The Story Of Us**Part9**


**I’d rather have BadTimes with You than googtimes with Some’one else**..

Natapos ang Intrams at syempre proud ako sa team namin ng for the first naka’rank five hahaha!di man kami nakapag champion atleast di kami kulelat..At sobrang saya nun para sa akin kahit wala naman ako masyado naiambag hehe..

Katatapos lang din ng Miss Intrams at naka’second runner up si Monica,gayunpaman nakuha nya ang title na Best in Talent at Miss photogenic at kaya di nya nauwi ang korona ay dahil mali mali naman ang sagot nya sa question and answer portion kaya hayun second lang sya.. pero hindi maitatangging hinangaan ko sya sa evening gown nya at labis akong nainggit sa kanya dahil ang ganda naman nya talaga..At buti nalang di sya nanalo dahil kung nangyari yun,,lalo lang akong mainsecure .. hmmmp!!

Kasi naman nasa kanya na nga halos lahat nasa kanya pa si..kilala nyo na kung sino!!!

Pagkatapos ko ding bastedin si Alex ay dina muling nagkrus ang mga landas namin,nag iwasan kami alam nyo na,naguilty rin naman ako pero kase,hindi sya yung hinahanap ko..
Gusto ko sa lalaki ay yung hindi boring katulad ng lalaking nakikita ko ngayon ——!!!..

Sa kalagitnaan ng lecture nakapangalumbaba ako sa desk ko at nakatingin sa labas,Nag’jo’jogging na naman ang yung mga basketball players tulad ng dati ang kaibahan ngalang ngayon ay naroon na si Jed !!

Ah oo si Jed,simula ng huling nakita ko sya ng ma’outside yung tira ko sa volleyball palagi ko na syang nakikita..kaso malayo nga lang tulad ngayon hanggang tanaw nalang ako.. Wala akong lakas ng loob na lapitan sya at nakontento na ako na kahit sa malayo ko lang sya nakikita ay okay lang atleast alam kung nandyan lang naman pala sya sa tabi tabj at masaya naman ako dun.. wala akong lakas ng loob dahil wala naman akong karapatang gawin yun because i am just a nobody nobody but you!!awwww ..

Marami pa naman sana akong mga gustong sabihin sa kanya, gusto kong itanong kung kumusta na sya kung okay lang ba sya at higit sa lahat gusto kong tanungin kung ——-!!!

KELAN BA SILA MAG’BE’BREAK NI MONICA?

Kaso naalala ko di nga pala close .. Kasi nga sa FLAMES.. kami yung Enemy,never naging Friends.. at alam ko ring Angry sya sa akin!
Gayumpaman binusog ko ang aking mga mata sa kagandahang view na aking tinatamasa ngayon..

Bagong gupit sya at ang cool nya ngayon,nakakapanibago at lalong nadagdagan ang Kagwapuhan nya.. Ang swerte talaga ni Monica..

Nagpupunas na nuon si Jed ng pawis nya mula sa towel na nasa balikat nito at di ko pigilang di mapanganga.

Dati pangarap ko lang makapunta sa Japan ngayon ay pangarap ko na tuloy maging isang towel !! Buti pa yung towel na yun at nadadampian ang mukha ni Jed.. hmp!

How to be a towel po ???

**
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin,ah ang perfect ko talaga.. may lakad kami nina Jecca may bago daw bukas sa plaza,hindi rides kundi isang haunted mansion daw, syempre nalalapit na ang Halloween kaya may mga bagong paandar na naman ang mga tao sa perya.

Naglagay lang ako ng pulbos para sa oily kong face,buti nalang pinanganak akong maayos na ang kilay diko na kailangan yung ikurba,nagdampi narin ako ng konting mertayolet sa bibig para siguradong kahit uminom pa ako ng marami ay di yun basta bast mabubura !! Nagpaganda talaga ako dahil alam kung sa perya maraming gwapo! Ayiiihhh!!..

Pagbaba ko sa tricycle sinalubong ako nina Iya at Bea,wow!mas excited pa sila sa akin nauna pa pala sila,May kasamang dalawang mas bata sa aming babae si Jecca mga pinsan daw nya at nagpupumilit sumama,si Iya naman ay kasama ang bf nyang si Mike,ah sya nga yung guy na kalandian nya sa gym nuon.. so tama nga ako dahil jowa nya nga ito.. hmp!ako tuloy ang tila walang kasama,di bale maganda naman ako..

