KATE’s POV:
BALIK-MANILA ako.
Bumalik agad ako ng Manila kahit hindi pa ayos ang pakiramdam ko.
Nakiusap ako sa babaeng tumulong sa akin na samahan ako dahil hindi ko talaga kayang hintayin na mag-umaga.
Nanganganib ang buhay ni Michael.
Nanganganib ang buhay nito kaya hindi ko matiis na wala siyang kasama.
Namatayan na ako ng anak sa tiyan, kaya sobrang bigat sa dibdib ang mawalan.
Hindi ko nagawang protektahan si baby dahil mas inatupag ko si David.
Kaya ayoko na itong ma-ulit pa.
Michael is my life. Nung hindi pa dumating si David sa buhay ko, si Michael na ang nagpapasaya sa akin.
So in short, I can’t lose him.
Hindi naman tumagal ang biyahe sa eroplano dahilan para matunton ko ulit ang Manila.
Agad naming tinungo ang hospital na binanggit sa text.
Halos hingal na hingal akong huminto sa room na sinabi ng nurse sa amin.
Pero hindi pa man ako nakakarating do’n, nasilayan ko agad yaya namin sa mancion ni David.
Siya yata ang dumala kay Michael dito sa hospital kaya mabilis akong tumakbo palapit kay Manang.
“S-si Michael, nasa’n?”, tanong ko rito.
Kasunod ko pa rin sa aking likuran ang babae na nakilala ko sa Cebu. Siya ang umaalalay ngayon para masiguro ang kaligtasan ko.
“Manang! Sumagot ka! Nasa’n ang anak ko?! Nasa’n si Michael?! Ano ba?!”, sigaw ko na rito.
Madiin kong hinawakan ang balikat niya at inaalog-alog ito para magsalita.
But instead of answering, she cried.
Yung iyak niya, parang kakaiba ang pinaparating.
“M-manang.”, usal ko muli na nanginginig ang boses.
“M-ma’am, sorry. Sorry, Ma’am. H-hindi ko alam na malalason ang anak niyo. S-sabi kasi nung nagdeliver ng food, g-galing daw kay David yung pagkain k-kaya pinakain ko kay Michael. Ma’am, hindi ko po alam. Ang tanga-tanga ko po. Hindi ko man lang tiningnan kung maayos ba ang pagkain. Ma’am, h-hindi ko po sinasadya.”, umiiyak na wika niya.
Patuloy siyang nakahawak sa kamay ko habang humihingi ng tawad.
Lumuhod na rin siya sa aking harapan dahilan para mapasapo ako sa ulo.
Sa sobrang panghihina, napapaatras na lang ako hanggang sa makasanday ako sa pader.
“P-patay na po si Michael, Ma’am. T-tuluyan ng kumalat ang lason sa k-katawan niya. At nando’n na po s-siya sa loob.”, turan nito habang tinuturo ang isang room ng mga taong namatay na.
Parang ayokong pumasok do’n.
Kasi alam ko, hindi makakaya ng katawan ko ang makita si Michael na wala ng buhay.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang tanggapin na wala na ang anak ko.
Wala na yung bata na laging pinipikon ako.
Wala na yung bata na laging sinasabi na mahal na mahal ako.
Wala na yung anak ko.
Wala na siya.
Iniwan niya rin ako tulad ng ginawa ng kapatid niya...
kate……