The_lost_daughter Chapter_30


Naisipan kong bisitahin si Daddy sa kompanya kasama si cristine.
Dalawang sasakyan ang dala dala namin hindi kasi magkasya sa isang sasakyan kasama ang limang bodyguard ko.
Kaya sa isang sasakyan kasama ko si cynthia ondo ako at ang driver na si boknoy,kasunod naman samin ang isang sasakyan pa sakay ang tatlong tauhan ko,si philip ang nagmamaneho nito.
Pagbaba ko nang sasakyan sinabihan ko na ang mga tauhan ko na maghintay na lang sila.
kaya tatlo lang kami ni cynthia cristine ang lumabas nang sasakyan.
Papasok na sana kami sa kompanya nang marinig kong may tumawag sakin.
Paglingon ko si Ali nakita kong pababa ito nang sasakyan niya..
Ali,ngiti kong sabi sa kanya habang papalapit na lumakad sa kanya.
Kamuzta kana chuchay,bungad na tanung niya sakin.
Ok lang ako nahihiya ko namang sagot sa kanya!
dahil matagal akong hindi nakatawag sa kanya simula nung lumipat ako sa mansyon at malaman na anak ako ni Daddy,dahil hindi ko sinadya marinig noon ang pinag uusapan nila nang daddy niya na makakasira ako sa mga plano nilang paghihiganti kay daddy,kaya nahihiya akong kumuntak o kausapin si ali.
Ito ba ang baby mo,ngiting sabi ni Ali at hinawakan ang kamay ni cristine.
Oo agad kung sagot..nang bigla ko maisip tanungin kay ali ang tungkol sa galit nila sa daddy ko.
Ali narinig ko pala noon ang pinag usapan niyo nang daddy mo na planong paghihiganti sa daddy ko.
Bakit ganun ang galit niyo sa Daddy ko ano nagawang kasalanan nang daddy ko sa inyo.
Nang marinig iyun ni ali ang tanung ko biglang nawala ang mga ngiti niya.
Tumingin muna siya sakin nang matagal bago nagsalita.
Dahil ang Daddy mo ang dahilan kaya naging ganun ang mommy ko,na trauma sa ginawa nang daddy mo, binaril niya ito sa likod.
Kaya mahabang panahon nang ganyan ang mommy ko tulala at hindi nagsasalita.
Binaril nang daddy ko ang mommy mo!?
Pero Wag kang mag alala chuchay kahit galit ako sa daddy mo hinding hindi kita sasaktan.
Sigurado ka ba sinasabi mo Ali alam mo ba ang dahilan kung bakit binaril ni daddy ang mom mo,agad kung tanung kay ali.
Hindi,kwenento lang sakin ni daddy.
Natigil ang pag uusap naming dalawa na may biglang nagsalita sa likod.
Chuchay,andito pala kayo bungad na sabi ni christian at agad kinuha si cristine ky cynthia.
Oo dinalhan namin nang pagkain si Daddy,agad kung Sabat kay christian.
Nagkabalikan naba kayo,mahinang tanung ni Ali..
Hindi…
Hindi na natuloy ang sinabi ko nang magsalita ulit si christian.
Malapit na,malapit na mabuo ang pamilya namin,diba baby cristine sabi ni christian habang kinikiliti si cristine at panay tawa naman ng bata.
Masaya ako kung ganun nga ang mangyari,sana christian wag munang sasaktan ulit si chuchay kung ayaw mong aagawin ko siya sayo,seryoso ang mukha ni ali nang sinabi niya ito.
Wag kang mag alala hindi na mangyayari yun.
Aalis nku chuchay ingat kago lagi ni baby cristine mo tawagan mo na lang ako kung kailangan mo nang tulong,paalam sakin ni ali at agad na ito sumakay nang kanyang sasakyan.
Pag alis ni ali ay agad ko kinuha si cristine kay christian.
Ano ba yung sinasabi mo kay ali anong malapit na magkabalikan,inis kong tanung kay christian.
Bakit ayaw mo ba,pag nag divorce na kami ni syra liligawan kita ulit ngiti nitong sabi.
Pumasok na kayo sa office ni Don federico agad nitong Sabi at hinalikan si baby cristine.
Pagkatapos halikan ni christian si baby cristine ay tumingin din siya sakin,akmang hahalik sKin pero agad akong umalis papasok nang kompanya at iniwan siya.
Napapangiti na lamang si christian.
Alam ko balang araw magkakasama na kami ulit ni chuchay at nang anak ko sa iisang bubong.