Nagbayad muna kami ng entrance bago pumasok.. Sanay naman na ako sa katatakutan mas nakakatakot pa nga ako kapag bagong gising na humaharap sa salamin eh,isa pa suki ako ng horror train kaya sisiw lang sa akin yang mga mananakot sa amin…

Pagpasok namin sinalubong agad kami ng malamig na pakiramdam,kasabay ng pag’alulong ng aso.. nagulat si Jecca at ang mga kasama nya samantalang napakapit naman si Iya sa bf nyang si Mike.. ah!kaya dinala ni Iya ang bf ay para makachansing sya dito..

Maluwang ang mansion, syemper mansion eh,
Ayos ng pagkaka effect ng mga usok sa paligid,may mga sapot pa ng gagamba,may mga kabaong pa sa gilid gilid at tanging mga lampara sa gilid ng pader ang nagsisilbing liwanag..wow! perfect.. ang galing ng pagkakagawa!! …

May mga kabataan din na tulad namin ay naroroon narin,may mga nakasarado pang mga pintuan na naroon,ang sabi ni Jecca kanina kaylangan daw makapili ng tamang pintuan palabas dahil kapag maling pinto ang pinasok mo ay sasalubungin ka raw ng mga nakakatakot na nilalang ..at iisang pinto lang daw ang tama dun!!

Umarko ang kilay ko,nasa higit sa bente ang pintuan duon panu naman namin malalaman kung nasaan ang tamang pintuan?Nilingon ko si Jecca para nagtanong pero ——!!?

“,Ay mga bruha sila.. “,sabi ko ng paglingon ko ay wala na sila sa tabi ko!iniwan na pala nila ako!Ay bwisit!humanda sila pagnakita ko sila!!

Saglit akong tumayo para mag isip kung anong room number ba ang papasukan ko!!ay ano ba yan!nakakainis talaga eh,kung pwede lang bumalik nalang gagawin ko kaso sarado na anh pintuan pabalik kaya no choice ako!!

Teka ..pahakbang na ako ng may maalala,Naalala ko ang jersey number ni Jed..number 08 .. tama sa room 08 nalang ako papasok sana naman hindi zombie ang sumalubong sa akin duon..

Hinakbang ko ang mga paa at binuksan ko ang pintuan na napili ko!

“,Blaaaaagggg!!”,..

Nabigla ako ng malakas at kusa yung nagsara!
Kundi lang ako matapang eh baka inatake na ako sa puso!

Mukhang wala yatang ibang tao na pumili ng number na yun bukod sa akin,wala manlang akong marinig na sumigaw sa room nato hmp!

Naglakad ako ng pasulong ng biglang may mahulog na katawan ng tao sa harapan ko!
Kalahati lang ang katawan na yun!!!Napatili ako at nagtatakbo sa sulok!!

Ah maling room ang napasukan ko!bakit ko ba sinunod ang number ni Jed nakakapeste talaga!

Pagtakbo ko sa gilid bigla namang may naramdaman akong gumagapang sa paa ko!
Kinakabahang tiningnan ko kung ano yun at napatalon na naman ako sa tili ng makitang may naapakan akong kalansay!tila buhay yun at pinapagapang ang kamay sa mga paa ko paakyat sa hita ko!!!

Nagtitiling tumakbo ulit ako sa kabilang dako ng kwartong yun,pero mukhang di pa natatapos ang katatakutan,dahil medyo madilim duon ay hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko,nakakainis pa ang makapal na pausok!!..

Hindi ko naman alam na ganito pala ka’intense sa loob!..nawala tuloy ang pinagmamalaki kong tapang !!! ..

Heto pa isa !! Isang parang totoong bampira naman ang hinahabol ako,sempre tulad ng dati tumakbo ako,mukhang no choice naman ako kundi tumakbo lang ng tumakbo !!!..

Dahil diko na makita ang dinadaanan ay hindi ko narin makita kung saan ako patungo hanggang sa bumangga ako sa bulto ng isang tao!!..

Teka!dibdib ba ng isang tao ang binangga ko!
Hindi ko alam kung bakit di ako makakilos sa kinatatayuan,dahil ba sa wala na akong energy na tumakbo pa kaya hindi na ako makakilos at dahil nanginginig ang mga tuhod ko ay nanatili ako sa ganuong posisyon or dahil sa naaamoy ko ang mabangong damit ng kung sinuman tong taong nabangga ko!!!!

