What a Girl wants 💕🥰
🍬 CHAPTER FIFTEEN 🍬
NAGKAKAGULO sa loob ng van dahil sa sobrang excitement. Lima sa mga manliligaw ni Claribelle ang kasama niyang a-attend sa rock concert sa MOA open ground ng bandang Phantom. Group date nila iyon at ngayon lang sila makakalabas ng mansiyon nang sabay-sabay. Para tuloy silang isang malaking barkada.
“Ngayon pa lang ako makakapanood ng totoong concert. Fan ako ng Phantoms! Rock ‘n roll!” bulalas ni Gerlan at tumayo pa mula sa upuan saka kunwari ay tumugtog ng gitara.
“Ako rin. Mahal kasi ang ticket sa ganyang concert,” sabi ni Vincent.
“Ang babaduy talaga ninyo. Normal na lang sa akin ang ganyang concert. Parang nagbubukas na lang ako sa iTunes,” sabi ni Jaime na parang walang pakialam sa mga kasama.
“Eh, di ikaw na ang mayaman,” sabi ni Dave. “Claribelle, mahilig ka rin ba sa ganyang concert?”
“Baduy rin ako kasi ngayon pa lang ako makaka-attend. Kapag nagkakaroon ng concert sa university namin, hindi ako nakakapanood dahil bantay ako lagi sa booth,” pagkukwento ni Claribelle. “Kaya excited din ako sa concert na to.”
“Hindi ba kayo nanonood ng concert ng boyfriend mo?” tanong ni Warren.
Nagkibit-balikat si Claribelle. “May kanya-kanya kaming responsibilidad.”
“Malamang, bantay din siya sa booth,” sabi ni Warren. “Sipag niyo naman. Ano bang hilig ninyong gawin ng ex mo?”
“Magbasa ng libro. Manood ng pelikula.” (Pero lahat ay pagatago.)
Pumupunta sila ni Reymart sa park para mag-picnic pero sinisiguro nilang malayo sila sa mga tao. Hindi rin sila makapanood ng pelikula sa sinehan kaya nakokontento na lang silang manood ng DVD sa bahay nila. Hindi sila normal na magkasintahan. Hindi sila ang tipo na nakakalabas para mag-date lalo na noong minor pa si Claribelle dahil ayaw siyang payagan ng nanay niya. Nang nasa tamang edad naman na ay limitado na ang mga kilos nila ni Reymart at hindi na sila pwedeng makitang magkasama ng mga tao. Pero sa mga sandaling magkasama sila ay masaya siya.
Paborito rin ni Reymart ang Phantom Band. Kaya nga excited ding manood si Claribelle. Manonood din kaya ang binata? Magkikita kaya sila?
“Sa akin ka didikit para maging cool ka,” sabi ni Jaime at pabirong inakbayan si Claribelle.
“Dito ka sa aming mga hot,” sabi ni Gerlan at hinila ang siko ni Claribelle. Kakampi rin nito ang ibang mga kasama.
“Mahahawa ka ng kabaduyan sa mga yan,” sabi ni Jaime.
“Mas baduy, mas guwapo,” kontra ni Dave.
Nagkukulitan pa rin ang mga ito nang dumating sila sa concert ground. Maraming bumati sa kanila at hindi rin nila maiwasang ma-excite dahil sa kabi-kabilang celebrities na nakita nila sa venue. Lumapit kay Claribelle ang isang babaeng komedyante.
“Ikaw si Miss Pastillas, diba? Pa-picture naman. Ang ganda mo. Kamukha mo ako noong kabataan ko.”
“Naku, eh, di ganyan din po ako pagtanda ko?”
“Oo. Pag nakunsumi ka na sa mga lalaki,” sabi ng komedyante at saka humalakhak. “Boys, tayo naman ang magpa-picture. Kunwari, pinagkakaguluhan niyo rin ako.”
Naaaliw si Claribelle na pagmasdan ang mga kasama lalo na nang hindi lang fans ang nagpapa-picture sa mga lalaking kasama niya kundi maging celebrities. Pinag-uusapan na talaga sila ng buong bansa. At dahil mas madalas nakakulong sa mansiyon, hindi nila inaasahan na ganoon kalaki ang impact nila sa mga tao. Sabi nga ni Abegail, they were celebrities in their own right.
