TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 31


What was his deep reason behind working for me? Hindi naman pwedeng nakikipagbalikan siya sa akin? Dahil sila pa rin ni Keith. At higit sa lahat pinalipas niya ng taon para gumawa ng hakbang papunta sa akin. So why now? Ano talaga ang rason niya?
Maybe… he needs more money? Pero hindi din e, dapat sa naglalakihang kompanya sa Manila siya nagtratrabaho.
He’s a licensed engineer. Bakit sa akin siya nagtra-trabaho?
O baka ayaw niyang lumabas ng Santa Alicia, at ayaw mawalay kay Keith?
Bakit sa akin siya nagtratrabaho kung mayroon naman firm sa Ylagrosa, nasa loob pa rin naman ‘yon ng Santa Alicia. Bumalik na lang siya doon, hindi ‘yong siya ang sanhi ng sakit sa ulo ko.
Nakatulugan ko ang mga tanong na ‘yon sa isip ko.
Nagising ako dahil sa tawag. Tamad akong bumangon para kunin ang cellphone at sagutin.
“Sa wakas, sinagot mo rin… I called you many times, e. Where are you, Candace?”
“Nasa bahay ako, Ate Fiya.”
“Are you busy? You’re not coming?” nahimigan ko ang pagtatampo sa tinig niya.
Napahilot ako sa tungki ng ilong ko. Dinaanan ng paningin ko ang wall clock.
Alas otso na ng gabi, hindi ko alam kung ilang oras ako natulog dahil hindi ko namalayan ang oras no’ng nakatulog ako.
“Pupunta ako, Ate.” sabi ko nang muntik ko ng makalimutan ang napag-usapan kahapon.
“Okay, Candace. See you here.” sabi niya saka ko pinutol ang tawagan namin.
Short na maong, puting loose t-shirts, at itim na flat sandals ang isinuot ko. Nakalugay ang ‘gang balikat kong buhok na pumunta doon.
“Orange juice na lang sa akin, Ate Fiya.” nakangiti kong sabi nang inayawan ko ang alok nitong wine. Wala ako sa mood uminom ng kahit anong klaseng alak ngayon.
Besides, hindi naman ako magtatagal dito. Nagpakita lang ako para kay Ate Fiya.
“Sige. Makihalubilo ka muna doon kila Diane. Hintayin mo na lang doon.” aniya saka ako tinalikuran at binuksan ang ref.
Nagtungo ako sa bakuran nila Ate Fiya, kung nasaan sila Kevin. Nasa ilalim sila ng puno ng makopa, at sa sanga no’n ay nakasabit ang isang bombilya.
Hindi pa ako tuluyang nakaupo ay nanuot na sa’kin ang malalim na titig ni Travis. Lihim akong umirap.
Pinili kong umupo sa gitna nila Diane at Kevin. Napagitnaan namin ang mesa na yari sa plastic.
“Umiinom ka po ba ng alak, Ma’am?” Nabaling ang tingin ko kay Kevin nang tanungin ako.
“Oo pero pass muna ako ngayon,” sabi ko. “Just call me Candace. Nasa labas naman tayo.” tukoy ko.
Masyado kasing pormal ‘pag gano’n.
Nag-aalinlangan niya pa akong ngitian pero kalaunan, “Naku! Nakakahiya naman! pero sige na nga, Candace.” sabi niya din sa huli.
Hindi ko na nasundan ang sinabi niya dahil kay Ate Fiya, inilapag niya ang babasaging pitcher at baso sa ibabaw ng mesa.
Gaya ng sabi ko, nasa harap ko ang isang pitcher ng orange juice.
“Salamat, Ate Fiya.” magiliw kong sabi. Nginitian niya ako bago umalis.
Pagkatapos isalin ang juice sa baso ay sinulyapan ko saglit si Travis, na nakatitig sa bawat galaw ko. Inirapan ko na naman siya.
Wala akong ibang ginawa kundi walang tigil ko siyang iniirapan sa tuwing hindi sinasadyang mapatingin ako sa kanya at mahuli ko siyang nakatitig sa akin.
Hindi niya pinuputol ang tingin sa akin kahit pa tunggain ang bote ng beer.
Bakit hindi niya na lang pagtuunan ng pansin si Diane na kanina pa siya kinakausap?
“Ikaw, Travis? Naka-ilang gilfriend ka na, pare?”
Tanong ni Kevin, matapos i-bida sa amin ang mga naging gilfriend niya. Siguro napansin niyang tahimik ang huli kaya mabilis naagaw ang pansin niya.
Biglang tumahimik si Diane sa tabi niya. Gano’n din si Carla sa tabi ko. Naghihintay sila sa isasagot niya.
Kumuha siya ng isang bote ng beer sa mesa at walang hirap niyang nabuksan ‘yon gamit ang bottle opener. Humilig siya sa sandalan ng plastic chair saka bumuka ang bibig para tugunan si Kevin.
“Isa.” Sabi niya na klaro sa’king pandinig.
Maliwanag na si Keith ang tinutukoy niya. He didn’t count me… because I’m just his past, is that it?