Teka pamilyar ang amoy ng damit nya ah!

Dahil siguradong matangkad sya ay kakailanganin ko pa munang tingalain sya kaso diko nagawa ng sumulpot sa likod nya yung bampirang humahabol sa akin kanina!Napatili ako.. !!

Lumingon sa likod yung taong nabangga ko at hinarap yung bampira,pagharap nya ay walang sabi sabing sinuntok nya yung bampira hayun tulog!!!!!

Nagilalas ako sa nangyari!hindi ko na kailangan na hulaan kung sino pa ang taong nakabangga ko!hindi ko narin kaylangan ng liwanaga upang masigurong sya nga yun!dahil sino ba ang taong basta basta na lang sumasapak ng walang dahilan ??sya lang naman…

Biglang kumabog ang puso ko!!!

Nabigla nalang ako ng hawakan nya ang pulso ko at sapilitan ako hinahatak palayo sa lugar na yun!hindi ako makapaniwala!!at bakit ako pumapayag na hatak hatakin nalang ng isang ito?hindi maari!..

Pero huli na para tumutol ako..namalayan ko na lamang na nasa labas na kami ng kurimaw na to!gusto ko sanang magalit at sigaw sigawan sya kaso paglabas namin.. biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa sunod sunod ang pagputok ng naggagandahang fireworks duon!ah.. may pa fireworks si Mayor?

Naglaho na parang bula ang galit ko dahil sa napakagandang tanawin na to,parang isang eksena sa pelikula.. nakatingala ako ngayon sa kalangitan na pinupuno ng makukulay na pailaw habang ang lalaking katabi ko ay nakangiting nakatingin din sa itaas habang feel na feel din ang pagkakahawak sa kamay ko..

Tiningnan ko sya,nakangiti sya sa kalangitan at mababasa sa kanyang mga mata ang matinding kasayahan na tila ba nuon lang nya naranasan..Napakapayapa ng anyo nya ngayon,ang ekspresyon na mababasa sa kanyang gwapong mukha ay sensyales ng isang buhay na kontento … na wala ng dapat hilingin na mas magarbo na parang gusto nyang sabihin na Sapat na ang mga eksenang yun para kahit saglit ay maranasan naman nya ang maging masaya..

Ilang beses na tila ba gusto kong haplusin ang mukha nya, biglang may sumungaw na luha sa aking mga mata.. hindi ako makapaniwala na kasama ko sya ngayon dito habang pinagmamasdan ang fireworks..na hawak nya parin ang kamay ko na tila ba ayaw nya ng bitawan pa ito…na tila ba sinasabi nya sa mga kamay ko na wag akong bumitiw,na proprotektahan nya ako.. at masaya ako..

Kulang nalang ipatugtog yung kantang “,My Valentine.. “perfect na sana ang eksena..

“,Oh diba ang ganda???..”,

Naiwasan ko ang paningin sa mukha nya ng tumingin sya sa akin.Pasimple kong kinusot ang aking mga mata..

Natapos narin sa wakas..tulad ng walang permanente sa mundo ay tumunog na ang orasan ni Cinderella at tapos na ang masasayang oras nya,bumalik na sa normal ang lahat.. bumalik narin yung inis ko sakanya.

“,Anong ginagawa mo dito?!”,sabi ko pinanlakihan ko sya ng mata.

“,Wow ganyan kaba mag thank you sa akin eh buti nga dinala kita dito ng eksakto sa oras di sAna di mo naabutan yung fireworks!!”,

Totoo naman yun..And R.i.p to Jecca and Iya dahil di yata nila naabot ang magandang view na yun..

“,Pero sinuntok mo yung bampira!at bakit mo ginawa yun wala naman syang ginawang masama sayo ah!!”,

“,Sa akin wala .. sayo meron”,

“,At ano naman ginawa nyang masama sa akin?sa naalala ko ni hindi nga sya nakalapit sa akin kasi sinuntok mo na sya eh.. “,

“,Wala pa pero kung nagkataong wala ako dun baka.. baka nachansingan ka na nya!mukha syang manyak kaya sinuntok ko..”,

Napipilan ako sa sinabi nya.Over protective naman to..

