WALA TALAGANG SECOND CHANCES SA PAG-IBIG
(6)
________________________________________________
Sumibol ang mga munting kirot sa puso ng dalaga. Tila ba mayroong karayom ang marahang tumutusok ngayon sa puso niya habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Kilalang-kilala niya ang bulto nito kahit pa nakatalikod. Kabisado rin ni Kristine ang tindig at paglalakad nito.
“Ano ba Carlo, sabing hintayin mo ko.” reklamo ni Catherine. Napapikit naman si Kristine nang lumalim ang nararamdaman niyang kirot matapos marinig ang pangalan ng dating nobyo.
Ang nais niya sana’y makalimot at makapaglibang ngayong gabi kaya naisipan niyang pumayag sa imbitasyon ni Andrei. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa dinami-dami kase ng lugar at pagkakataon, bakit nataon pang ngayon sila nagkasabay na pumunta sa iisang lugar.
“Is there a problem Kristine?” may pag-aalalang tanong ni Andrei nang mapansin nitong natigilan ang dalaga. “W-Wala naman.” kaila ni Kristine. Gusto niya sana itong hingian ng pabor na lumipat nalang sila ng ibang restaurant ngunit nauunahan naman siya ng hiya. Ilang oras na din kase itong nagmamaneho atsaka naririto narin sila. Isa pa, hindi rin alam ni Kristine kung paano ipapaliwanag kay Andrei ang dahilan niya.
“Bahala na.” nasabi nalang niya sa sarili. Mukhang malawak naman ang loob ng restaurant kaya ipapanalangin nalang niya na sana hindi pagtagpuin ang kanilang mga landas.
Okupado na ang lahat ng lamesang nadaanan nila Kristine pagkapasok sa loob. Masasabi niyang tanyag talaga ang naturang kainan na pinagdalhan sakanya ni Andrei. Kung gaano kase kagara ang hitsura nito sa labas, dinoble pa ito dito sa loob. Kahit saan niya ipaling ang paningin, kumukutitap sa mga mata niya ang kumikinang na ginto. Hindi na rin siya magugulat kung presyong ginto din ang mga pagkain dito.
“Ladies first.” Ani ni Andrei matapos hilahin ang upuan. Sinuklian naman ito ni Kristine ng ngiti atsaka umupo. “Thank you.” sambit niya kasabay ng palihim niyang pagsuri sa paligid. Gusto lang kase ni Kristine na makatiyak na walang Catherine at Carlo sa malapit.
“Okay ka lang ba talaga? You seem tense.” Napatingin siya kay Andrei pagkatapos siya nitong punahin. Kanina pa talaga kase nito napapansin na may kakaiba sa ikinikilos ng dalaga. Masyadong conscious si Kristine sa sarili at sa paligid.
Umiling siya saka matipid na ngumiti. “Okay lang ako. Pero tense? Siguro. Medyo kinakabahan kase ako.” bahagya niyang pag-amin. Totoo naman talaga ang kaba na nararamdaman niya ngayon. Kaba dahil sa date nila at kaba rin para sa posibilidad na magsalubong ang landas niya at ng mag-asawa. Hindi niya lang kayang aminin ang huli.
Nagkibit ng balikat si Andrei. “Well, I can’t really blame you for feeling like that. Nakakatense talaga ‘pag may kasama kang kasing guwapo ko.” sinamahan pa nito ng kindat ang pagbubuhat sa sariling bangko.
Hindi tuloy napigilang mapatawa ni Kristine dahil dito. “Sobrang humble mo naman pala.” nanunudyo niyang sabi. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Andrei.”Finally. Nakita din kitang tumawa.” magiliw nitong sabi habang diretsong nakatitig sa mukha niya. Pinabilis nito ang ritmo ng puso ni Kristine na mas lalo pang bumilis matapos nitong mahuli ang kanyang mga mata. Sandali lang silang nagkatitigan dahil si Andrei narin ang naunang umiwas. “Can I ask you something?”
“Hmm.. Depende sa tanong.” matipid na napairap si Kristine nang biglang magdrama si Andrei, di kase nito nagustuhan ang binigay niyang sagot. “Para...