The Story Of Us*Part8*


**Chapter 7* (That Should Be Me)..

Katatapos Lang ng parade..nilibot namin ang maluwang na school habang hawak ang mga banner na nagprepresent ng bawat team namin,nakasuot rin kami ng kulay blue dahil blue team kami…

Mamayang hapon pa ang laro ko kaya pa easy easy lang muna kami nina Jecca,magkasunod naman ang laro ni Iya at Jecca mamaya maya lang,syempre kelangan kong suportahan sila mamaya..pero dahil may kalayuan din ang nilakad namin dahil sa parade ay heto!habang umiinom ng softdrinks ay nakaupo kami sa bakanteng bahagi ng ground..

“,Sakit ng paa ko””,reklamo ko,paupo na ako ng may kumuha ng atensyon ko..Nakita ko ang grupo ng mga majorette na nanguna sa parade,
ang gaganda lang nila sa mga make’up nila at ang sesexy ng mga suot nila.. na’focus ang atensyon ko sa leader nila.Si Monica yun..third year student palang sya at representative sya ng room nila sa gaganaping Miss Intrams..

Hindi ko mapigilang di mainsecure sa kanya,shes perfect!mukha lang naman syang buhay na barbie doll.. ah,kaya siguro sya nagustuhan ni Jed! Teka bat na naman sya nasingit sa isip ko? pinipilit ko na nga syang kalimutan eh!hmpp!

“,Tara na.. mag uumpisa na yung game ko”,sabi ni Jecca habang hinahatak ang kamay ko!Ano ba naman to,kauupo ko lang eh !!!

**.
Dahil sa basketball ang sports ni Jecca ay sa gym kami nagpunta..Nasa court ang team namin at nag eexcersise pa samantalang nag papractice shooting naman ang kalaban..

Umupo ako sa bench,nahuli pa si Iya dahil bibili lang daw muna ng popcorn sa awrahan daw ni Jecca ngayon mukhang magpapalabas na naman ito ng isang magandang eksena!Sana naman hindi na gumawa ng gulo si Jecca ngayon…

Nilinga ko ang paligid at naalala ko na naman sya ng makita ko ang spot kung saan kami namumulot ng basura nuon!ano ba naman..

“,Hi .. “,..

Kumabog ang puso ko ng may magsalita sa likod ko,it was him!Umupo sya sa tabi ko at hinarap ko sya..

“,Alex???”,,

Napangiti si Alex..nakasuot sya ng kulay yellow na t’shirt ah yellow team pala syA.Dahil matalino ito alam kong sa chess sya sumali..

Inabutan nya ako ng softdrinks., Kinuha ko naman agad yun syempre libre eh,”,anong ginagawa mo dito?baka sabihin ng team mo na tinatraydor mo sila… “,.Natawa sya,ah pagkatapos ng pangyayari nuon ngayon ko lang ulit sya nakita,kakaiba na sya ngayon parang mas komportable na sya ngayon sa akin di na sya namumula..at ang gwapo nya sa suot,iyon din ang unang beses na nakita ko syang naka ordinary at ang cool nya..

Habang nanonood ay nagkwekwentuhan pa kami,nahalata kong si Alex ang klase ng tao na walang karea reaksyon kahit ang intense na ng pinapanood..Dahil supportive bestfriend ako ay napapatalon pa ako sa palakpak kapag nakakashoot si Jecca,pero hindi ko magawa ng maayos ang gusto ko dahil naroon si Alex,hindi ako komportable.. ewan basta diko sya feel makatabi ! Kung wala ito sa tabi ko ay baka nag tumbling pa ako sa pagkaproud kay Jecca..

Dahil sa ackwardness na nararamdaman ay Hiniling ko na sana dumating na si Iya,ang bruha nasan na kaya sya..

Inilibot ko ang aking paningin at namataan ko si Iya sa kabilang sulok!Ang bruha at may katabi na palang ibang lalaki! hmpmp! Malandi!

Hindi ko na talaga kaya tong nararamdaman ko,naboboring ako sa katabi ko!Kasi nga madaldal akong tao at ang gusto ko ay yung taong nakikipagkwentuhan sa akin kahit na may ginagawa or may pinapanuod.. yung lalaking makikipagsagutan sa akin kapag nagsusungit ako katulad ni—ni—ni alam nio na!

“,Yung tungkol sa sasabihin ko sana nung nakaraan.. “,

Kahit nagtilian yung mga feeling dying hard fans ni Jecca ay narinig ko ang sinabi ni Alex.
Awtomatikong tiningnan ko sya.. wait pinagpapawisan na sya ng malapot,namumula na rin sya..
Hindi ko alam kung tama bang sa lugar na yun namin dapat pag usapan yun pero may mga gusto rin akong tanungin sa kanya..

“,Natatandaan mo ba nuong may natanggap kang love letter sa ilalim ng desk mo???”,

Sisigaw san ako pero diko natuloy dahil sa sinabi nito.Wait panu nya nalaman yun??

“,Ako yun Ella ..ako yung nagsulat sayo..”,

Napalunok ako at di makapaniwala!teka si Alex ang nagsulat sa akin?My God panu nangyaring ang matalinong si Alexander pala ang nagsulat ng...


letter na yun?napakapangit pala ng sulat nya.Teka.. bigla akong nahiya ng may maalala!
Binasted ko kaya sya.. hmmmp!!