Napatingin ako sa kamay kong hawak parin nya”, Eh ikaw ano bang ginagawa mo sa kamay ko diba tsansing din to???”,

Ewan ko kung guni guni ko lang pero nakita kong natataranta sya ng bitiwan nya ang kamay ko.Wait si Jed natataranta?kelan pa?

“,Ay oo nga pala “,sabi nya.

Pinameywangan ko sya “,mag sorry ka dun sa bampira pwede?!”,

“,Ayuko nga.. hindi ko gusto ang costume nya ampanget nya hindi bagay sa kanya “,

Ay oo nga pala ano nga palang ginagawa ko si Jed pala tong kausap ko, kahit anong gawin ko kahit maubos pa ang laway ko alam kung wala naman akong mapapala..

“,Halikana ililibre kita “,sabi nya habang nauna ng maglakad..hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya dahil sasamantalahin ko na ang pagkakataong may topak sya baka bukas di na nya naman ako pansinin..

Habang sumusunod ay nagdadasal ako na sana di ako makita nina Mama..o kaya nina Jecca at Iya manlang patay ako pagnagkataon hindi pa ako handang magpaliwanag kung ano ba ang ginagawa ko kasama ni Jed..

*
“,Ito naba yung pinagmamalaki mong libre?”, nakabusangot ako habang inaabot yung cottoncandy at ice scramble na libre daw nya!
ang cheap ang taas pa naman ng expectation ko..

“,Wag ka ng magreklamo..buti nga nilibre pa kita eh pang fishball lang naman yang ganda mo!!”,

Tiningnan ko sya ng masama,humahalakhak ito ng malakas habang taas baba yung balikat nya.Alam ko naman na nagbibiro sya kaya di ko sya papatulan ngayon..

Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may nagbago sa pagkatao ni Jed ngayon..
Hes acting cool.. mukha na syang jolly ngayon at hindi na nagpi’pigil ng kahit anumang emosyon,hindi na sya tipid ngumiti ngayon at humahalakhak na sya na parang wala ng bukas at ang weird nun para sa akin.Pero parang mas okay ang Jed na kasama ko ngayon..hmmn!

Pero hindi ako papayag na matapos nalang sa pagkain ang masayang pagsasama namin ngayon,kaylangan kong makaisip ng paraan ng sa ganun humaba pa ang gabing to,mahirap na malapit ng mag umaga baka magbago na naman ang mood nya. Kaya naman dahil matalino ako.. nakaisip ako ng paraan !

“,Jed sakay tayo sa ferris wheel???”,

Biglang naibuga ni Jed yung sinisipsip na ice’cramble at natapon ang topings nun tapos inubo na si Jed.

Naalarma ako,teka whats wrong ba??

Binilhan ko sya ng buko juice dahil wala akong makitang tubig..Nahimasmasan naman na sya sa wakas…

“,So ano??tara sa ferris wheel??”,,ilang sandaling tinitingnan lang nya ako at hindi sya nagsalita,na ackward ako sa titig nya nakakatunaw eh”,dont tell me takot ka sumakay dun???”,

“,Hindi noh ..”,nag iwas sya ng tingin “,wala kaya akong kinatatakutan”,mayabang na sabi nya..
“,Ayuko lang dun boring noh.. “,

“,Boring ka dyan,yun kaya ang pinaka thrill na rides dito..”,

Saglit muna syang nag isip pero sa huli diko narin sya napilit ng niyaya nalang nya akong magtaya nalang sa perya …

**
Pagbaba ko sa scooter ni Jed ay tinanggal ko agad ang helmet at inabot sa kanya hinatid nya ako sa bahay at dahil iisa lang yung helmet ako yung pinasuot nya..

“,Here.. “,inabot nya sa akin...


yung maliit na teddy bear na kay yellow yung napanalunan nya sa baril barilan sa totoo lang hindi naman yun yung gusto kong teddy bear eh,gusto ko yung mas malaki pa dun at yung kulay brown pero dahil di marunong bumaril si Jed ay yun ang naiuwe namin.. nakakainis!sa basketball lang talaga sya magaling!hmmp..

Pairap kung kinuha yun..

“,Ay wag ka ng mainis,gagalingan ko na next time,.”,kumindat sya at ngumiti..nagwelga na naman ang puso ko sa ginawa nyang yun..
pero di ako nagpahalata.

