Adopted the Billionaire Son 💚 karugtong 💚


“Ito oh lucky me, kumain ka muna ng mainitan naman iyang sikmura mo. Pag pasenayahan mo na kong iyan lang ang maipapakain ko sayo. Alam mo naman.
Mas mahirap pa ako sa daga ngayun hehehe.”
Sabi ko sa babae habang nakatingin ito sa mangkok na may lucky me.
Sana naman kainin niya iyan, dahil pang almusal ko sana iyan bukas. Buti nga at pina utang pa ako kanina ni aling Kuring.
Kahit mas mahaba pa sa buhok ko ang listahan ko ng utang ko sa kanya.
“S-salamat.” Halos pabulong nitong sabi.
At agad nilantakan ang isang mangkok na lucky me. Hindi nama siya gutom sa.lagay na iyan, na halos sumisid na siya sa mangkok.
“Maliit na bagay hahaha.” Sabi ko naman.
At marahan na upo sa tabi ng bata.
Pinaka titigan ko itong mabuti, at talaga namang gwapo ito.
Sino kaya ang ama nito? Siguro ay gwapo din siya katulad ng batang ito.
” Ang cute mo naman baby.”
Sabi ko at inayos ang maliit nitong damit.
“Siguro kamukha mo ang tatay mo ano?”
Dagdag ko pa ng makarinig ako ng kalansing ng kutsara.
Kaya napatingin naman ako sa babae.
Nagulat pa ako ng bigla na lang nitong binuhat ang kanyang anak.
At mahigpit niya itong niyakap.
Kaya napatayo naman ako mula sa pag kakaupo ko dahil sa gulat.
“Wag kang mag alala hindi ko naman kukunin ang anak mo.” Sabi ko naman at marahang umatras palayo sa kanya.
Tumingin naman ito sa akin sandali at tinitigan ang kanayang anak.
“Ano pala ang na’ng yari sayo, bakit ang dami mong sugat at mga pasa?”
Tanong ko sa kanya at sumandal sa peder ng bahay ko.
Hindi naman ito sumagot, sa halip ay niyakap lamang nito ang kanyang anak.
“Kung may kailangan ka pa. Wag kang mahiyang tawagin ako, nga pala ako si Innocent.
Inno nalang itawag mo sa akin.”
Sabi ko sa kanya at lumabas ng silid ng…
“J-Jerish.” Pabulong nitong sabi kaya naman na patigil ako sa aking pag lalakad.
“Huh?” Tanong ko naman sa kanya.
“A-ako si Jerish.” Sagot naman nito habang nakatingin sa akin.
Na kita ko sa mga mata nito ang pag aalangan.
“Aah. Ikaw si Jerish?” Tanong ko pa dito.
Tumango naman iti bilang sagot.
“Sandali lang. Ano ba talaga na’ngyari sayo?
Bakit ang dami mong mga sugat at pasa, sinong gumawa niyan sayo?”
Dagdag ko pa at muling na upo sa kina uupuan ko kanina.
Nakita ko namang nag tagis ang mga ngipin nito sa mga sinabi ko.
Kaya naman na nahimik nalang ako.
Dahil mukha namang wala itong planong mag kweto. Sa mg na’ng yari sa kanya.
“Paano maiwan na kita ha? Inaantok na kasi ako eh.” Sabi ko sa kanya.
Dahil.mukhang wala naman itong balak na mag salita.
“S-salamat pala sa pag tulong mo sa akin Inno.” Pabulong nitong sabi.
“Ano kaba maliit na bagay lang iyon. At kahit sino naman ay gagawin iyon.” Sabi ko naman at binuksan na ang pintuan.
“Hindi iyon maliit na bagay. Dahil kong hindi mo ako nakita kanina, ay hindi ko alam kong anong mangyayari sa aming mag ina.
Kaya tatanawin ko iyon ng isang mlaking utang na loob.
Kung hindi dahil sayo ay baka nakita na ako ng mga taong humahabol at nag hahanap sa akin.”
