinunas ang sumirit na dugo .. “,utang na loob Jed,wag mo akong madamay damay sa gulo nyong tatlo hah!! “,,pinagpawisan ako ng malapot,alam ko na may hihingiin syang pabor sa akin,nararamdaman ko yun,at alam ko rin na hinding hindi ko yun matatanggihan,alam ko ang sitwasyon ni Jed ngayon.. at dahil duon hindi ko sya kayang hindian..

Sa aming lahat na magpipinsan ako ang pinakakuya nila,pero never in my life na may natandaan akong magandang ginawa para sa kanila..kaya,sinabi ko sa aking sarili nuon na kapag may hiniling sa akin ang mga pinsan ko,gagawin ko..basta kaya ko !!

“,Sinunod ko naman ang advice mo na sa Maynila na muna ako..kaya naman dapat may kapalit yun ,Jake.. “, gusto kong bantayan mo si Ella laban mula kay Kyle.. ayukong sa pagbalik ko,,wala na akong mabalikan.. “,

Gusto kong suntukin si Jed kundi lang ako naawa sa kanya, nitong mga huling araw saksi ako kung gaanu kasakit ang mga pinagdaanan nya.. pero no choice naman sya kundi gawin pa iyon, kinailangan nyang makipagkalas kay Ella kahit alam kong mahal na mahal nya ito at alam kong torture yun para sa kanya,lalo na ang magsinungaling kay Ella na may iba na syang mahal ay alam kung nakapagpapunit na ng puso nya..I know kung wala lang sa sitwasyon ngayon si Jed at wala syang pinagdadaanan alam kung malayo pa ang mararating ng relasyon nila ni Ella, pero dahil walang permanente sa mundo..alam kong kahit ipilit...


pa ni Jed na mahalin pa ulit si Ella ay walang kasiguruhan na maintindihan pa sya nito!

May sakit si Jed ! Brain Cancer na nag uumpisa na ang mga sintomas !! Kaya pala kakaiba ang pagbago bago ng mood nya at mabilis mag init ang ulo nya..Nakakaramdam narin sya ng matinding sakit sa ulo.. Ng sabihin ni Jed ang kalagayan nya ay hindi ko mapigilan ang aking sarili.. napahagulgol na lamang ako at tinanong ang Diyos kung bakit sya pa!bakit si Jed pa!bakit sa paboritong pinsan ko pa nangyari yun???..pero sa huli ipinaliwanag din naman ni Jed ang gusto nyang mangyari sa buhay nia..

Hindi totoong nagkasakit si Tito Emil sa manila,,ginawa lang na dahilan yun ni Jed para maiwasang magtanong ni Ella..Umalis si Jed upang makapag pa check up dahil sa sunod sunod na pagsakit ng ulo nya..Buong akala nya ay simple lamang namang sakit yun subalit hindi pala..Pagbalik ni Jed sa Maynila nagbago na sya.. Nawalan na sya ng pag asa ! Hindi na nya alam ang ginagawa nya!But then dahil may tiwala sya sa akin kinwento nya lahat lahat sa akin.. awang awa ako sa kanya habang umiiyak syang nagkukwento.. Habang kinukwento nya na nais nyang lumaban upang sa ganun ay makapiling pa nya si Ella ng matagal.. ! Nagdesisyon si Jed na magpagamot habang maaga pa ! Kaya sya aalis papunta ng maynila para sa treatment,at kundi kakayanin..kahit sa America handa syang magtuloy!at dahil yun lahat ky Ella,dahil gustong gusto nya itong makasama..at mapangasawa !!

Subalit alam ni Jed na hindi magiging madali ang lahat para kay Ella at sa kanya,kaya masakit man sa kalooban nya kaylangan nya itong isacrifice,keysa patuloy na mag usisa si Ella sa paghahanap sa kanya,mas better na makipaghiwalay na lamang sya..at yun nga ang ginawa nya..

At lahat ng yun —partner in crime kami ni Jed!at hindi ako makapaniwalang naging kasabwat pa ako sa pananakit nya kay Ella upang sa ganun ay si Ella pa mismo ang unang sumuko kapag binalewala nya ito,kaso sadyang makulit si Ella at gumawa pa talaga sya ng paraan upang makitang muli si Jed despite sa mga nagawa namin sa kanya na nakakakonsensya na talaga,niloko namin si Ella at naglihim si Jed tungkol sa sakit nya..

