WHAT IF MAY ASAWA KANG POGI PERO TANGA?


“Hubby I’m home!” Sigaw ko matapos maipatong sa lamesa ang mga dala ko.
Automatic na kumunot ang aking noo ng masilayan si Tyrone na kalalabas lang ng kwarto. Nagtataka ako dahil hindi nito kasama ang anak namin.
“Wifey may good news ako sa’yo.” Ngiting-ngiti itong lumapit sa akin at tinadtad ng halik ang mukha ko.
“Teka lang, nasa’n muna si baby?” Tinakpan ko ang labi nito ng akmang magsasalita na naman.
Tumingin lamang ito sa akin na parang hindi niya rin alam kung nasaan ang anak namin, “Jusko Tyrone sinabi ko namang bantayan mo ng maayos si baby ‘di ba?”
Nakanguso itong tumango.
“Oh, nasa’n na nga si baby?” Nag-aalalang singhal ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
“Uhm wifey kasi si baby,”kaagad akong napatingala sa kaniya ng marinig iyon, “Naubos na ‘yung milk niya kaya—” binitin pa nito ang sinasabi niya dahilan upang mapahilot ako sa aking sintido.
Pinaglalaruan nito ang kaniyang magkabilang hintuturo habang nakanguso.
“Kaya?” Nauubusan ng pasensyang tanong ko, “Tyrone anong ginawa mo sa baby natin?!”
“Sumali ako sa barter online kapalit ng Milk. Sabi no’ng girl ako na lang raw bahala kung ano ipapalit ko.” Nakangusong kwento nito.
“Ano ba Tyrone? si baby tinatanong ko hindi ‘yung barter-barter na pinagsasabi mo.” Naiiyak na sambit ko at halos magdabog na sa inis.
“Tungkol nga ‘to kay baby wifey. Listen to me muna kasi.” Inirapan pa ako nito, “Wife alam mo? Instead na mag-alala ka d’yan bigyan mo na lang ako ng kiss kasi first time kong nakabili ng milk para kay baby.”
Nakanguso itong...


lumapit sa akin pero muli kong tinakpan ang labi niya at tinulak ito palayo sa akin.
“Uulitin ko hubby ha? Nasaan si baby?” Mariin at nanggigil na tanong ko.
“Si baby?” Paniniguro nito.
Potang*na gusto ko na makipag-divorce.
Napahilamos ako sa aking mukha gamit lamang ang aking palad bago ngumiti ng peke at tumango sa kaniya. Alam mo ba Tyrone ang sarap mong ibalibag.
“Bogsh~ wala na. Wife naman ang slow mo. Kaya nga barter eh, si baby ang kapalit ng milk.”
Tila nanlambot ang aking mga tuhod dahil sa sinabi niya. Nanghihina akong napaupo sa sahig, hindi ko alam kung paano ituwid ang utak ni Tyrone.
“Wifey? Hindi ka ba masaya? May milk na si baby oh. Hindi na siya magugutom.” Pinakita nito sa akin ang isang kahon na puno ng packaging ng mga gatas.
“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.” Nanghihinang sambit ko habang nakahilata sa sahig, “Hubby wala ng silbi ‘yang milk mo kung wala na si baby dito.”
Kumupas ang ngiti nito ng marinig iyon mula sa akin.
“Hala? Wifey naman, bakit ‘di mo agad sinabi sa’kin?” Gulat na gulat ito habang buhat pa rin ang kahon ng mga gatas, “Kawawa naman ang mga milk na ‘to wala ng iinom sa kanila.”
Jusko nag-aalala siya sa gatas pero sa anak namin hindi. Ayoko na, suko na ako.
Hinila ako nito patayo pero walang gana ko lang siyang tiningnan,”Gawa na lang tayo ng bagong baby, sayang ‘yung milk baka mag-expired, please wifey.” Pagmamakaawa nito at nagpuppy eyes pa.
“MAMAAA AYOKOOO NAAA!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top