Kumatok muna ako sa pinto nang office ni daddy bago pumasok,kita kong busy ito sa ginagawa.
Daddy dinalhan kita nang pagkain mo,bungad kong sabi kay daddy.
Oh thank you,thank you janelle at tumayo narin ito para pumunta sa lamesa para tingnan ang mga dala kong pagkain .
Nang makita niyang kasama ko si cristine ay agad niya ito binuhat.
Oo my grand Daughter your so pretty sabi ni daddy at humalik muna ito kay cristine bago tuluyang naupo para kumain.
Habang tinitingnan si daddy na kumakain ay tinanung ko agad ito,tungkol sa mommy ni ali.
Dad kilala mo ba ang mom ni ali,panimula ko.
Hindi,, hindi ko nga nakita kahit isang beses yang mommy ni ali.
Bakit mo pala natanung anak..
Hindi mo kilala dad pagtataka kung tanung,,pero bakit !
Anong bakit agad na tanung ni Daddy sakin.
Wala po dad natanung ko lang agad ko namang sabat kay Daddy.
Hindi ko na lang tinuloy ang sinabi baka lumala pa ang hindi pagkakaintindihan ni daddy at nang daddy ni ali.
Basta alam kong totoo na walang kasalanan si daddy sa nangyari sa mommy ni ali,bulong ko sa sarili na sumaya naman dahil sa nalaman kong walang kasalanan si daddy sa kanila.
Pabagsak na inilalag ni mariel ang hawak niyang baraha,dahil sa laki na nang talo niya sa sugal.
Oh friend talo kana naman ba,tanung nang may ari nang casino..
Oo ei malas,pahiramin mo nga ako nang pera pa diyan naubusan nku,agad nitong sabi..
Sure sandali lang kunin ko lang yung pera.
Next round sigaw agad ni mariel.
Lumipas na isang oras sa pagsusugal niya talo parin ito.
Malas…sabay tayo niya sa upuan.
Oh ano uuwi kana,agad na tanung nang may ari sa casino.
Oo malas ei,babalik na lang ako sa susunod na araw para bayaran ka..
Malas,simula nung mKilala ko yung chuchay na yun buong taon na yata ako minalas,bulong nito sa sarili habang...


papunta sa sasakyan niya.
Bubuksan pa lang sana niya ang pinto nang biglang may tumakip sa ilong niya nang panyo dahilan nang pagkawalan niya nang malay.
Nagising na lamang si mariel nasa maliit na ito nang kwarto na madilim nilibot niya ang kanyang paningiin mukhang lumang kwarto na ito.
Nagtataka siya kung sino may gawa sa kanya na dalhin siya sa lugar na ito.
Palabasin niyo ko dito sigaw niya.
Palabasin niyo ko,hindi niyo ba ko kilala isa ako sa pinakamayaman pag mamay ari ko ang buong building na JF company kung pera gusto niyo bibigyan ko kayo.
Pero walang sumagot sa kanya,kaya malakas niya pinag susuntok ang pinto.
Pero wala parin itong narinig kung may tao ba sa labas.
Maya maya nakaamoy siya nang sobrang baho na halos masusuka na siya.kaya sumigaw na naman siya ulit.
Palabasin niyo sabi ako dito,sigaw niya.
maya maya nakita niya sa taas nang bubong na nahuhulog ang maraming daga na buhay pa at ipis.
Agad siya tumayo at tumakbo sa pintuan.
Ahhhhh sigaw ni mariel nang ginapangan na siya nang ipis at daga.
Siguraduhin niyo lang na mapapatay niyo ko ngayon dahil pag nakalabas ako magbabayad ang may kagagawan nito..
Aaaahhhhh sigaw ulit ni mariel!!
Tatlong oras ko din hinayaan si mariel na makasama ang ipis at daga,napapangiti ako sa bawat tiling naririnig ko kay mariel.
Mariel sigaw ko na nasa labas ako nang pinto,nang isang kwarto sa lumang bodega. naalala mo ba noon ang sinabi mo sakin sa kulungan sakin mariel!
Ano mariel,nag eenjoy kaba kasama ang mga ipis at daga tanung ko habang malakas ang pagtawa.
Chuchay hayop ka,palabasin mo ko dito rinig kong sigaw ni mariel.
Ondo,Boknoy Tawag ko sa dalawa.
Palabasin niyo na si mariel agad kong sabi.
Nilabas na nga ni boknoy at Ondo si mariel sa labas nang makita ko itsura niya humagikhik ako nang tawa.