Ang lahat ay scripted !
Hindi totoong dare ang nakita ni Ella na may kahalikan si Jed na ibang babae.. sadya yun lahat,,Nakita naming paakyat na noon si Kyle at Ella ss VIP room at nakaplano na ang lahat ..
Kusang hinalikan ni Jed si Mandy ng sa ganun ay makita ni Ella ang lahat,ng sa ganun ay sumuko na siya kay Jed.. hindi din totoo ang sinabi ko kay Ella na hindi tumatanggap ng manang ang fraternity namin..ang totoo welcome ang lahat dun,nasabi ko lamang naman yun para utakan sya,upang sa ganuon ay magkaroon ng reason si Jed upang pagsalitaan sya ng masasakit!.. alam din ni Jed na papuntahin ko si Ella sa party nuon!..kaya nga napaghandaan nya ang lahat ng sinabi nya kay Ella ! At mas tama na mag isip nalang si Ella na may ibang babae si Jed keysa umamin si Jed na may sakit sya!! Baka kaawaan lang sya ni Ella..

At sa bawat hindi totoo na ginawa namin kay Ella isa lang naman ang napatunayan ko ..ang pagmamahal nya kay Jed !!!

***
“,,Isipin mo nalang na..baka huling hiling ko na to sayo.. “,

Tulayan ng natigilan ako sa ginagawa dahil sa sinabi nya..bat parang nawawalan na sya ng pag asa ngayon?akala ko ba handa si Jed lumaban??.. iniisip ba nyang tanggihan ko sya?”,Jed.. alam mong di ako hilig makisawsaw sa problem ng ibang tao,napaka bussy ko para dun..isa pa kung gusto mo ng may magbabantay kay Ella, pwede namang mag hired kanalang ng bodyguard nya “,..

“,,Hindi maari.. compare to you and Kyle,sayo ako mas may tiwala…at kung may isang tao man na pwede kong ipagkatiwala si Ella,sayo yun.. na’realize ko yun ng makita kong niligtas mo sya sa pool.. alam kong simula ng gawin mo yun,nagkaroon narin ng tiwala si Ella sayo..”,

Pero.. gusto ko pa sanang tumutol..pero,habang pinagmamasdan ko ang malungkot nyang anyo..naisip kong anong karapatan ko para tanggihan ang pinsan kong may sakit ??? “,Sige..papayag ako,basta ipangako mong babalik ka hah…”,

Naging maluwag ang pagkakangiti nya..”,,Oo pangako.. basta ipangako mo rin na may babalikan pa ako.. “,

..hindi ko nasagot ang huling sinabi nya,ayukong mangako,,hindi ko alam kung bakit! naguguluhan ako.. !!

***
Jedrian’s POV..

Most Valuable Player..
Ilang medals ng mythical five !
Maraming certificate na may kinalaman sa Basketball..
Ilang pares ng jersey uniform,maraming pares ng signature shoes..Trophy!bola ng Basketball!

Lahat ng yun.. nakadisplay sa sala namin..
Matagal ko yung tinitigan..nakakapanghinayang na sa hindi inaasahan mukhang hindi ko na kayang dagdagan pa ang kung anumang titulo meron ako..
Siguro ive done enough na rin and its time for me to say goodbye na rin sa larangang gusto ko at ilang taong minahal ko.. ! Na achived ko narin naman ang goal ko eh,nakailang MVP na ako..ano pa bang mahihiling ko??.. hanggang duon nalang naman na ang kaya ko at baka hindi ko na matutupad ang dating pangarap ko na makapag coach pa sa..magiging anak suguro namin ni Ella.. ah si Ella,hindi ko nakikita dati ang future ko sa piling ng iba kundi sya lang —-!!!..na mukhang malabo ng mangyari .. !!

Sinikap kong paglabanan ang malapit ng tumulong mga luha ko,hanggang tingin nalang pala ako sa lahat ng ito higit sa lahat ay baka maging hanggang sa ala ala na lamang !

