The_lost_daughter Chapter_21


Madaling araw na nang pumasok si manang flor sa kwarto kung saan si baby.
Sinilip niya muna ang yaya, kita nga niyang tulog ito.
Dahan dahan siya lumakad papalapit kay baby. kinuha agad ang baby at mabilis na bumaba.
Si ate inday naman ang tumitingin kung may lumabas ba sa kwarto nang mga amo nila.
Paglabas sa gate ni manang flor ay agad ko naman ito sinalubong.
Inaabot niya sakin ang baby ko, maluha luha akong nakita at nakarga ulit ang baby cristine ko,at agad ko ito hinalikan.
Oo baby cristine ang napili kung ipangalan sa baby ko.
Kahit wala sa tabi ko nang mga oras na yun si christian parin ang nasa isip ko.
Kaya Cristine ang napili kung ipangalan.
Chuchay iha,bilisan mo umalis kana, agad na sabi ni manang flor sabay abot nang pera.
Gamitin mo ang perang yan para maka uwi ka nang probinsya niyo..
Salamat manang flor sa lahat ha,napaka buti niyo sakin di ko na napigilan ang pag agos nang luha ko at niyakap ko na lang siya.
Dahil di ko rin alam kung saan kukuha nang pera.
Ang perang binigay nila sakin nun,ay iniwan ko lang sa ospital,at ayoko gamitin ang perang yun.
Baka isipin nila na pumayag akong bayaran nila ang anak ko.
Pagkatapos kung mag paalam kay manang flor ay mabilis naku tumalikod para umalis.
Nang biglang marinig ko boses ni Syra na sumigaw.
Guards!!!!
Sabay din ang pag ilaw nang sasakyan sa harap ko.
Sasakyan nang mga pulis..
Mabilis na lumapit sakin si Syra at agad kinuha ang baby ko,at binigay sa yaya.
Hinawakan naman nang dalawang guard ang magkabilaan kung braso.
Alam ko na dito ang punta mo ei,kaya nakahanda nku magnanakaw ka nang anak,ngiti nitong sabi.
Anak ko yan syra,ikaw ang magnanakaw nang anak.
Ibalik mo sakin ang baby ko,sigaw ko!
Dahan dahan naman lumapit si syra kay manang flor.
Pakkk isang malakas na sampal ang ginawa ni syra kay manang.
Wag mong sasaktan si manang syra sigaw ko,pero bingi ang demonyita.
Hinablot niya ang buhok ni manang,pakialamera kang matanda ka lakas nang loob mong traydurin ako..
Agad naman tumakbo papalapit si christian at malakas na itinulak si syra..
Kaya napabagsak ito nang upo sa lupa.
Wala kang karapatan na saktan si manang galit nitong sabi.
Sila pa talaga kakampihan mo,baka nakakalimutan mo ang sinabi nang mommy mo sayo.
Pulis sigaw ni syra,ikulong niyo ang babaeng yan,balak niyan nakawin ang anak ko.
Nakita niyo naman sa akto hindi ba.
Papalapit na sana,ang pulis nang sumigaw si christian.
Wag na wag niyo siyang hahawakan.
Wala siyang kasalanan.
Napahinto ang mga pulis sa paglapit kay chuchay nang marinig ang sinabi ni christian.
Bakit kayo napahinto,ikulong niyo ang babaeng yan galit na sabi ni syra.
Gusto niyo ba mawalan nang trabaho,isusumbong ko kayo kay General Alex sigaw nito.
Si General Alex ang dating tauhan ni Don federico na isang militar noon.
Na General na ngayon.
Nang...


marinig iyun nang mga pulis,ay agad na nila akong hinawakan.
Sorry sir pero kailangan namin siyang dalhin sa prisento.
Walang nagawa si christian,kundi napakuyom na lang nang kamao,at hinayaang dalhin nang pulis si chuchay.
Agad naman pumasok sa,loob nang bahay si syra nang makitang wala na si chuchay.
Naiwan sa labas sila manang flor at christian.
Sir tulungan niyo si chuchay na hindi makulong,mahina pa katawan nun humagolhol na sabi ni manang flor.
Pumasok kana sa loob nang bahay manang at magpahinga kana,wag kang mag alala gagawa ako nang paraan para makalabas si chuchay sa kulungan.
Pagpasok ni manang flor sa loob nang bahay,ay agad na pinakawalan ni christian ang galit sa sarili sinuntok nang napakalakas ang pader,at napaupo hinayaan lang ang kamay na tumutulo ang dugo nito.
Pasok!! At malakas na itinulak ako nang pulis sa loob nang kulungan.
Magnanakaw ka nang baby ha,sabi nito.
Tiningnan ko ang ibang preso ang tapang nang tingin nila sakin,kaya naupo na lang ako sa tabi yakap yakap ang dalawa kung tuhod.
Hoy bat ka nagnanakaw nang baby,baog kaba sabi nang isang preso dahilan nang pagtatawanan nang lahat.
Sumapit na nga ang umaga tanghali ay ganun parin ang ayos ko,nakayuko sa isang tabi.
Hoy may dalaw ka,sigaw nang pulis sakin pero hindi prin ako gumalaw.
Nakita ko sa labas nang kulungan si madam mariel at si calixta.
Nagustuhan mo ba ang kulungan iha,ngiting sabi ni mariel ang lakas naman kasi nang loob mong paiyakin ang anak kung si syra kaya nababagay ka diyan kasama nang mga ipis at daga.
Chuchay tumigil kana sa ambisyon mong makuha pa ang baby at si christian,sabi naman ni calixta si syra at christian na mag aalaga sa baby at legal na magulang nang bata.
Lets go,rinig kong sabi ni mariel hindi tayo pwedeng mgtagal dito ang baho.
Nakayukom lang ang kamao ko sa narinig ko sa sinabi nila..
Hapon na nang sumigaw ang pulis makakalabas kana..
Lumabas na nga ako nang presinto,at dahan dahan nilakad ang highway.
Hindi ko alintana na nasa gitna na ako nang highway.
Nang biglang may huminto sa harap ko nang sasakyan.
Dahil sa masama na pakiramdam ko ay diko na iyun nakita dahil bumulagta na ako sa gitna nang daan at tuluyan na nawalan nang malay.
Pag gising ko inikot nang dalawang mata ko ang loob nang isang kwarto,napakaganda nang ayos at nakahiga ako sa malambot na kama.
Nakita kung pumasok si Ali.
Chuchay gising kana pala,ok naba pakiramdam mo sabihin mo sakin.
Kung masama pa pakiramdam mo para madala kita sa ospital sabi nitong papalapit sakin..
Ali..ali..tulungan mo ko,hinawakan ko kamay ni ali at humagulhol nang iyak.
Tulungan mo kong mabawi ang anak ko.
Hinawakan ako ni ali sa dalawa kung braso,magpalakas ka muna.
Oo tutulungan kitang bawiin ang anak mo,pero sa ngayon kailangan mo muna magpalakas.
Hindi ko na hahayaang saktan ka pa nang iba,proprotektahan kita chuchay,agad na sabi ni ali at niyakap ako.
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top