“Everyone, mag-enjoy lang tayo. Kalimutan niyo muna ang tungkol sa show. Nandito tayo para aliwin ang sarili niyo. Group date ito. Have fun!” sabi ni Abegail na tumayo sa gilid nila. May kasama silang isa pang production assistant at dalawang security.
Mayamaya pa ay nagsimula na ang concert. Buhay na buhay na ang audience Lalo na nang lumabas sa stage ang Phantom Band na binubuo ng limang tao na nakasuot ng maskara. Walang nakakaalam ng identity ng mga ito kaya napaka-mysterious. Hindi matatawaran ang galing ng grupo sa musika. They revolutionized the rock music in the Philippines. Mula sa mga kanta tungkol sa mga kabataan, pag-ibig, environment at pagmamahal sa bansa ay kinakanta ng mga ito. Ang kamangha-mangha pa, ninety percent ng kanta ng banda ay sa Filipino pero sumikat pa rin sa ibang bansa.
“Daredevil Phantom, I am your slaveeeeeee!” sigaw ni Jaime.
“Akala ko ba baduy at sawa ka na sa concert nila,” paalala ni Claribelle.
“Wala akong sinasabing ganon, ha?” pagde-deny ni Jaime. “Idol ko sila. Rock ‘n roll! Yeah!” 🤟
“Ikay yon!” sabi ni Vincent at itinuro ang monitor.
Natutop ni Claribelle ang bibig nang makitang siya ang ipino-focus sa malaking screen.
“Whoa! Si Pastillas Girl nandito rin,” bulungan ng mga tao.
“Iba na ang sikat,” sabi ni Warren.
“Reymart!” tilian ng mga audience.
Nang tumingin si Claribelle sa monitor ay parang tumigil ang mundo niya nang makita roon si Reymart na nakangiti habang nanonood ng concert. Nandoon din ang dating boyfriend. Nasa iisang lugar lang sila. Hinihinga din nito ang kaparehong hangin na hinihinga niya. Nakita siya nito kanina. Bumilis din ba ang tibok ng puso nito nang makita siya? Alam ba ni Reymart na pupunta siya roon? Nagbabaka-sakali ba itong makita siya? Parang magkasama na rin sila dahil pareho silang ipinakita sa screen. As if they were on a date. Pakiramdam niya ay abot-kamay na lang nila ang isa’t isa.
Naputol ang pag-iilusyon ni Claribelle nang lumabas sa screen si Darling, ang ka-love team ni Reymart. Maganda nga ang babae. Bagay kay Reymart. At lahat ng tao sa paligid nila ay ang pangalan ng dalawa ang itsini-cheer. Parang sindi ng kandila na hinipan ng hangin ang saya sa puso ni Claribelle. Iyon ang realidad. Si Darling ang kasama ni Reymart. At nasa kabilang bahagi ito ng concert ground. Ibang babae ang nasa tabi ng dating boyfriend. At ang pinakamasakit na katotohanan, kahit pa mahal niya si Reymart o mahal siya nito ay hindi rin naman sila masasabi iyon sa isa’t isa. Hindi na sila. Break na sila. Hindi na niya matatawag na kanya si Reymart.
Yumuko si Claribelle at hindi na naintindihan pa ang music mula sa banda o ang kasiyahan sa paligid. Naka-focus lang siya sa kahungkagan sa kanyang puso. Wala siyang ipinagkaiba sa isang fan. Hanggang ilusyon na lang siya kay Reymart. Wala na siyang pakialam kung pumapatak na ang kanyang mga luha.
(Ayoko na talagang masaktan. Gusto kong maging manhid na lang kahit na ipakita pa uli si Reymart kasama si Darling. Okay lang ako. Okay lang ako.)
Nagulat na lang si Claribelle nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Sino naman itong panggulo na nambubulahaw sa pag-e-emote niya? Nang tignan ang cellphone ay isang text message ang...