VALENTINES: celebration turns to depression
✍️:trishieees
___________________________________________
“Malapit na Valentines Day babe.”
Napalingon ako sa boyfriend ko ng sabihin niya ‘yun. Malapad ang ngiti niya habang nakatitig sa akin.
“Anong gusto mong regalo sa Valentine’s day?” Tanong niya.
Napaisip naman tuloy ako. Ano nga ba?
“Wala akong gustong regalo.” Sabi ko.
Kumunot naman ang noo niyang napatingin sa akin. Parang hindi pa siya naniwala sa sinabi ko.
“Sure ka?” Nakangiting tanong niya. “Kahit chocolates? Flowers? Teddy bear?”
Umiling naman ako. “Ayaw ko ng ganu’n.”
“Eh ano?”
“Kahit ikaw na lang sa araw ng mga puso.”
Napatitig siya sa akin tsaka malapad na ngumiti. Wala siyang sinabi at tumango tango lang.
“Ikaw? Anong gusto mo?” Ako naman ang nagtanong.
“Bulaklak.”
Napakunot naman ang noo ko. “Sigurado ka ba?” Natatawang tanong ko. “Tinalo mo pa ang babae sa request mo ha.”
Tumango naman siya. “Basta gusto ko ng bulaklak babe.” Panlalambing niya. “Gusto ko tatlong bulaklak na kulay pula, ‘yung fresh pa.” Napatango naman ako. “Gusto ko ikaw mismo magbibigay sa’kin ha.”
Napakunot ang noo ko ng sobra pero agad ding napangiti ng yumakap siya sa’kin. His name is Brixton. We are 2 years in a relationship and still counting. Napamahal na ‘ko sa kaniya. Halos ayaw na namin bitawan ang isa’t isa dahil may plano na kami para sa future.
Kilala ako ang parents niya at kilala din siya ng parents ko. We are legal in both side. Marami na ang napagdaanan namin at ayaw na naming bitawan ang isa’t isa.
“Tatlong bulaklak na kulay pula, fresh flowes.”
Pagpapaalala ko sa sarili ko ng magdaan ang February 13. Naghanap ako ng bulaklak. Nakakatuwa pa dahil sa dami ng pulang bulaklak ay hindi ko alam kung ano pa ang pipiliin ko doon.
February 14. Valentine’s Day.
Pumunta ako sa paborito naming park. Dito kami nagkikita tuwing may espesyal na okasyon tulad nito. Napakunot pa ang noo ko dahil first time niyang malate. Sa aming dalawa ay ako ang paging late pero ngayon ay siya.
Naupo ako sa pwesto namin habang hawak ang tatlong pulang bulaklak. Napapatingin ako sa mga couples na gumagala.
Napalingon ako sa phone ko ng tumawag ang magulang ni Brixton.
“Hi po tita.”
[Dalian mo. Pumunta ka dito sa bahay.]
Halos dumaungdong ang kaba ko nang marinig ang pagbasag ng boses ni tita. Wala ako sa...