“,Tse!wala ng next time noh”, pagsusungit ko!.
“,makapasok na nga salamat !!?l”,sabi kong naiinis parin .. nakatatlong hakbang na ako ng biglang…

“,Daniella….. “,

Napatigil ang mundo ko sa malamyos na tinig nya,at ang sarap pakinggan ng buo kong pangalan na nagmula sa kanya.. gusto kong ulitin nya ulit yun..

“,Daniella… “,

Jed naman eh wag moko pakiligin..

Ah baka may nakalimutan lang naman syang sabihin,tama!baka meron nga.

Nagdesisyon akong humarap muli sa kanya ngunit diko naman alam na nakalapit na pala sya sa akin.Bumangga ako ulit sa dibdib nya..

Hindi na naman ako nakakilos..
Ano bang ginagawa nya?bakit sobrang lapit nya sa akin??

Sobrang lakas ng naririnig kong pintig ng puso nya,mas malakas pa sa fireworks kanina gayunpaman hindi magpapatalo ang puso ko..
Parang may drums sa loob ng puso ko at tila ba nagwawala ang drummer duon dahil ang lakas lakas ng pintig nun!!

Gusto ko sanang umatras kasi naiilang na ako,isa pa bahagyang nalahilig yung ulo ko sa dibdib nya at ang mga buhok ko nararamdaman ang mabangong hininga ni Jed,sa madaling salita.. nakapatong ang baba ni Jed sa ulo ko.

Oh,God… Hanep sa pakiramdam..parang gusto ko na talagang ma eststwa.

“,Je..jed… “,sa..sa..sabi ko..
“,hmmmn..”,sabi nya.. kumabog ulit ang puso ko.. hindi na ako ulit nagsalita,maya mayay naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nya sa ulo ko..

Nanigas ako lalo sa ginawa nya,hindi ko yun napag handaan, hinalikan ba nya ang ulo ko?patay hindi pa naman ako nag shampoo kanina nakakahiya. ..

“,Pumasok ka na.. “,..

Dahil sa shocked ay hindi ko na namalayang nakabalik na pala si Jed sa scooter nya.What!antagal ko na palang nakatunganga mabuti nalang nagsalita na sya kundi ay hindi pa ako makakabalik sa katinuan..sariwa pa sa puso ko yung ginawa nya..

“,I..i ngat ka.. “,
Ngumiti lang sya ulit at kumindat pa bago umalis!!!..

Pag alis nya ay tumakbo ako sa kwarto at duon ko inilabas ang lahat ng kilig na nararamdaman ko na kanina ko pa gustong isigaw!!!

++Chapter(anong Chapter na nga pala to nakalimutan ko hajaja..)

**
“,Ay sabi ko na may gusto talaga sayo si Jed eh.”,

Pinandilatan ko ng mata si Iya ng medyo napalakas yata yung boses nya.Nasa canteen pa naman kami,dahil nakonsensya na ako sa kakalihim sa kanila ng tungkol sa amin ni Jed ay kinwento ko na lahat ng pangyayari sa amin without commercial break,tsaka isa pa ay kaylangan ko rin ng mapagku:kwentuhan sa mga kilig na aking nararamdaman..

“Alam ko na rin yun noon pa”,pagbibida ni Jecca medyo mahina ang boses.

Naguluhan ako sa sinasabi nila..pinagsasabi nila?how come na hindi ko alam na may gusto daw sa akin si Jed?teka may gusto nga ba??

“,Nahalata ko na agad yun ng bayaran nya yung kinain mo..”,

“,Ano?????”,,lalo akong naguluhan.

“,Remember nung wala kang barya?si Jed ang nagbayad ng kinain mo nun..”,

Lalong binalot ng pagmamahal at paghanga kay Jed ang puso ko.. Ah so yun din yung araw na inaasar nila ako sa scrabble?kaya naman pala..hmmp!

“,Pero.. diba may gf na si Jed??”,

Napatingin ako kay Iya puno ng simpatya ang mga matang nakatitig sa akin..oo nga pala masyado akong nagpadala sa saya at kilig nakalimutan ko ng may gf nga pala sya.Sa sinabing yun ni Iya naalala ko ang tunay na posisyon ko sa buhay ni Jed.. ah wala nga palang kami.. !!
.
“,Pero dont worry ..im sure mas gusto ka ni Jed and sooner or later ay mag be’break din sila ni Monica kasi mare’realize din ni Jed na mas gusto ka nya.. “,

Biglang nawalan ako ng panlasa sa sinisipsip na softdrinks alam kong pinapalubag lang nila ang loob ko kasi nga kaibigan nila ako,pero mali ako..at mali ang kinakampihan nila!para tuloy ang magiging ending ng sinabi ni Jecca ay ipapalit ako ni Jed pag magbreak sila ni Monica.. sa madaling sabi.. Magiging rebound lang ako??

