Tomorrow Again


“Maria Romela Amanda Belinda Roque ang aking pangalan, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?” Sambit ng Isang babaeng kulot ang buhok, maamo ang mukha at ito ay may maputlang balat na nakatayo sa harap ng Isang ginoo
Napatingin dito ang ginoo at ngumiti ng napakalawak “Ka’y ganda ng iyong pangalan binibini, Ako si Alexandro Maximilio Benigno Buenaventura ang taga pagmana ng buong lalawigan ng Buenaventura, ikinagagalak ko na ika’y makilala.” Hinawakan nito ang kamay at hinalikan ang likod ng palad ng dalaga.
“Maari ba kita ma-isayaw? Magandang binibini?” Nakangiting sambit nito at nakatingin ng diretso sa mga mata ni romela agad namang nag panik ang dalaga at hindi alam ang sasabihin gustuhin nam ay baka mapahiya lamang ito dahil baka hindi makasayaw ng ayos dahil sa kaba.
“Paumanhin ginoo, ako ay hinahanap na ni Ina, adiós(paalam).” Mabilis na sambit nito at nag mamadaling lumabas sa buenaventura casa
“Ano ba naman ito, bakit ko ba ginawa yon! Isang kahiya hiya ang aking ginawa!!” Pagalit na sambit nito sa kanyang sarili pagkalabas sa casa ngunit hindi matago ang kasiyahan na nararamdaman niya.
“Hinalikan niya ang aking palad!!” Masayang wika nito at naglakad na papunta sa dalampasigan upang magpahangin
“Kaakit akit talaga ang dalampasigan na ito” nakangiting wika ni romela at umupo sa tabi ng dalampasigan hindi mawala sa isip nito ang nangyari sa pakikipag usap niya sa taga-pag-mana ng Buenaventura, dahil matagal pa lamang ay siya na talaga ang iniibig ng dalaga.
Malakas ang hangin at bungad ang palubog na araw, tahimik dito at tila hampas lang ng tubig ang maririnig mo. Dahil hilig ni romela ang pag kanta kumanta ito ng kantang isinulat niya.
Lumipas man ang maraming taon~
ngiti mo’y hindi mabura sa aking isipan~
Mga mata’y kumikislap~
Sa’akin na ba~
Ang puso mong umaawit~
Pa–
“Napakaganda ng iyong boses binibini, sana’y palag—.” Sambit ng ginoong di kilanlan ngunit napatigil agad ito dahil napatayo sa gulat si romela at dahilan ng napa-atras ito at nawawalan ng balanse agad namang nahawakan ng ginoo ang kamay ng dalaga at hinigit papalapit sa kanya dahilan para silang dalawa ay matumba. Hindi maalis ng ginoong hindi kilanlan ang kanyang tingin kay romela maganda ang mga mata nito at mapula ang mga labi.
“¿quién eres tú?(sino ka)” tinulak agad ito ng dalaga dahil magkadikit ang kanilang mga katawan
“Paumanhin binibini, Ako si Alestro Kwadro Aquino Buenaventura maari mo akong tawagin na lestro. Paumanhin sa aking pag sulpot ng biglaan.” Pag papakilala ng lalaking masasabi mong napakagwapo talaga, biglang napaisip si Romela na pag siya ay nakitang may kasamang lalaki ay baka masama ang iisipin ng mga makakita lalo na’t silang dalawa pa lamang ang nandito
“está bien(ayos lang), mauuna na ako. paalam.” agad namang umalis doon si romela sa kabilang banda naman hindi mawala ang ngiti sa mukha ng ginoong lestro dahil unang kita pa lang niya sa dalaga ay nahumaling na ito sa taglay na kagandahan.
“Estupido de hoy!” (Stupido na araw na ito!)
Inis na banggit ng dalaga habang pabalik sa kasiyahan na nagaganap sa Buenaventura Casa
Napatingin si romela sa tumatakbong binibini nakilala naman...