Gusto kong manisi sa pinagdadaanan ko ngayon,kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay ako pa ang napili na dapuan ng sakit na ito pero wala na akong magagawa pa,siguro natanggap ko narin,siguro nakarma lamang ako sa napakarami kong nabugbog sa past years ko bilang isang kabataan.. kaya ako nagkakaganito, gayunpaman wala akong pinagsisihan..kasi kundi nangyari ang lahat ng iyon, hindi ko siguro makikilala si Ella,hindi magiging kami,at masasabi kong sa karma na pinag dadaanan ko ngayon,si Ella ang Good karma ko..at sa bawat maling nagawa ko..si Ella naman ang pinakatama na nakilala ko!

Nakakapang hinayang lang,,na baka maging alaala na lamang ang lahat,,dahil alam ko naman na kahit magpagamot pa ako,wala naman kasiguruhan na gagaling ako,siguro..himala nalang ang kaylangan,pero,sisikapin kong gumaling.. alang alang sa lahat ng taong nag aalala sa akin at sa taong alam kong hihintayin ako…

At yun ay si Ella !!!

***
Ella’s POV ..

Isang linggo na ang nakakaraang simula ng magbreak kami ni Jed..isang linggo narin akong nagsisipag upang sa ganun ay makalimutan ko ang sakit,inaabala ko ang aking sarili sa kung ano anong maliliit na bagay na pwede ko pang gawin ng sa ganun ay hindi ko na sya muli pang maalala..kahit pa nga,sa tuwing matutulog ako ay bumabalik nanaman ang lahat ng sakit na ipinadama nya..

Wala akong pasok at kapag naiisipan kong mag general cleaning..hindi ko na yun nagagawa simula nung masaya pa kami Ni Jed,madalas kasi kami mag bond nuon at nawawala sa isip ko ang paglilinis pero..dahil wala na sya ay ..nahahaharap ko na ito ngayon!

Kipkip ang tulad ko ding malungkot na walis at single na dustpun ay winalisan ko ang kabuuan ng apartment ko.. nasa kalagitnaan na rin ako ng paglilinis at napuno na ako ng alikabok ng may marinig akong bumusina sa tapat..

Sumilip ako mula sa bintana at nakita kong bumaba ng kotse si Jake..ah,si Jake?at ano naman kayang ginagawa nya dito ngayon??
Ayuko na sanang makakita ng mga taong may kaugnayan pa kay Jed dahil pakiramdam ko nasisira ang pag mo move on ko..kaso,siguro hindi naman forever ay iiwasan ko sila at wala akong magagawa .. lapitin kasi ako eh,lapitin ng mga malas sa buhay ..

“,Anong ginagawa mo dito ?”,, pagkatapos nya akong sagipin mula sa pagkalunod ay heto ako ngayon at sinusungitan sya.. wala akong utang na loob!hmp..

“, Ngayon ang alis ni Jed papuntang Manila,wala ka bang balak na magpaalam sa kanya??..

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako apektado sa sinabi nya..Syepre nasaktan na naman ako, pero pagod na naman na akong maging mahina..nakakasawa na “, Pakialam ko sa kanya!kahit sa ibang bansa pa sya pumunta ,,wala na akong pakialam pa.. “,

“,Nagbabakasakali lang naman ako,kung gusto mo lang namang makapagpaalam sa kanya ng maayos .. “,..

Seryoso ?sinasabi nya to sa akin?eh ni hindi nga ako binigyan ng maayos na break up nun eh tapos magpapaalam pa ako sa kanya?At saka saan naman ako nakahanap ng kapal ng mukha pagkatapos nya akong i break,may lakas pa ba ako ng loob namg makipagkita sa kanya?wala na!pusong bato na ako ngayon!

“,Okay.. then,i hope naka move on kana,nasabi ko lang naman sayo yun.. anyway paalam,aalis na ako… “,

“,Teka sandali !! “,Eskandalusang sigaw ko ng malapit na sya sa may pintuan ng kanyang kotse.. !

Okay sige,uso naman maging marupok eh !!.

“,Sasama ako ! “,Mabilis akong sumakay sa kotse ni hindi na nga ako nag abalang magbihis pa,andungis ko pa naman ! Hmp..pero di bale na,baka mahuli ako ng dating balak ko pa namang pigilan si Jed sa pag alos.. kahit one percent nalang ang pag asa ko sa kanya,umaasa parin akong aabutan ko sya. At kung suswertehin baka mapigilan ko pa sya !!!!!!..

