May araw na gusto ko na lang magpaagos sa nararamdaman ko. But everytime I imagined someone’s crying because of my selfishness. Dinadagan na ako ng konsensya.
Kahit pa sabihin kong ako ‘yong nasaktan talaga… kahit ako ‘yong nagparaya… pero nakaraan na ‘yon. Humihinga kami sa kasalukuyan at sa pagkakataong ito wala akong karapatan kunin ang binigay ko noon… dahil may nagmamay-ari na sa kanya ngayon.
“So, how was in Sentro, hija?”
“Good, Mama. But it will be better if you transfer me in Maricela,” saad ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin.
“Don’t start, Candace. Para sa’yo rin ‘tong ginagawa ko.” aniya saka matikas na uminom ng kanyang orange juice.
Kasalukuyan kaming nagbre-breakfast ngayo’y umaga ng Sabado. Kuya Dartian isn’t with us, mas inuna muna ang mag-jogging. Kung sana nandito siya ay may kasama akong kumbinsihin si Mama sa gusto ko. Alam kong ayaw din ni Kuya Dartian ilipat si Ate Fiya, lalo na dahil magkalayo sila sa isa’t-isa.
Mas gusto n’on makita si Ate Fiya araw-araw kaysa sa akin sa Sentro.
Dinampot ko ang table napkin sa kandungan, at pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Naamoy ko ang aroma ng tsokolate nang salinan ni Nay Melda ang tasa ko.
“Kung gano’n, Mama. Sana payagan mo na akong maglibot abroad kahit isang buwan lang.” matamis akong ngumiti sa kanya bago ko dinampot ang tasa ng tsokolate, at dinala sa labi ko.
Humigop ako. Dumaan ang init no’n sa aking lalamunan.
Huminto siya saglit sa pagsubo ng kanin at tinignan ako ng diretso sa mata. “Gaya ng sinabi ko sa Papa mo, hindi pa sa ngayon.”
Hindi na ako nagsalitang muli. Wala naman akong mapapala kung pipilitin ko pa siyang payagan ako dahil hindi ko na mababali ang desisyon niyang iyon.
Kahit isang buwan lang para sana makalimot saglit dito sa Santa Alicia. Gusto kong makapag-isip. Ayoko dito… dahil mas lalo lang akong ginugulo ng mga binubulong ng isip ko.
At ayoko ang mga bulong na ‘yon.
Pagkatapos kumain ay nagtoothbrush muna ako sa sarili kong banyo bago umalis.
Saktong pagpasok ako sa loob ng Cariño’s Restaurant ay ‘yon din ang paglabas ni Travis. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat pero agad din nakabawi.
“Good morning.” he said huskily.
Tumango ako at pinagpatuloy muli ang paglalakad. Kumabog ang puso ko.
My poor heart… you never get what you want.
Hanggang kaya ko pang umiwas, gagawin ko.
Sa bawat pagdaan ng kamay ng orasan ay sa opisina ko lang ginugol lahat ng oras. At nang makaapak na sa lunch time ay lumabas ako. Ayokong mangyari ulit kagaya noon na magugulat na lang akong may kakatok sa pinto ko at ipaalala sa akin ang kumain.
Hindi pa ako nakaupo sa paboritong pwesto’y namataan ko si Travis sa isang grupo ng mga kababaihan. Dalawa sila ni Kevin ang nagse-serve ngunit kay Travis nakasunod ang mga tingin nila habang may ningning sa kanilang mga mata.
Umiling ako at umupo na. Hinayaan ko ang eksenang iyon ngunit hindi pinalampas ng tingin ko ang sumunod.
He’s smiling and talking to one of the girls.
Pansin ko lang sa magkasunod na mga araw ay palagi na lang siyang nakangiti sa mga babae dito! At kinakausap sila kagaya ngayon sa tabi ng mesa kung nasaan ako.
Nakita kong sinulyapan niya ako.
Ni hindi niya ako nginitian nang makita ang presensiya ko, but when it comes to other girls, he smiled sweetly.
Huh! Porket hindi ko siya pinapansin, sa iba niya ibaling ang kalandian niya. Is Keith not enough? Kailangan pa talagang humanap ng iba. Dapat may reserba?
“I’m the daughter of Engr. Ting. Pwede kang humingi ng pabor sa akin at makakarating ito kay Daddy. Just name it, Travis.” sabi nung naka-floral dress at maputing babae. Mabagal siyang magsalita, tila gustong maging malambing ang kalalabasan n’on ngunit sa totoo masakit sa pandinig. Para siyang kinakapos ng hininga.
I heard Travis’ chuckled. Hindi ako tumingin sa kanila baka mahuli pa ako sa akto, sapat na sa akin marinig silang naglalandian.
“Thank you, Jessy, pero masaya ako sa pagiging waiter muna sa ngayon.” buo ang kanyang tinig.
Hindi ko napigilan ang umismid. Yeah, he’s probably happy flirting, too.
“Pero kapag nagbago ang desisyon mong ‘yan. Here’s my calling card. Call me, okay?”
“Sure.”
Hindi ko na kailangan lingunin ang tagpuang ‘yon dahil sa narinig ko mukhang kinuha niya nga ang numero no’ng babae.
May karapatan naman akong magalit, di ba? Hindi niya pwedeng gawin ‘to kay Keith. Kahit matagal na noon, kaibigan ko pa rin siya.
Hindi ko pa nakalahati ang pagkain ko ay sinundan ko agad si Travis. Mabilis ang bawat hakbang ko para mahabol siya.
“In my office, Gellego.” sabi ko na siya lang ang makarinig nang mapantayan ko siya sa paglalakad, at nilampasan siya pagkatapos.
Ilang sandali pareho na kaming nakaupo sa sofa ng magkaharap. Nakaparte ang dalawang hita niya. Sa tuhod niya nakatungkod ang magkabilang siko, at nakalaylay ang kamay sa pagitan ng kanyang hita. Kupuna-puna ang ugat nito sa kamay.
He seems so cool in that posture, samantalang tuwid na tuwid ang likod ko at matalim siyang tinignan.
“What was that?! Are you flirting with them, Gellego? Sa oras pa ng pagtra-trabaho.” ngitngit kong sabi.
“Last time, ‘yong mga estudyante ang nilalandi mo, ngayon naman ‘yong mga babae sa labas,”...