WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 17


Kate’s POV:
Sa kabila ng pagiging madaldal ni Michael, tuwang-tuwa siya sa sinabi ni David.
Hindi na nga sa akin bago ang reaksyon niya, dahil gustong-gusto niya na magkaroon ng papa.
Tawanan at biruan tuloy ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Ang totoo n’yan, ang cute nilang tingnan.
Para silang mag-ama dahil sa pagiging close nila sa isat-isa.
“Mama, nood naman tayo ng cartoon.”, pag-aayang bigkas ng bata.
Pumagitna pa ito sa amin ni David para lang kulitin ako.
“Ano bang cartoon ang gusto mo?”, tanong ng binata sa kanya.
“Tom and Jerry po, papa.”, mabilis na turan nito.
“Oh sige, manonood tayo. Sasamahan ka namin ng mama mo na manood ng paborito mong cartoon.”, masayang sambit ni David.
Siya pa mismo ang lumipat ng channel para maumpisahan namin ang panonood.
Bawat minuto, rinig ko ang malakas na tawa ni Michael na animo’y enjoy na enjoy siya.
At kinalaunan, bigla itong natahimik, kaya napatingin ako sa gawi niya na kung saan, nakatulog na pala ito sa balikat ng binata.
“Tulog na siya, honey. Baka pwede na tayo naman ang mag-enjoy.”, ngising sabi ni David na tila may pinaparating ito na kakaiba.
“Tumigil ka nga. Nanliligaw ka palang, tapos gusto mo agad mangyari yan.”, mahinang saad ko at binatukan ko pa siya.
Akma ko na sanang bubuhatin, ang anak ko, pero pinigilan ako ni David.
“Michael is now part of my responsibility. Kaya hayaan mong tulungan kita sa pag-aalaga sa kanya.”, wika nito at marahan niyang binuhat ang bata.
Bahagya akong napangiti habang sinusundan siya paakyat ng kwarto.
Nakikita ko tuloy kay David ang ideal type ko sa isang tao.
He’s perfect! Gwapo at may mabuting kalooban.
“Salamat.”, turan ko nang ihiga niya ang bata sa kama.
“You don’t need to say thank you, Kate. Gaya ng sinabi ko, responsibilidad ko na rin si Michael. Para ko na siyang anak. At kapag sinagot mo ako, handa akong ampunin siya para tuluyan na ako maging papa.”, seryosong pahayag nito.
“David, sobra-sobra na ang naitutulong mo. Pinatuloy mo na kami dito sa bahay, tapos naging secretary mo pa ako sa kompanya, kaya nakakahiya naman kung–“,
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinarang niya ang daliri sa aking labi.
“Mahal kita, Kate. And I mean it. So just let me do it.”, pagsasambit niya para hindi na ako tumanggi pa.
“By the way, iwanan muna natin si Michael dito.”, he said again.
Kaya nagkaroon tuloy ng pagtataka ang mata ko dahil masyadong gabi na.
“Pero walang magbabantay sa anak ko. Hindi siya sanay na mag-isa.”,
“Si yaya na ang bahala. May kailangan akong ipakita sayo.”, nakangiting sabi nito.
Agad n’yang hinawakan ang kamay ko at mabilis kaming lumabas ng kwarto.
Sa kilos niya palang, halata ko na medyo excited ito sa pupuntahan namin.
“Saan mo ba kasi ako dadalhin?”, tanong ko na sa lalaki.
Natatakot na ako sa kanya, baka may binabalak itong masama sa katawan ko.
“H’wag ka ng magtanong, magugustuhan mo rin ang gagawin natin.”,...


ngising tugon niya dahilan para magkaroon ako ng clue.
Oh my gosh!
Mukhang alam ko na ang mangyayari.
Kaya marahas kong binawi ang kamay ko para makaalis sa kamay niya.
“What?”,
“H’wag mo akong mawhat-what dyan ha? I know you.”, pagduduro ko kay David.
“Hays. Ang dumi yata ng iniisip mo.”, bigkas nito sa akin.
“Talagang madumi. Kilala ko na ang mga galawan mo. Kanina nga sa elevator, kung hindi pa bumukas ang pinto, siguro may nangyari na.”, ngusong turan ko.
Pero ang mokong na ‘to, tinawanan lang ako.
“Hahaha. Na-tempt lang ako sayo, Kate. But this time, wala akong gagawin. Pangako.”, sambit ni David at nag-promise sign pa.
So at the end, sumama nga ako sa kanya.
Sa roof top niya ako dinala, na kung saan matatanaw ko ang bilog na buwan at maraming bituin sa langit.
Ramdam ko na rin ang malamig ng hangin na dumadaplis sa braso ko.
“Come here.”, sitsit na saad niya.
Naka-upo na siya sa mismong tapat ng isang mala-microscope.
Kaya dahan-dahan akong lumapit sa binata.
“I want you to see the stars and the moon, para makita mo kung gaano ito kaganda kapag malapitan.”, pagsasabi ni David.
Walang paligoy-ligoy at tiningnan ko nga ‘yon gamit ang mala-microscope.
“Ang ganda nga.”, manghang sambit ko habang tinititigan ang bituin sa langit.
“Yeah, maganda talaga ‘yan. Pero mas maganda ka.”, turan ng lalaki.
Bahagya ko s’yang tinapunan ng tingin na ngayon ay nakatingin pala sa akin.
“Ahm, bakit mo pala ako pinunta dito?”, pagtatanong ko.
“Well, it is one of my memorable place here in my house. And to be honest, ikaw palang ang nadala ko sa lugar na ‘to.”, bigkas niya bilang sagot.
“Ako palang?”, sambit ko ulit.
Buong akala ko kasi, bukod sa akin, nadala niya na dito si Katrina.
“Yeah, ikaw palang. Dahil nung natapos ang bahay na ‘to, nando’n na si Katrina sa ibang bansa.”, wika muli ni David.
Binaling niya naman ang tingin sa suot n’yang bracelet na kaagad nitong inalis at tinapon sa malayo.
“Bakit mo tinapon? Sayang ng bracelet.”, inis kong saad sa lalaki.
“Wala ng rason para suotin ko pa ‘yon.”, kibit-balikat n’yang sabi.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?”,
“That bracelet, is a birthday gift of Katrina. Binigay n’ya yon sa akin, bago siya umalis.”, pagpapaliwanag niya.
“Oh tapos? Bakit mo pa tinapon?”, I asked him again.
“Dahil hindi ko na siya hihintayin pa. Hindi ko na kailangan na maghintay sa kanya.”, turan nito na tila walang alinlangan na sagutin ang tanong ko.
“I don’t get your point, David.”, naguguluhan na saad ko.
Kaya marahan n’yang hinawakan ang palad ko at tiningnan ako sa aking mata.
“Kate, mahalaga sa akin ang bracelet na ‘yon. Dahil nagsisimbolo ito ng pagkakabalikan namin. At kapag bumalik siya, gusto n’yang makita na suot ko ‘yon. But now, I realized na hindi ko na siya kailangan. Because you’re now enough for me.”, litanya nito na may kalambingan sa boses.
And yes, kinikilig ako sa simpleng banat niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top