Through The Waves Continuation


Author: NenengPalangging
(Continuation)
Nanahimik si Lorena,nakaramdam ng takot sa pag taas ng boses ni Marcus. Idagdag pa ang makirot niyang kalamnan sa mula beywang pa baba hanggng sa kaniyang mga binti at paa. Pumikit na lang siya habang nakahawak sa katawan ng nobyo.
“Dukutin mo ang susi sa bulsa ng pants ko Babe.” Ani Marcus.
Napamulat siya ng mata,nasa tabi sila ng pulang kotse.
“Left pocket.” Bahagyang siyang inayos sa mga bisig nito.
Ibinaba niya ang isang kamay mula sa leeg ni Marcus at pilit na inabot ang bulsa ng pantalon nito.
Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang leeg. Nag-iba agad ang kaniyang pakiramdam. Na-hieghtened alert ang lahat ng kaniyang senses. Uminit ang kaniyang tenga at mukha kasabay ng pag tambol ng kaniyang dibdib.
Pilit pinakalma ni Lorena ang sarili at sinikap na abutin ang susi.
“Hindi ko abot. Ibaba mo pa ako ng konti”.
Na siya namang ginawa ni Marcus.
Pina-slide ang kaniyang katawan pababa sa dibdib nito. Umangat ng konti ang kaniyang blouse. Naabot na niya ang pants ni Marcus pero iba ang kaniyang nahawakan. Sakto sa kaniyang palad ang pundilyo ng Manong ni Marcus.
In a split second,pareho silang nanigas. Napabuga ng hangin ang lalaki.
“Babe,left side pocket ko.” Tila paos nitong sabi sa kanya.
“S-sorry”. Halos walang lumabas na tinig sa kaniyang lalamunan kasabay ng pag galaw ng kaniyang kamay.
This time,siniguro niya sa isip na tamang kapa at dukot ang kaniyang gagawin.
” Babe kailangan mong magpalit ng hospital gown. Isasalang ka mamaya sa x-ray machine.”
“Dito ako magpapalit ng damit?” Inikot ni Lorena ang tingin. Nasa loob sila ng kwadradong ispasyo na napapalibutan ng green na kurtina.
“Oo. Dito sa emergency room.” Pagkuway umupo si Marcus sa tabi nya,gumalaw ang hospital bed sa bigat nito.
“Sige na. Tutulungan kitang tanggalin ang palda mo.” Hinawakan nito ang kaniyang beywang.
Sa taranta niya,lumabas sa bibig niya ang salitang pinapatawag sa kanya ni Marcus.
“Daddy…” Malakas niyang sabi sabay pigil sa kamay ni Marcus.
Wari’y nabigla din si Marcus sa narinig. Saglit itong tumitig sa kanya. “Akala ko di mo ako tatawagin ng ganyan.” Natatawa nitong pansin sa kanya.
Umingos si Lorena at sa mahinang tinig,isiniwalat niya ang concern sa nobyo.
“W-wala kc akong dobleng cycling short,naka panty lang ako. Nakakahiya.” Binalot ng pamumula ang kaniyang mukha.
Natatawa man pero pinigil ni Marcus ang sarili. Ayaw niyang “mapahiya” ang inosente niyang nobya.
“It’s ok baby. Maganda naman ata panty mo eh.” Nakangiti niyang tugon.
“Bago kaya yan.” Bulalas naman ni Lorena na lalong ikinangiti ni Marcus.
Hindi na niya kailangan sabihin pa dito na ang perang isinuhol sa kanya last year sa paggiging look-out niya,ay ibinili niya ng mga undies. Boxes ng soen panties at bras. Nakikita kc niya Kay ate Lyza niya noun ang mga undies nito na nilalabhan. At dito niya unang narinig ang salitang “investment to youself”. Ang mama naman niya,laging ibinibilin sa kanya na tuwing aalis siya ng bahay,dapat matinong underwear ang gamit niya. ” Hindi mo alam ang pwedeng mangyari” ang lagi nitong sinasabi sa kanya. At may sense lahat ng iyon sa kanya sa pagkakadisgrasya niya ngayon.
Si Marcus ang nagtanggal ng kaniyang palda,blouse pati bra at nagsout ng hospital gown sa kanya bago siya ipinasok sa x-ray room.