Paliwanag nito na ikilingon ko sa kanya.
“Humahabol? Bakit sino ba ang humahabol sa inyong mag ina?”
Tanong ko naman at muling bumalik sa inaupuan ko kanina
“Ang mga taong may gawa sa akin nito. Ang taong gustong pumatay sa aming mag ina.” Sagot naman nito.
“Si Annalou at Caleb.” Dagdag paa nito.
Kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi nito.
” Sinong Annalou at Caleb?” Tanong ko naman sa kanya na ikinagulat niya.
“H-hindi mo sila kilala?” Dismayado nitong tanong. Umiling naman ako bilang sagot.
Dahil hindi ko naman talaga kilala ang mga taong sinasabi niya eh.
“Si Annalou ang asawa ni Don. Francisco at si Caleb naman ang nag iisa nilang anak. At tagapag mana. Ang angkan nila ang pinaka mayaman dito sa atin.” Paliwanag naman nito.
Napaisip naman ako sa sinabi nito. Parang pamilyar kasi sa akin yung pangalang Caleb.
Pero ang masama ay hindi ko naman ma alala kung saan ko naman iyong narinig.
Siguro dahil mayaman pala ito, kaya kilala siya ng mga tao.
“Pero bakit ka baman nila gustong patayin?”
Tanong ko.
“Dahil ayaw sa akin ni Annalou para sa kanyang anak na si Caleb. Dahil ang gusto nitong ma pangasawa ng anak niya ay si Yvonne.
Kaya gumawa ito ng paraan para pag hiwalayin kaming dala ni Caleb. Pero hindi siya nag tagumpay.
Dahil boo na ang pasya ni Caleb na ako ang papakasalan iya at hindi si Yvonne. Na lalong ikinagalit ni Annalou.
Lalo na ng malaman nitong nag dadalang tao ako. Kaya gumawa ito ng paraan para malaglag ang anak ko.
Pero matibay ang kapit ni baby, kaya hindi agad siya bumitaw sa aking sina pupunan.”
Sabi nito at masuyong hinagkan...


ang kanyang anak.
“Hanggang isang araw dumalo si Caleb sa isang kasal ng kanyang kaibigan.
Hindi ako sumama noon dahil dadalaw ako sa puntod ng aking mga magulang.
Nagulat na lamang ako ng may mga kasama si Annalou na mga kalalakihan.
At nag aabang ito sa pag dating ko sa sementeryo. Kung saan nakalibing ang aking mga magulang.
At tinangka niya akong ipagahasa sa mga kalalakihang kasama niya.Pero nakatakas ako dahil sa tulong ng isang lalaki. Tinangka kong mag sumbong kay Caleb ng araw ng makabalik ako sa mansyon. Pero nandoon si Annalou at binalaan ako nito na kapag nag sumbong daw ako kay Caleb. Ay ipapapatay niya si Caleb at ang ama nito.
Dahil sa takot ay na nahimik na lamang ako. Hanggang sa isang araw kinailangan ni Caleb mag tungo sa ibang bansa para sa kanilang negusyo. kaya naiwan na naman ako sa mansyon kasama ang demonyong si Annalou.
At nalaman kong mag tatagal ito doon ng dalawang buwan.”
Ramdam ko ang galit at takot ni Jerish, habang nag ko-kwento ito sa mga nangyari sa kanya sa kamay ni Annalou.
“Kaya nag karoon na naman ng pag kakataon si Annalou na saktan ako. At pag tangkaing patayin ang anak ko.
Pero hindi ito nag tagumpay. Kaya gumawa na naman ito ng panibagong plano
At sa.pag kakataong iyon ay nag tagumpay.siya. Dahil isang araw nagising na.lamang ako na walang ano mang saplot, sa tabi ng isang lalaking walading saplot sa katawan. At ang masaklap pa ay nag padala siya ng larawan kay Caleb. Na kung saan nakayakap ako sa isang lalaki habang kapwa kami walang ano mang saplot sa katawan.