Parang tinusok ng stick ng banana cue ang puso ko dahil sa naisip..

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming tatlo hanggang sa magyaya na sa room si Jecca..pabor naman yun sa akin at dapat hindi kami ma’vacant ngayon para naman makafocus ako sa pag aaral dahil ayuko muna ngayong isipin ang kung anumang agam agam na naghahari sa puso ko!!

“,Awww!!!”,hindi pa man kami nakakalabas ng canteen ng may humablot sa buhok ko.

“, Bitch ka!mang aagaw !!!”,sigaw ng babaeng humablot sa buhok ko.

Masakit,makirot at mahapdi ang naramdaman ko sa anit ko ! Sinasabinutan na pala ako..

Si Jecca at Iya ay gustong lumapit sa akin para ipagtanggol ako subalit may ibang mga estudyante ang humaharang sa kanila..

Dahil hindi ko to napaghandaan at naunahan ako sa laban ay hindi agad ako makaganti,isa pa masakit ang ulo ko dala ng babaeng sinasabunutan ako.

Pero hindi ako magpapa api!Hinawakan ko rin ang buhok nya at sinabunutan ko rin sya.Nawalan kami ng balanse at nagpa gulong gulong sa kami sa sahig..

Dahil nasa ilalim sya ay pinaibabawan ko yung babae.. Si Monica yun!

“,Hayop ka malandi ka!!”,habang nagpapagulong gulong kami ay sinisigaw niya.
Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang sinasabi nya..Tungkol ito kay Jed,pero bakit?alam kaya nya na nagkita kami ni Jed kagabe?!pero wala naman kaming ginagawang masama ni Jed .. bukod sa parang lumalabas na inaahas ko sya dito!

“,Ahhhh ..”!”,napasigaw ako sa sakit ng makalmot ni Monica ang mukha ko!ah bwisit!ang hapdi nun..Lalo ko tuloy hinigpitan ang pagkakasabunot sa kanya..

“,Ouch!!”,,kimalmot ko rin sya..counter attack!

Alam kong wala akong kakampi sa mga oras na to hindi din ako kayang ipagtanggol nina Jecca kasi sa kapal ng mga taong nakikiusyoso ay hindi ko na nga alam kung nasaan sila.. kaya tanging sarili ko lang ang kakampi ko !

Nagpapagulong gulong parin kami ni Monica sa sahig,ilang minuto pa kapwa na kami hinihingal pero walang magpapatalo sa aming dalawa.. pakiramdam ko rin kasi kung sinong mananalo sa aming dalawa ay mapapasakanya si Jed..at hindi ako papayag!

“,Sa tingin mo ba gusto ka talaga ni Jed hah!”,sa pagitan ng pagsabunot ay sabi ni Monica..magkadikit ang ulo namin at nagpapalitan kami ng posisyon..!”,,pinaglalaruan kalang ni Jed at saan ka nakakuha ng lakas ng loob na makipag date sa kanya eh ang pangit pangit mo namang impakta ka!!!!!”,

That’s it !! Parang alarm clock na paulit ulit na nagriring sa tenga ko yung salitang yun ni Monica.. pakiramdam ko gumuhit ang lahat ng yun sa pagkatao ko,.Yah sino nga ba ako?at ano raw pinaglalaruan ako ni Jed??!sa kabila ng pinagdadaanan ko ngayon ay naisip ko ang mga huling araw na kasama ko si Jed..At ang kakaibang trato nya sa akin nuong isang gabi,
kasali kaya yun sa sinasabi ni Monica na pinaglalaruan ako??!

Biglang lumuwag ang pagkakahawak ko sa buhok ni Monica,pakiramdam ko rin wala na akong lakas para labanan sya..o ipaglaban pa si Jed sa kanya !