Ayon sa result ng x-ray,wala namang crack or damage ang kaniyang hipbone. Bugbog lang daw,ayon pa sa doktor na tumingin sa kanya. Pasa sa kaniyang kalamnan,mga sugat at gasgas. She needs to lay down,huwag munang kumilos for her fast recovery. May mga ineresita ding gamot sa kanya,pain reliever at para sa pamamaga ang mga iyon. At kelangan niya ng anti-titanus shot.
“Dad,tuturukan nila ako?” Bulong niya Kay Marcus.
“Yes Baby,for your protection.”
“Masakit yan Dad? Natatakot ako.” Bulong niya ulit sa nobyo habang nakaatingin sa nurse na nag pe-prepare ng shot.
“Shhh… Baby,Hindi lahat ng injection masakit,yung iba masarap din tandaan mo yan.” Idinaan ni Marcus sa biro ang pag-alo sa girlfriend. Ang higpit ng hawak nito sa kaniyang braso,pinagpapawisan at nanginginig ang mga kalamnan nito.
Lumapit na sa knila ang nurse. Isinubsob ni Lorena ang mukha sa dibdib ni Marcus.
“Relax babe.” Bulong niya sa nobya. Kitang-kita niya na nagtatayuan ang pinong balahibo sa braso nito habang ibinabaon ng nurse ang karayom.
“Galit ka ba?” Basag ni Lorena. Kanina pa walang kibo si Marcus habang nagmaneho. Tapos na sila sa hospital at nagtataka siya,iba ang kaniyang dinadaanan,Hindi iyon pabalik sa boarding house.
“Hindi. Iniisip ko lang,buti hindi malala ang pagkadulas mo sa hagnan. Alam mo bang pwdeng nabagok ang ulo mo kung tumama sa semento?” Hindi naitago ni Marcus ang pag-alala sa tinig nito. Tutok pa din ang tingin sa kalsada.
“Sorry. Nagmamadali kasi ako kanina. Iniisip ko,male-late na ako. Sungit pa naman ng Prof ko sa Statistics.” Sagot niya Kay Marcus. “Teka,bakit ka nga pala nasa boarding namin kanina. Diba usapan natin,hapon tayo magkikita?”
“Kaya ako nandun balak kitang sunduin ng maaga. Naka-usap ko c Uncle Rene kagabi,wala kayong pasok sa...


subject nya. Ipinag paalam din kita Kay Ninang Glor,sabi absent ka muna sa Physics subject mo sa kanya.”
“Ano?” Pabigla niyang tanong. “Uncle mo si Sir Cruz at Ninang mo si Mam Santiago?”
“Oo,magpipinsan cla nila mama at c Ninang naman,sya ang Ninang ko sa kumpil.” Seryosong sagot nito.
Napasandal na lang si Lorena sa kotse. Parang gusto niyang iunat ang katawan sa mga narinig.
“Bakit mo ako sinundo ng maaga? Saan ba sana tayo pupunta? Friday pa lang.”
“Umuwi sana tayo sa inyo pero sa nangyari, baka bukas na lang depende kung kaya mong magbyahe ng matagal.” Noun lumingon si Marcus sa kanya.
“Umuwi tayo sa amin? Ayoko ko nga!” Matigas niyang sagot.
“Bakit ikinakahiya mo ba ako sa parents mo?” Hinuli ni Marcus ang kaniyang tingin sa rear view mirror.
Matagal bago nagsalita c Lorena.
“Hindi kita ikinakahiya Dad. Natatakot lang ako baka mapagalitan ako ng Papa ko. May usapan kami na magtatapos ako ng pag-aaral.”
“Huwag kang matakot Babe. Haharap ako ng maayos sa magulang mo. At Hindi ka hihinto sa pag-aaral mo. Tandaan mo yan.” Kinuha nito ang
ang kaniyang kamayat pinagsalikop ang kaniyang mga palad.
“Natatakot pa din ako sa parents ko.”
“Hindi naman siguro ako tututukan ng baril ng Papa mo Babe.” Pagkuway sabi nito at dinala sa labi nito ang kaniyang kamay.
Parang may kung anong kiliti ang naramdanam ni Lorena sa ginawang iyon ng nobyo ngunit higit ang rihestro sa kaniyang pandinig ang huling sinabi nito.
“Bakit mo naman nasabi yon? Mabait naman ang Papa ko ah.” Pag tatanggol niya sa ama.