Past shouldn’t include in the...


present, huh?!
Humagikgik si Diane sa tabi niya. At hindi makapaniwalang umangal sila Kevin sa narinig.
“Good boy ka pala, Travis.” bungisngis ni Carla sabay hampas sa braso ni Travis.
Ngumisi si Travis. Nakalimutan niya ata ‘yong sinabi ko kanina sa opisina. Kailangan ko pa yatang ipako sa noo niya ‘yong mga salitang binitiwan ko.
“Hindi kami naniniwala sa’yo, Travis, ganyan kagandang lalaki! sus! hindi mo kami maloloko. Baka naman may pinopormahan ka lang dito kaya ka nagpapagood shot?” angil ni Hans.
Napunta ang tingin ko kay Travis. Tumungga ulit siya. Hindi niya sinagot ang tanong na ‘yon ni Kevin.
Ewan ko na lang kung may nakahalata sa kanyang tinititigan ako.
“Eh ikaw, Ma’am… este, Candace? Ilan na ang naging boyfriend mo?” tanong din sa akin ni Kevin.
“Wala.” diretsong saad ko, at taas ang kilay na tumingin ako kay Travis.
Nakita ko kung paano magkasalubong ang kilay niya, at paghigpit ng panga niya.
Gusto kong humalakhak dahil sa naging reaksyon niya.
Akala mo ha! Kung kaya mo akong itanggi. Kaya rin kitang itanggi!
“Oh!”
“Talaga, Candace?!”
“Wala ka bang natitipuhan sa mga manliligaw mo?”
“Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki, Candace?”
“Kevin! ‘yong bilin sa’yo ni Beth na inihaw na bangus, baka luto na ‘yon.” walang halong humor sa tinig ni Travis.
Lihim akong ngumisi.
Alisto na umalis si Kevin sa tabi ko.
Wala pang mga segundo ang lumipas ay nakita kong tumayo rin si Travis.
Bitbit niya ang isang bote ng beer. Akala ko aalis siya ngunit tumalon ang puso ko nang umupo siya sa inupuan kanina ni Kevin sa tabi ko.
Binalingan niya ulit ako ng tingin. Magkasalubong ang kilay niya.
Don’t tell me na alibi niya lang ‘yon para mapaalis si Kevin at palitan siya sa pwesto?
“So you never had a boyfriend, huh?” patuya nitong sabi, naglalaro sa tinig niya ang inis.
“I lost count, actually.” pagsisinungaling ko.
Kinuha ko ang basong naglalaman ng juice, at dinala ‘yon sa bibig ko.
He chuckled. “Really?”
“Yup, kaya ‘wag mo ng tanungin kung sino sila dahil baka abutin pa tayo hanggang bukas.” sabi ko sa mababang boses.
“Walang problema sa akin, Candace. Gusto kong marinig. How about we go to a quiet place?”
Umismid ako. Mga galawan mo, Gellego. Makaluma! Ito ba ang tinutukoy niya kung paano siya lumandi?
“Uy! Ano’ng pinag-uusapan niyo? Share niyo naman!” dahilan para mapatingin ako kay Diane.
“Wala.” sabi ko sa malamig na tinig. Tinapunan niya ako ng isang makahulugan na tingin samantala matamis na ngiti para kay Travis.
Isina-walang bahala ko ‘yon.
“Hey, ako diyan, e.” nakangusong sabi ni Kevin nang makitang inagawan siya ni Travis ng upuan niya.
“Kumuha ka ng ibang upuan at dito mo ilagay.” sabay turo sa pagitan nila ni Hans.
Hindi na nakaprotesta si Kevin, maski ako, nang iurong niya ang kinauupuan papunta sa’kin dahilan para dumikit ‘yong hita niya sa hita ko… pati braso ko sa braso niya.
Pinukol ko siya ng masamang tingin. Nginisian niya lang ako. Pwede naman niyang sabihin kay Kevin na palit na lang sila ng puwesto! hindi niya kailangan dumikit sa akin! o di kaya’y mas magandang bumalik siya sa dating upuan.
I don’t want to give the satisfaction on his face. Kaya inurong ko din ang upuan ko kay Carla, hanggang sa dumikit ako sa gilid niya.
“Are you okay with the space I gave you, Kevin?” tanong ni Travis.
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Travis dahil alam ko na ang kasunod no’n.
Wala pang sinasabi si Kevin ay hinila na niya ulit ang upuan papunta sa akin hanggang sa dumikit ulit ako sa kanya.
I looked around in our table. Kanina pa sila tahimik, at sigurado akong kanina pa sila nakamasid sa amin nang hindi ko man lang namamalayan.
Halos mawalan ako ng hanging iluwal nang maramdaman ko ang bigat ng kanyang braso sa balikat ko. Akmang tatayo ako nang inilang dangkal niya ang mukha niya sa tainga ko.
“Stay still…” sabi ni Travis sa malalim na boses.
Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Gusto kong isipin na gawa lang ‘to ng kalasingan niya…. at hindi ito nahahaluan ng nakaraan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top