The Worst Birthday Ever ’
Alas syete na ng gabi at ang kalangitan ay madilim saka ang mga bituin ay nag simula nang magsilitawan. Sa aming tahanan ay puno ng mga ilaw‚ mga tao ay gising pa at abalang-abala sa kani-kanilang ginagawa.
Sa aming bakuran kung saan may mga rosas na nag kalat na dekorasyon‚ mga lobong pula na nakadikit sa mga puno at halamanan‚ ang isang malaking lamesa kung saan samot saring pagkain ang nakalatag‚ mga dalaga’t binata na nakasuot ng kani-kanilang magagandang kasuotan at syempre‚ ang isang babaeng nasa unahan na naka suot ngayon ng magarbong kulay rosas na kasuotan‚ walang iba kundi ako. Sa ilalim ng mga kumikinang na bituin, ipagdidiwang ko ang aking ikalabingwalong taon ko.
Nang nagsimula na ang pagdiriwang sa kaarawan ko ay nag simula na din akong isayaw ng mga kalalakihan na may ibinibigay saaking rosas.
Nang matapos na akong isayaw ng ika labingpitong lalaki ay nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko at may isang alaalang bumalik sa aking isipan noong bata pa ako.
“ Papa! Tignan mo po iyon‚ isinasayaw ng Papa yung anak nya. Gusto ko din pong gawin natin iyan kapag nag debut na din po ako‚ ” magiliw kong sambit sa aking Ama na kanyang ikinatuwa.
“ Oo naman anak‚ kapag eighteen ka na‚ ako ang magiging ika labingwalong sasayaw sayo at ang ibibigay ko sayo ay hindi isang rosas kundi isang boquet ng rosas‚ ” natutuwang sambit ni Papa
“ Promise mo po yan Papa ha‚ gusto ko pong rosas Papa ay yung kulay pink po‚” kunyari kong tampo.
“ Oo anak‚ promise yan ni Papa sayo. ”
—
Nabalik ako sa katinuan nang marinig kong pinapatugtog ng DJ ang kantang ‘Dance with My Father’. Hindi ko na namalayan ang aking sarili na may rumaragasa na palang...