Tama sya,matapos kong maipag’tagpi tagpi ang mga pangyayari ay nabuo sa isipan ko na tama nga sya! Pinaglalaruan ako ni Jed,gumaganti siguro sya dahil sa mga sinabi ko sa kanya nuon o sa mga nagawa ko sa kanya,.at kaya pakiramdam ko nagbago sya ay dahil plano ni Jed ang lahat ng ito!plano nya sigurong mapalapit ako sa kanya ng sa ganun ay mangyari sa akin ito.. ang mapahiya sa harapan ng maraming tao!Ang laki kong tanga!
Bakit na naman kasi ako nag’assume!

Tama ulit si Monica..!dapat di ako nag assume na magugustuhan niya kasi nga sino ba ako?eh ang pangit pangit ko nga diba!!!

Dahil sa nawalan na rin ako ng lakas kaya naman nabitiwan ko na ang buhok ni Monica,sinamantala yun ni Monica at kumaibabaw sya sa akin..ilang sandali pa ay wala na akong nagawa kundi ang takpan nalang ang mukha kong sinasampal sampal na nya..

Ang sumunod na ginawa ni Monica ay ang pagpunit sa uniform ko!Napatili ako !?l

“,Dahil malandi ka naman bagay lang to sayo!”,

Tinanggal ko ang nakatakip na kamay ko sa aking mukha at inilipat yun sa dibdib ko,nakikita na ang bra ko..wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang..wala na akong lakas na lumaban pa!ayuko na..

Ilang sandali pa Nagtakbuhan na palayo ang mga estudyante ng may mga teachers ng dumating..sa likod ng mga ito ay sina Jecca at Iya..

Umalis narin si Monica sa ibabaw pero bago yun ay nagsalita pa sya ulit “,Kulang pa yan!”,sabi nya..tulad ko ay humihingal din at namumula ang mukha..

Nilapitan ako ni Iya at Jecca,sa pagitan ng pag iyak ko ay masay naman ako,kasi..nandito ang dalawang to,hindi man sila tumulong sa akin alam kong sila ang nagsumbong sa mga teachers para matigil na ang kaguhang to,!matigil ang kahibangan ko..

Inalalayan nila akong makaupo,awang awa sila sa akin sa kalagayan ko,tama lang yun naawa rin naman ako sa kalagayan ko ngayon..

Dahil nanginginig parin ang tuhod ko at diko pa kayang tumayo ay nanatili akong nakasalampak, pinipilit kong iayos ang napunit na uniform ko..

Napasubsob ako sa palad,antagal kong iningatan ang uniform na to na pinag ipunan pa nina Mama at papa para lang mabili tapos heto napunit lang ..lalo akong napaluha..ito ang unang pagkakataon na napaaway ako ang masakit pa ay dahil pa sa lalaki,sa walang kwentang lalaki,..at unang pagkakataon ko ito sa guidance alam kong duon din naman ang diretso namin ni Monica mamaya.. at anong dahilan ang sasabihin ko kela mama kung bakit sila ipapatawag??na nakipaglandian ako sa isang lalaking may gf na sa perya?ganun ba dapat?hindi ko na alam.. hindi na ..

“,Daniella….. !!!”,

Pumasok si Jed na humahangos sa canteen,pawis na pawis sya sa mga oras na yun at naka full basketball uniform!!

Lumuhod sya sa harap ko..

Iniwasan kong tingnan sya,baka mabasa nya ang mga mata ko na galit na galit sa kanya,wala na akong lakas ng luob na awayin sya.. tsaka nalang ..

“,Ella.. “,,sabi nya ulit at tinangkang hawakan ang mukha ko,ang mukha kong namumula sa kalmot..

Tinabig ko ang kamay nya at nagulat sya sa inasal ko,ayuko na!ayuko ng maging marupok sa mga kabutihang inaasal nya kung puro pakitang tao lang din naman,ayuko narin ma fall ulit sa ka sweetan nya.. ayuko na!!

“,Pagbabayaran nila to !!”,galit na sigaw ni Jed..

Gusto ko sanang makita sya kung paanu sya magalit kay Monica kung paanu nya awayin ang mga kakamoi nito kanina kaso.. kasalanan ko nga pala kung bakit ako narito ngayon sa posisyon na to! nakalimutan ko kasing may gf na sya eh.. kaya heto!malandi na tuloy ang tingin nila sa akin..

“,Tama na Jed.. “,sa wakas nagkalakas narin ako ng loob na magsalita,at harapin sya..

Pero nagsisi ako ng makita ang mukha nya,bigla iyong pumait ng dahil sa sinabi ko..