But then,lahat ng iniisip at iniimagine ko kanina na dapat mangyari ay walang nasunod..

NAKAALIS NA ANG EROPLANO NA SINASAKYAN NI JED !..

Nahuli kami ni Jake,leche..!kundi nauso ang traffic ay baka sakali,baka sakali pang naabutan pa namin sya.. pero hindi eh !!!!..

Andami ng sign na binigay sa akin ni Papa God na binalewala ko lang,lahat ng sign na yun ay ang nagsasabing ..mag let go na ako ! ..na hayaan ko na si Jed,na palayain ko na sya sa kung saan sya sasaya at liligaya!na sa isang iglap hindi na ako yung babaeng magiging dahilan ng pagngiti nya.. ! na ,hindi na ako yung babaeng itetext nya at tatawagan..may iba na sya!masakit mang tanggapin pero,,wala na ang BUHAY KO..wala na si Buko !!.. at mahirap,kasi feeling ko,,sa pag alis nya ay dinala nya ang puso ko..at hindi ko alam kung maibabalik pa nya ito!..

“,Ohhh..pamunas mo sa Sipon.. “,

Tinanggap ko ang puting panyo na inabot sa akin ni Jake..nababasa ko ang full na pag aalala sa mga mata nya..At kinuha ko ang panyo hindi upang pamunas ng luha..kundi ay para duon ako suminga!at duon ibuhos ang malapot kong sipon na kanina pa gustong gustong kumawala ..

“,Ewww..kadiri “, narinig kong sambit ni Jake !.

Pero wala akong pakialam….

**”Hirap magpanggap na masaya ka,na ayos lang lahat,na hindi ka nasasaktan,when in fact halos hindi mo na kaya..”πŸ˜₯πŸ˜₯

**Wag ka muna bumitaw..wag muna ngayon..

**hindi ka nalang pipigilan mawala kung gusto mo lumaya ay wala na akong magagawa😭

**Mapapagod lang ako pero hindi ako susuko

**Okay lang masaktan ako,basta di ako nanloko..

**Nandito na naman ako sa sitwasyong,ako na naman ulit mag isaπŸ˜₯

**lahat magbabago,lahat magsasawa,lahat aalis..lahat iiwan ka!

**Para saan at pinaglaban kita?kung lalandi ka lang pala sa iba..

**Kung ipagpapalit mo man ako sa iba,siguraduhin mong magiging masaya kana sa kanya,dahil sa oras na masaktan at iwan ka nya,hindi na kita madadamayan pa.Dahil busy na ako sa paglimot kung paanu mo ako ibinasura..😭πŸ˜₯πŸ˜₯πŸ˜₯…

!!!!—-))

Soorry may pinagdadaanan lang hahaha..

enewey kapag nakaramdam ako ulit ng kilig puro kilig na ang next chapter nito,,..may problema ksi ako sa Love now kaya nai apply ko sa sinusulat ko πŸ˜…πŸ˜…..ganun kasi ako eh depende sa mood! Hmp! Na share ko lamang po ulit..

Sya nga pala may nbasa akong comment nuon na hinihingi Fb ko haha.. oh eto na kung mababasa mo,pakisearch nalang..

Facebook : Jecca Parinas

Instagram ko : Jecca31..

Oh hayan,libre lait sa akinπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… …

Goodmornyt inumaga na naman ako sa pagsusulat!muah..

Ps..kung sakaling maka isip ka na iadd ako sa fb magpakilala ka lang hehehe..muah!






Share On Whatsapp

"8" Comments
  1. .. hmmnn

  2. wow ka excite nmn wawa nmn si jed subrang mahal nya si ella sana all parehas nya pagdating sa love.next na po kakaexcited

  3. ahaha fuckboy si Jake seryoso ba to?

  4. sna magkaroon n ng next part nkakabitin kc ang story

  5. bkit poh wala p part 8 ng book 2 ganda kc ng story

  6. nxt n po agad super nkakaexcite ng kwentooooooo

  7. poor jed,pagaling ka boy…..

  8. nice story talaga at ganda nyo po

Leave a Reply


top