Until We Meet Again CHAPTER 3


Until We Meet Again🌼
Author: Scrappy writer
Genre: romance
CHAPTER 3
Pagdating ko sa Mall maraming nag kukumpulan na tao.
Parang meron yata ng shooting.
Dahil may mga camera man at videographer..
Lumapit ako ng kunti sa nag kokompulang tao para makinood kung sino ang nag shooting.
Nagulat ako sa nakita ko na ang kambal ang kinukuhanan.halos nanlaki ang mata ko sa subrang gulat.
Ito talagang si Cyril kung ano ano ang pinapagawa sa kambal.gustohin ko mang magalit o mainis sa kaibigan sa nakikita sa kambal na nag eenjoy sa ginawa ay parang napalis iyon.
Bibong bibo ang dalawa habang nakatutok sa linte ng camera.
Napapapalakpak ang mga nanood,naririnig ko din ang mga puri nila..
Nakaka proud sa pakiramdam ang positive na komento at papuri nila sa aking anak na kambal.
Ang gwapo at ang ganda ng kambal na ito.komento ng isang babae.
Oo nga mare Kaso hindi kamukha ng mommy nila..
Napangiti nalang ako at hindi nalang umimik sa katabi ko na nag uusap.
Hindi naman nila ako napapasin dahil abala sila sa tsismis at panonood.
Si Cyril naman ang napagkamalang mommy ng kambal.
Nag message ako kay Cyril na puntahan niya ako saglit sa isang fast food chain sa loob ng Mall.
Wala sa plano ko na mailabas ang mga bata sa tv or di kaya sa social media ayaw ko magulo ang buhay namin.
Marami panigurado ang magtatanong tungkol sa ama ng bata.Ano naman sasabihin ko Mr,.X, mistery man.. ang ama ng bata.
Cyril naman ano bang tung pinapasok mo sa mga bata. Sa isip ko habang seryuso at nakayukong naglalakad patungo sa isang sikat na fast food chain sa loob ng mall para doon antayin si Cyril.
Sa bilis kong maglakad ay meron akong nakabungong lalaki,tumama ako sa matigas nitong braso.
Diko ito tinignan I’m sorry sir! nagmamadali lang po. Hingi ko ng despinsa sa lalaking nakabangga ko.
Sabay talikod agad.wala akong paki kung sino man ang nakabangga ko,ang nais ko lang mabilis na makarating sa paroroonan sa loob ng mall.
Diko nakita ang mukha ng lalaki nakasout ito ng black tuxedo at black loofer shoes halatang mayaman at merong bitbit na malaking kwadro na sa hula ko ay painting dahil meron akung nakita na art gallery dito sa mall.
Di na dumako ang tingin ko sa mukha ng lalaki.
Bahala na ang lalaking iyon.Basta nag sorry na ako sa kanya tapos!!giit ko sarili.
Doon ako naupo sa isang sulok ng fast food chain.
Papalapit na si Cyril malapad ang ngiti nito ng makita ako.
Di ako gumanti ng ngiti sa kanya para ipakita sa kanya na hindi ako natutuwa sa pinagawa niya sa mga bata without my consent..
Alam kasi ni Cyril ang kiliti ko at kong pano ako paamuhin pagka ganito na pinapikita ko sa kanyang ugali.
Agad itong tumabi sakin sa upuan at niyakap ako.
Sorry Ashlita! sa ginawa ko sa mga inaanak ko.nagmamakaawang tinig ni Cyril.
Pinagpatuloy nito ang pagsasalita habang hindi ko siya iniimik.
Sayang ang upportunity Mare my future iyong mga inaanak ko, sayang ang ganda at kagwapuhan kong dimo maipakita sa mundo.
So kaya ikaw na nag desisyon para sa kanila. Deriktang kong tinignan sa mata si Cyril may halo iyong galit.
Pero parang baliwala lang kay Cyril sanay na siya sa ganito.
My point Cyril.,Ayuko ma expose ang mga bata.
Lalo wala silang nakilalang ama ayukong mabully sila dahil doon.malungkot kung wika sa kaibigan.
I’m sorry Mare, besh.Ashlita diko na isip iyon..mabilis na tungon ni Cyril para na itong nagmamakaawa na hindi ako tuluyang magalit
Tama na ang paawa mode Cyril.saway ko sa kaibigan.
Nakita ko kasi na masaya ang kambal kaya...


sinunggaban ko ang offer ng talent manager.