“,Amh.. nakita kita last year,nung naglalaro ka ng volleyball..crush na kita nun”,napapakamot pa si Alex habang nagtatapat,para itong bata!

Pinamulahan ako ng pisngi,so nakita rin nya na tumama nuon yung bola sa mukha ko?ayt!bakit naman tong lalaking toh!

“,Pwede ba kitang ligawan??!

Kung may umiinom man ako sa mga oras na to malamang ay naibuga ko na kay Alex dahil sa pagkabigla, pakiramdam ko ina’ambush nya ako.

Tumingin ako sa mukha nya,seryoso sya alam ko.Gusto ko sana syang bastedin ulit kaso..
Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Iya,alam kung may bf na si Iya at malamang yung lalaking katabi nito iyon seeing her na masayang katabi yung guy ay parang guto kong mainggit ..kasi ako mismo hindi ko na maalala kung kelan ba ako huling sumaya!!!

Time naba para isipin ko naman yung sarili ko?yung maghanap naman ako ng inspirasyon ko?kasi sa dami ng pangyayari nitong nagdaan puro nalang ako iyak.. at gustong gusto ko ng may isang tao na masandalan man lang !!! Yung masabihan ng problema ko.. kasi hindi naman laging perfect ang araw ko i need ng masasabihan at mapapagkwentuhan ng mga bagay na yun..

Si Alex naba yung taong yun??

“,Please… “,Sabi ni Alex,pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko na iniiwas naman sa kanya ..

Sabi ng utak ko ay “Oo’ pero —+++!

“,AYUKO !!!! “,sigaw ng puso ko na nagpa shocked kay Alex.. punong puno ng pait ang anyo nya,..na guilty naman ako sa anyo nya!pero mas nagi’guilty ako sa aking sarili kung di ko pa sasabihin yun..

“,Bakiiiitttttt???”,tanong ni Alex..mahina ang boses nya.

Namalayan kong anumang oras ay tutulo na ang luha ko.Pinilit kong ngumiti at sinagot sya..

“,Kasi.. HINDI PA AKO PWEDENG MAGMAHAL NG IBA HANGGAT MAHAL KO PA YUNG ISA!”,

+++Kasabay nun ang paglandas ng aking mga Luha!this time hindi na ako nahiya…

***
Sa wakas maganda ang bagong record ng team namin,nanalo ang womens basketball na pinangungunahan ni Jecca at dahil may inspirasyon si Iya mukhang ginalingan nya..
Nanalo sila,pero di pa kami pwede makampante dahil marami pa kaming team na dapat patumbahin!!

“,Ikaw naman Ella kapag di mo ginalingan mamaya kakalbuhin kita !! “,Paalala sa akin ni Jecca.

“,Kumain ka ng marami,para may energy ka na ipaabot yung serve mo mamaya okay”,si Iya naman,madaya talaga tong mga to hindi ko naman sila pinaalalahanan kanina nung sila na yung maglalaro hmppp!!!

*Okay..
This is My time To Shine !!

Nasa dulo na ako habang hawak ang bola!Mag seserve ako,sa totoo lang natense ako,pero nawala ang tense ko ng makita ko sa gilid ng ground sina Iya at Jecca,nakatingin sila sa akin at pinapaalala ng mga tinging iyon na patay ako kapag di ko yun napaabot sa kabilang net!
Huminga muna ako ng malalim.. okay ang goal ko lang naman ay ang ipaabot ang bola sa kabila!okay! fight!!!!

Handa ko ng tirahin ang bola ngunit natigilan ako ng may mahagip ang atensyon ko..

Yung isang taong gustong gusto ko ng makita at miss na miss ko na ay hayun!naglalakad sa ground kasama ng ilang naka kulay green ding t’shirt .. !

Hindi ko na mamalayang kumalabog na pala ang dibdib ko!Antagal ko ng inasahan na isang araw magkikita rin kami pero bakit ngayon hindi ko mapaghandaan..Teka ano bang gagawin ko? Maayos kaya ako?bagay ko kaya tong suot ko??!wahhhh !!!

Teka.. bagong gupit sya!At ang ayos at ang linis nya ngayon!Ang perfect nya!!

Kahit alam kung hindi sya nakatingin sa akin hindi ko naman mapigilang hindi maalarma,at kahit pa siguro malayo sya sa kinaroroonan ko,at nakatalikod na sya ngayon ay makikilala ko sya.. at ang anino nya!

Jedrian Santos..

Parang narinig nya ang bulong ko at bigla syang napalingon sa kinaroroonan ko..Another hindi ko napaghandaan yun..

Pero dahil nakatingin sya sa akin ngayon at sa direksyon ko,sa wakas nagka inspirasyon ako!
Siguro akong dahil sa inspirasyon na yun ay makaka serve ako ng tama,at kaylangan kong magpa impressed kay Jed ngayon!!!

Pumwesto ako at huminga muna ng malalim bago pinalo ang bola …….!..

Sa wakas!umabot yun sa kabilang net!

Biglang pumito ang Lineman at tinaas ang hawak na flag!

“,Outside!!!

Napangiwi ako.. Napalakas yata!

***
Ahahahahahaha!!!






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Margie Asuncion

    part 9 pls…lubos lubosin nyo na po para d nkakabitin

Leave a Reply


top