“,Tama na Jed.. ayuko na.. lumayo kana sa buhay ko ..”,sabi ko at lalo lang pumait ang anyo nya,kung namamalikmata lang ako maniniwala akong malapit ng pumatak ang luha sa mga mata ni Jed..

Yeah, it’s enough!pagod narin naman akong makisama sa napaka komplikadong katulad ni Jed ..nakakapagod na!!

Sa wakas nakuha ko naring tumayo,ilang beses nya akong gustong alalayan pero ilang beses ko ring nakitang pinigilan nya ang kanyang sarili na gawin yun..siguro,mas better na yun..

Si Jecca at Iya nalang ang umalalay sa akin..
Inayos ko muna ang sarili bago pa ika ikang naglakad,Hindi ko na sya nilingon habang palabas kami ng pinto,ayukong mabasa yung mga mata nyang daig pa nyang nabrokenheart!
Baka maawa lang ako sa kanya at baka bukas bati na naman kami.. hindi na yun mangyayari!

Pero hindi pa kami nakakalayo ng biglang hatakin ni Jed ang kamay ko! Mahigpit ang pagkakahawak nya dun kaya nasaktan ako.
Marahas nya akong pinaharap sa kanya!

Nagtama ang mga mata namin..at …

“,,PANU KUNG SABIHIN KO SAYONG MAHAL KITA???!!”,

Parang huminto ang pag ikot ng mundo ko matapos nyang sabihin sa akin yun.Ang lahat ng sakit na ipinaramdam sa akin ni Monica kanina ay tila ba natabunan ng anestisya ng sabihin nya iyon.

Maging si Jecca at Iya at ilang mga estudyante na naroon na nakarinig nun ay hindi yata napaghandaan at na shocked sila..

“,PANU KUNG SABIHIN KO SAYONG MASAYA AKO NA KASAMA KA,NA KONTENTO ANG ARAW KO KAPAG NAKIKITA KITA!NA HINDI KA MAALIS SA ISIP. KO!!!AT PANU KUNG SABIHIN KO DIN SAYO NA HANDA AKONG MAGBAGO
PARA SAYO!!!”,

Hindi ako nakapagsalita habang nakatitig sa kanya,,magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan sa sinasabi nya,sa totoo lang naniniwala ako sa kanya, Pagkatapos kong mabasa ang sensiredad sa kanyang mga mata alam kung nagsasabi sya ng totoo.Kung pwede ko lang din sanang isigaw sa pagmumukhA nya na Mahal na mahal ko rin sya.. at masaya akong kasama sya at higit sa lahat hindi naman nya kaylangang magbago para sa akin,kasi yung lumang Jed naman yung nagustuhan ko eh at hindi yung Jed na handang magbago.. kasi sya lang Sapat na eh !! Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yun ngayon.. mas maganda,
wag na lang,ang gulo na ng buhay ko ng pumasok sya.. may mga natapakang tao narin ako ng dahil sa kalandian ko,at hindi naman yata tama na habang may gf pa sya ay nagtatapat sya sa akin ngayon.. isa pa ayuko na ulit ng gulo ..

Marahas ko ring binawi ang kamay ko sa kanya, tulad ng reaksyon niya kanina ay lalong pumait ang anyo nya.

“,Goodbye Jed.. 💔💔💔!)

Yun lamang at tuluyan na akong lumayo sa kanya.This time totoo na!!..ipinagpasalamat ko nalang na hindi na nya ako sinundan pa..

Pero bago ako nakalayo,may narinig na naman akong kumalabog sa likuran namin.

Sya nga talaga si Jed ! Sinuntok na naman kasi nya yung pintuan ng canteen..

****
Ahu kinilig na ako sa una eh haha!

Nang gigil na naman ako sa pagsusulat.






Share On Whatsapp

"9" Comments
  1. nice story.nakakakilig talaga

  2. wait po ng part 10

  3. part 10 po ganda sana ng story kaso nakakabitin

  4. Margie Asuncion

    asan n po ang kasunod nto

  5. part 10 po plz bitin po kz ihh what a beautiful story ♥️♥️

  6. Margie Asuncion

    part 10 napo aq..asan na po nkakabitin nmn ehh

  7. next please ang ganda talaga

  8. ganda ng ng kwento..

  9. Margie Asuncion

    next po pls..nkkbitin toga ehh..ang ganda po kc

Leave a Reply


top