Hayaan mo Ashlin di naman ito pangmatagalan isang Commercial lang ito di na mauulit promise sabay taas ng kaliwang kamay ni Cyril.
Promise Cyril.ulit ko sa kaibigan.
Yes promise swear diko na uulitin.
Okey.malungkot kong wika
Di kaba masaya para sa mga anak mo?
Masaya ako Cyril at proud din sa kanila.
Pero nababahala ako baka marami ang magtanong sa kanila patungkol sa ama nila.
Diko alam kong makakasagot ang mga bata pag tinanong sila..
Matalino ang kambal Mareng Abo.
Kaya nila iyon wika si Cyril.
Nagsimula ka naman sa pang aasar Cyril.huwag mo akong matawag tawag na abo?
Pero alam mo Abo! Este Ashlin meron akong nakitang lalaki na gwapo parang paģ lumaki si Ken Ashlin magiging ganun ang pigura niya.
Oo Mare.tumatango tango pa ito habang nagsasalita at sangayon sa sariling sinasabi.
Nagtaka naman ako kung totoo ang sinabi ni Cyril.
Doon ko siya nakita sa my Art gallery kanina.
Binigyan pa nga ako ng invitation.
Wala kasi doon si Ken Ashlin di ko sila na compare sa isat isat parang malaking version siya ni Ken Ashlin.Mare sabay tapik sakin na nakatulala..
Kinalkal ni Cyril ang bag at hinanap ang Invitation.
Punta tayo Mare sa Art Gallery nila marami daw magandang mga design na mga bahay doon.
Bukas iyon samahan mo ako..
Tumanggo ako na parang wala sa sarili.
Naisip ko baka nagkamali lang si Cyril sa nakita.
Baka kamukha lang niya..hindi pwede napapailing nalang ako pano pala pag makita nito ang bata?.
Bigla akong tumayo at agad na tinungo kung saan nag shooting ang bata.
Napasunod naman si Cyril na parang maguguluhan sa mga kinikilos ko.
pagdating ko sa kinaroonan ng mga bata.
Nagulat ako sa nakita may kumakarga sa kambal nakatikod ito kaya diko makita ang mukha nasa likod din si susan.
Panay ang kuha ng litrato ng camera man
Pati ng videographer..masusing nakabantay si Susan at nakaalalay sa kambal.
Sino iyong kumakarga sa bata Cyril?tanong ko sa kaibigan
Sabi kasi Mare baka siya iyong kasama ng mga bata sa commercial.sagot agad ni Cyril
Tungkol kasi iyon sa single dad napalaki ng mabuti ang mga anak.
Sakto sa story nila dahil kambal ang hinahanap nila na talent.
Ganun ba?medyo kumalma ako sa pagaalala.
Naka suot ito ng kulay yellow na t-shirt
At white na pantalon at white din sa sneakers.
Kahit nasa malayo ako nakatanaw ay halatang masaya ang mga bata pati iyong kasama nilang lalaki sa commercial.
Nakayang buhatin ng lalaki ng sabay ang kambal.
Wow Mare pang goddess ang katawan ng kasama ng anak mo sa commercial tsaka sure ako na gwapo din iyon dahil iyong mga babae nagtitilian.
Para kong nakakain ng mapakla sa sinasabi ni Cyril patungkol sa lalaking commercial model.
Hindi na ako lalapit sa mga bata Cyril ikaw nalang utos ko sa kaibigan.
Ayaw mo ba makilala ang kasama ng anak mo.?takang tanong ni Cyril.
No! Ayuko…tanggi ko
Ikaw nalang muna bahala sa Kambal Cyril. Text mo nalang ako pag tapos na ang shooting ayukong lumapit.
Ikaw nalang muna mommy nila ngayon.pakiusap ko kay Cyril.
Masayang masaya naman si Cyril sa mga sinabi at binilin ko sa kanya.feelingira talaag maging mommy ayae pa naman mag asawa.
Aalis muna ako maglilibot lang ako dito sa Mall maghahanap ako ng mga gamit.
Meron kasi tayong client na perfectionist.
Kailangan ko tapusin ang design ng bahay nila..magkita nalang tayo pag uuwi na..
Copy Ashlita ako na bahala sa kambal.
Baboo.sabay lakad ni Cyril papalapit sa mga bata.
Tumalikod ako agad at mabilis naglakad.
Nagtungo muna ako sa isang sikat na bookstore at hinanap ang mga kailangan ko…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top