At sinabi ni Annalou na pinalaglag ko daw ang anak ni Caleb, kaya sumama ako sa ibang lalaki.
Kaya agad bumalik ng pilipinas si Caleb, at ang galit nito ang sumalubong sa akin.
Sinabi ko sa kanya ang totoo, na ang mama niya ang may gawa ng lahat. Pero sarado na ang utak nito para pakinggan ang mga paliwanag ko. Dahil mas pinaniwalaan pa nito ang mga kasinungalingan ng kanyang ina. Kesa pakinggan ang mga sinasabi ko.
Halos mag lumuhod ako sa kanya na pakinggan niya ako. Pero ni isa sa mga sinabi ko ay hindi niya pinakinggan.
Salahip ay ipinakulong niya ako, dahil sa pag aakala nitong pinatay ko ang anak namin. ”
Umiiyak na sabi ni Jerish, habang yakap nito ang kanyang anak.
“Anong klaseng tao ba siya? Bakit mas pinaniniwalaan pa niya ang sinungaling niyang ina kesa sayo?”
Inis ko namang sabin.
“Mayaman kamo siya hindi ba? Bakit hindi niya pinaimbistigahan kong totonga ang sinasabi ng kanyang ina?
At anong klaseng pagniisip ba meron siya? Hindi ba niya na kitang buntis ka parin naman? Anong klaseng ama ba siya kung ganon?”
Inis kong sabi.
“Sarado na ang isipan niya dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Na isang demonyo.
Na walang ibang hangad kung hindi ang kayaman ng mga Sebastian.
Kaya naman bago paman ako makulong ay tumakas na ako. Para sa kaligtasan ng anak ko ay pinilit kong makaalis sa silid kung saan ako ikinulong ni Caleb. At walang ayaw niyang pinag mamalupitan.
Kahit halos ma pudpud na ang tuhod ko kakaluhod sa harapan niya. Sa pag mamakaawa na pakinggan naman sana niya ako.
Pero para akong na kikipag usap sa hangin.
Kaya nag pasya na akong tumakas kesa mamatay pa ng tuluyan ang anak kong sinasabing patay na.”
Dagdag panito.
“Kaya pakiusap Inno.Pwedi bang alagaan mo nalang ang anak ko? Dahil pag kasama ko siya ay nilalagay ko lamang siya sa kapahamakan. Iyan ang pera gamitin mo sa pag papalaki sa anak ko.
Pakiusap alalagaan mo nalang ang anak ko. Dahil alam kong sa mga uras na ito ay alam na ni Annalou na walana na ako sa kulungan na pinag dalhan niya sa akin.”
Sabi naman nito na ikinahulat ko.
“ANO?!! Hindi ko na mapigilang mapasigaw sa gulat sa mga sinabi nito.
“Alam ko kasing magiging ligtas siyansa iyo. At alam kong papalakihin mo siyang mabuting bata. Malayo sa kanyang ama na at lola na gusto siyang patayin.”
Sabi naman nito.
Napailing naman ako sa mga sinabi nito.Sabi na ngaba may dala itong kamalasan sa akin.
Pero nakaramdam naman ako ng awa sa kabila ng pangaba na maari akong madamay sa gulo nila.
“Hindi. Tutulongan kitang palakihin ang anak mo. Aalis tayo sa lugar na ito at mag papakalayo-layo sa mga taong gusto kayong patayin. Hindi ako papayag na lumaking walang kikilalaning ina ang anak mo Jerish. Wag mo namang ipag kait sa anak mo ang kalinga ng isang tunay na ina.
Alam mo kasi mahirap lumaking walang mga magulang Jerish. Kaya tutulungan kitang makatakas at lumayo sa mga demonyong iyon.”
Sabi ko sa kayan na ikinagulat naman nito.
Siguro may dahilan ang diyos kung bakit nag tagpo ang landas namin ni Jerish.
At hindi lamang iyon basta aksedente.
Marahan ko itong niyakap habang walang tigil itong nag papasalamat sa akin ng paulit ulit.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top