niya agad ito at papalapit sa kanya na nag ngangalang victorina
“Binibin- hinahan–ap kan-a ng iy-ong ina kanina pa!” hinihingal na pag kakasabi nito at pawis na pawis
“Victorina, hindi kita maintindihan masyado magulo ang iyong pag kakabanggit.” Malumanay na sambit ni romela sa kaniyang kanang kamay
“kanina kapa po hinahanap ni donya romina, inis na ito at nakasalubong na ang kilay.” Sambit nito ng mas maayos at halata sa kaniyang itsura na kinakabahan at nag hahalo ang pagod.
“Bakit ganiyan ang iyong itsura binibini?” sita ni victorina sa magulong buhok at kasuotan nito kaya naman agad inayos ito ng katulong.
“maayos na ba ang aking itsura?” tanong nito tumago naman si victorina at nagpatuloy na sila sa paglalakbay papunta sa kasiyahan, nag ayos muna ito ng itsura bago lumapit kay donya romina.
“Ina.” Mahinhin na pag bati ng dalaga sa kanyang Ina
“Romela nandyan kana pala, kanina pa kita hinahanap! halika’t ika’y aking ipapakilala.” Halata ang pagkainis nito ngunit ayaw ipahalata ni donya romina sapakat maraming tao. Ayaw man ay sumama pa din si Romela dahil sa kagustuhan ng Ina na siya ay ipakilala sa mga tao. Nanatiling nakangiti si romela dahil iyon ang palaging bilin sa kanya ng kanyang ina.
“Donya Romina!” Mahahalata mo sa boses ng tumawag dito ang kagalakan na makita si donya romina
“Donya Amalia, ¿Cómo estás?(kamusta ka?)esta es mi hija romila(ito ang aking anak na si romila.)” Bungad ni danya romina kay donya amelia.
“Buen dia donya alelia(Magandang araw donya alelia)” Bati ni romela kay donya amelia
“Tu hijo es tan hermoso(napakaganda ng iyong anak.)” sambit ni donya amelia
“Gracias(salamat)” tuloy tuloy na nag usap sila donya romina at donya amelia kaya naman hindi na nila napansin ang pag alis ni binibining romela nag lakad lakad ito at nakarating ito sa mapunong lugar madilim dilim na din at sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan angkaniyang dinadaanan niya hindi ito pamiliyado sa lugar ng mga buenaventura dahil sila ay dayo lamang dito para sa maligayang salo salo sa casa.
“Nasan na ba ako?Ang lamig na.”Hindi maiwasan na matakot ang dalaga madilim dito at puro puno ang nakikita niya nag lakad pabalik si romela sinubukan nitong tandaan ang mga dinaanan niya kanina ngunit hindi ito makabalik kinakabahan na ang dalaga at hindi na niya alam ang gagawin niya, naiiyak na ito ngutit pinipigilan niya lamang.
“INA!VICTORINA! AMA!TULONG!” sigaw ni romela na nag babakasakaling may makarinig sa kaniya, malakas ang hangin at madaming nag lilipadan na insekto.
“TULONG!AYÚDAME! AYÚDAME!AYÚDAME!INA!AMA!” Malakas na sigaw nito, mabilis din ang mga hakbang nito dahil ang daming insekto na dumidikit sa kaniya hindi na nito natiis at tumakbo na sa takot
“INA!Estoy aq— AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH-” nadapa ito dahil sa malaking bato kaya naman biglanigla itong napasigaw.
Hindi na ito makalakad dahil dumudugo ang kaniyang paa
“Ina..” nanghihinang banggit nito at nawalan ng malay.
______________________________________________________________
“Where have you been?Who’s that girl?” Sigaw ng babae sa lalaking nasa kaniyang harap
“I lost while taking a picture and I saw her.” Walang ganang wika nito.
A/N:I will write a good story.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top