“Baby,retired Marines ang Papa mo at ngayon ay Kapitan na ng baranggay sa inyo. Ang mama mo naman,Baranggay Health Worker at lider ng Apostolada sa simbahan. Tatlo kayong mag kapatid,ikaw ang panganay at bugtong na babae.” Parang nagkwe-kwento lang nitong sabi sa kanya.
Ang kanginang gusto niyang umunat ng upon,ngayon ay napa-angat siya sa kaniyang pwesto. Nakalimutan niya ang sakit dahil sa mga narinig.
“B-bakit mo alam yan? Hindi naman ako nagkwento sa’yo?” Naguguluhan niyang tanong sa nobyo.
Tumawa muna ito bago nagsalita. “It is my rule to know my woman,baby. My woman.” Seryoso nitong sabi sabay kabig sa manibela. Papasok sila sa isang…
“Dad,ano to? Bakit nandito tayo sa isang resort?” Alarmang tanong ni Lorena nang mabasa ang signage sa malaking gate na kaniyang pinasok.
“Narinig mo ang sabi ng doktor,Hindi ka pa pwde kumilos. Kung sa boarding house ka,wala mag-aalaga sayo kaya dito kita dinala.” Paliwanag nito sa kanya.
Huminto sila sa tapat ng building,open ang harap nito at may nakasulat sa board sa gilid ng entrance,”Information”.
Pinatay ni Marcus ang makina pero hindi ang air con sa kotse. Bumaling ito sa kanya. Hinawakan siya sa mukha.
“Babe this is the best arrangement we can do until we meet your parents. Dito ka lang muna,antayin mo ako.” Hinalikan siya nito sa buhok at mabilis na lumabas ng sasakyan.
Isang maliit na cottage ang tinumbok ng kotse. Nasa pinakadulo ito ng mga hilerang cottages na nakaharap sa dagat. Pinili ito ni Marcus,gusto niyang iiwas ang nobya sa mapagsuring mga mata ng tao sa resort. Baka magtaka ang mga ito na bata pa ang kaniyang kasama,baldado and worst,naka school uniform pa. Huwag lang gumawa ng eksena ang madaldal niyang girlfriend na lahat na yata ng curiosity ay sinalo ng matalino nitong utak.
” Babe dito na tayo. Kakargahin ulit kita.” Pinakita nito ang hawak na susi ng cottage.
Tahimik c Lorena,umiikot ang tingin hanggng sa mapako ang mga mata sa dagat.
“Dito tayo matutulog? Hanggng kelan tayo dito?” Sunod-sunod nitong tanong.
” Oo,pansamantala. Bukas kung ok ka na,umuwi tayo sa inyo.”
Gagalawin mo ako? I mean,may mangyayari ba sa atin habang magkasama tayo sa cottage na yan? Inginuso nito ang single cottage na yari sa pinag samang semento at native na materials.
Bagamat nagulat sa diretsahang tanong, sinagot ni Marcus ang kasama.
“If you are thinking na ipipilit ko ang gusto ko sa isang babae,no. Sila ang kusang bumibigay. At wala sa bokabolaryo ko ang pumatong sa isang baldadong babae.”
Nanlalaki ang mga butas sa ilong at mata ni Lorena sa narinig.
So,baldado pala ang tingin nito sa kanya. Sigaw ng kaniyang isip.
Bakit parang dismayado ka? Agaw pa rin ng kaniyang inner self.
Napayuko si Lorena.
“Babe…” Tawag niya sa nobya. Natutuwa siya sa relasyon nito. May pagka-isip bata pa rin ang ang kaniyang nobya.
“Wala talagang mangyayari?” Kagat labi ito at palipat-lipat ang tingin nito sa kaniyang mukha at katawan.
“Oh baby,alam mo ba kailangan ko ng maraming elepante para lang mapigilan ang nararamdaman ko sayo? But rest assured Mahal,pag dating ng tamang panahon,ikaw mismo ang magsasabi kung dapat na kitang angkinin,okey? Sa ngayon,ganito lang muna tayo. At masuyo niyang dinampian ng halik sa nou ang nobya.
Maingay niyang kinarga si Lorena papasok sa cottage.
Sa ngayon po,hanggng dito muna. Abangan po ninyo ang last part. Maraming salamat,enjoy reading.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top