Hayop ka chuchay magbabayad ka sa ginawa mo,inis,nitong sabi at nag pulumiglas pa sa pagkakawak sa kanya ni ondo at boknoy para saktan ako.
Hindi pa ko tapos sayo mariel kaya wag kang matapang,ngiti kong sabi sa kanya.
Boknoy,ondo itali niyo siya at palibutan nang mga tuyong kahoy buhusan niyo rin nang gasolina.
Yes senyorita agad na sabi nang dalawa.
Anong gagawin mo chuchay,anong gagawin mo saking hayop ka pakawalan mo ko sigaw niya.
Ipaparanas ko sayo ang ginawa mong pag sunog sa inay ko,galit kung sabi!
Senyorita Janelle nandito na siya,agad na sabi ni philip nang makapasok na siya sa bodega hila hila si syra na nakatakip ang mukha Nito nang sako.
Agad ko naman kinuha ang takip sa mukha nito.
Hello syra long time no see ngiti ko..
Syra anak sigaw ni mariel,chuchay wag na wag mong sasaktan si syra papatayin talaga kita,sigaw nito.
Chuchay,,hayop ka talaga ei nuh,pakawalan mo si mommy sigaw ni syra.
Mas hayop kayo nang dahil sa kahayupan niyo naging hayop ako,diba masaya hahaha.
Narinig niyo ba ang kasabihan kung ayaw niyong gawin sa inyo,wag niyong gawin sa iba.
Ipaparanas ko lang sa inyo ang ginawa niyo.
Pakawalan mo si mommy..
Pakawalan ko lang mommy mo kung isusulat mo ang sasabihin ko,sabi ko at agad kinuha ang papel at ballpen saka itinapon sa harap niya.
Ano gagawin ko diyan agad na tanung ni syra.
Isulat mo ang ganito.
Ako si Syra ninakaw ang anak ni janelle fernandez at nagbagad nang tao para irecord na siya ang ina sa anak ni Janelle fernandez.
Gusto ko yan ang isulat mo,bilis sigaw ko.
Ayoko sigaw ni syra sabay tulak sa papel.
Philip akin na ang lighter.
Agad naman binigay ni philip ang kanyang lighter.
Binuksan ko ang lighter at nilalaro ang apoy.
Ano gagawin mo diyan chuchay,sigaw ni mariel.
Syra ang mga kahoy na yan may gasolina isang tapon ko lang nang lighter liliyab na yang nanay mo.
Kung ayaw mong makitang sunog ang nanay mo,magsulat ka sigaw ko.
Syra syra sige na anak isulat mo,agad na sabi ni mariel kay syra.
Ok..ok sigaw nito..
Nagsimula na nga itong magsulat.
Ako si Syra Fernandez.
Hindi ka Fernandez palitan mo yan sigaw ko.
Kaya natigil si syra sa pagsusulat.
Pinalitan nga niya ang apilyedo niya.
Kinuha ko ang sinulat niya at napangiti ako.
Good Job syra ngiti kong sabi.
Pakawalan muna si mommy,sigaw ulit nito.
Wag kang magmadali hindi pa ko tapos..
Philip..
Agad naman lumapit sakin si philip dala ang isang bote.
Ano yan chuchay,agad na tanung ni syra nang makita niya ang iniabot ni philip.
Lason agad kung sabat sa kanya na nakangiti.
Philip,boknoy..hawakan niyo si syra ipapatikim ko sa kanya kung ano lasa nang lason,dahil bakit gusto niyang ipatikim sa anak kong walang ka muwang muwang..
Chuchay tumigil kang hayop ka sigaw ni mariel nang makitang pinagtulungan hawakan si syra at pinilit buksan ang bibig nito.
Hinawakan ko ang ilong ni syra para mabuksan niya bibig niya,nang mabuksan niya ito ay agad ko pinainom sa kanya.
Walang hiya ka chuchay magbabayad ka sa lahat nang ginawa mo ngayon,mahinang sabi ni syra.
Tara..agad kong sabi at lumakad na palabas nang bodega,pero bago ako lumabas itinapon ko ang lighter na hawak ko,at agad nagliyab ang mga kahoy na nakapalibot ky mariel.
Paglabas namin ay ini-lock namin ang bodega.
Patawarin mo ko inay kung hindi ko tinupad noon ang pangako ko sa inyo na hindi nku gaganti sa mga taong nanakit sakin,tumulo ang luha ko nang naisip ko si inay.
Senyorita janelle,hindi nila deserving ang awa mo,wag mo sayangin ang mga luha mo sa kanila sabi ni ondo nang makitang tumulo ang luha ko agad ko naman iyun pinunasan.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top