YUNG KINIDNAPPED KA PERO MAGKAKASAMA KAYO MAGTROTROPA PART 2


-FLASHBACK-
BANG!*
“HINDI TALAGA KAYO TITIGIL?”
Malakas na sigaw ng boss nila na nagpatigil sa ‘min na tumawa.
Kaya wala kaming nagawa ni Liza kundi tumahimik .
Nakita ko naman si Nadine na nagpipigil pa rin ng tawa pero sa puntong ito alam kong kami na ang pinagtatawanan niya.
Tingnan natin kung di ka maihi kakatawa pag kiniliti kita .
Inabot ko yung bandang tagaliran niya.Dito kasi malapit samay ribs yung kiliti niya.
Sinagad kong kiliti yung tagalirin niya .
“PFFFFTT BOGSH HWHAHWHAHWHAHWHA”
Bumulwak yung laway niya kaya natalsikan kami.
“Yuckks”
“Ewww”
“Hwhahwha kaderi”
-END OF THE FLASHBACK-
Nakatali ang dalawang kamay namin patalikod ,ganun din ang katawan namin.Actually parang tanga tong nagtali sa ‘min ,kasi hindi naman mahigpit yung pagtali nila.Kayang-kaya ko nga to tanggalin eh.
Nasa basement kami ng bahay nato.Dito ata nila dinadala yung mga kinikidnapped nila.
“ITALI NIYO NG MAAYOS YAN,MAHIRAP NA BAKA MAKATAKAS ”
Biglang pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay ito ang boss.
“Yes boss!”
Sabay-sabay na sagot nilang lahat.
Sabi ko sayo eh siya yung boss.Pero parang may kamukha talaga siya eh.Hmmm.
“Nakss sabay-sabay yarn?Alam niyo pwede na kayong magpulis ,kung hindi kayo papasa bilang pulis ,sumali nalang kayo sa grupo ng pulang-araw o vendeta baka sakaling tanggapin kayo dun”
Suhestiyon pa ni Nadine.
“Ay oo nga no?Oum ,infairness pwedeng-pwede tapos kamukha ng leader niyo si Alakdan”
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Liza pero hwhahwha tama siya kamukhang -kamukha ni Alakdan yung leader nila.
“Hwhahwhahwha sira”
“Hwhahwhahahwa akala ko ako lang nakapansin”
Natatawang sabi ko habang nakayuko kasi nakakahiya sa kanila malakas pa naman ako tumawa.
“Napansin mo rin be?Pareho kasi silang maot yung mukha”
“Hwhahwhahwha tang-ina”
Sa pagkakataong to di ko na napigilan ang di talaga tumawa ng malakas.Sa sobrang tawa ko tumulo yung laway ko.
Shuta!
Hindi ko pa naman mapunasan kasi nakatali yung kamay ko.
“Yuck hwhahahhwhahwa kaderder hahaha”
Halata sa mukha ni Nadine na natatawa siya ngunit nandidiri sa ‘kin.
“HWHAHWHAHWHAHWA GAGO PUNASAN MO YAN !KADERI TO”
“Wag ka kasing magpatawa”
Pinunas ko sa damit ko yung baba ko .
Buti nalang mabango laway ko hwhahwhahwa.
“TAHIMIK!Nilalait-lait niyo ko ng ganyan baka gusto niyong putulin ko yang mga ulo niyo at ipadala sa mga magulang niyo”
Kumuha siya ng alak at isinalin niya sa isang baso sabay tunga nito.
-MEANWHILE-
“Bhe!”tawag ko kay Nadine na ngayon ay parang tanga’ng nakatingin sa kisame habang nakangiti.
Baliw ang gago!
“Hoy Nadine”Nakangiti siyang bumaling sa ‘kin.
“Anong tinitingnan mo diyan?”sabay tingin sa kisame pero wala naman akong nakita pwera nalang sa tatlong butiki at isang ipis na maliit.
“Saan ka pusta diyan?”
Tanong niya .
“Huh?Saan?”
“Diyan sa butiki.Pusta tayo unang makakahuli diyan sa ipis yung nasa kaliwa”
Nguso niya pa dun sa butiking pinakamalapit sa ipis.
“Hwhahwha akwn yung nasa gitna”
“Oh ?Ilan pusta mo?100 aken,sayo?”
“200 oh ano hahaha”
“Anong pinagpupustahan niyo?”
Nagtatakang tanong ni Liza .
“Bhe ,kita mo yung tatlong butiki at isang ipis ?”
Muling ininguso ni Nadine yung ipis.
Ako naman tong natatawa sa pinaggagawa namin.
“Oo ,oh anong meron diyan?Wag mong sabihing huhulihin natin yan eh nakatali tayo”
“Bobo syempre hindi.Saan yung manok mo diyan?Sa tingin mo sinong unang makakahuli diyan sa ipis ?Yung nasa kaliwa?gitna?o kanan?Saan pusta mo diyan?”
“Ayy hwhwhwhwhahwa”Sumilay ang nakakalokong ngisi ni Liza”Ayan pala pinagpupustahan niyo hahahah yung nasa gitna sa ‘kin ,masmalapit na siya sa ipis oh”
Nguso niya sa ipis na pambato niya.Tama nga siya mas malapit na yung butiki na nasa gitna kumpara doon sa dalawang butiki.
“300 pusta ko sirado”
“Sige payts”
“Sige ba”
Nagsimula na kaming mag-obserba sa hulihan na nagyayari sa pagitan ng butiki at ipis.
“Yun sige hulihin mo”
Sigaw ni Liza matching kalampag ng paa niya.
“Oh oh kainin mo na yan ”
Pagtingin ko sa wall yung pambato ko na ang pinakamalapit.Napapalibutan na ng tatlong butiki ang ipis kaya paniguradong wala ng kawala ito.
“Hahahah pano ba yan aken pinakamalapit.Sige dakmain mo na yan”
“Hahabol pa yang aken oi”
Nadine.
“Gago bobo naman nitong pambato ko ,parang tanga ayaw magdahan-dahan”
Napakagat sa labi si Liza dahil sa inis.
“Hwhahwhah guys malapit na yun akin oh”
Malapit na sanang makuha ng pambato ko na butiki yung ipis ng biglang………..
“MAY TOKO”
Sigaw namin ni Liza.
“Hoy gagi ang laki ng butiki guys oh”
Masayang sabi ni Nadine.
Hindi ko ala m kong kailangan ko bang kaawaan tong babae to o pagtatawan ko.Sa aming tatlo si Nadine ang pinakaslow at tanga.Si liza naman yung pinakamalakas tumawa at pabalang kung sumagot.Ako naman yung pianka sira-ulo at mahilig gumawa ng baliwan .
“Tanga !di yan butiki ,tuko yan”
“Oh?”Namamanghang pinagmasdan ni Nadine yung tuko. “Nangangat ba yan?”
“Try mong hawakan bhe,titingnan natin kung nangangat yan.Pag kinagat ka niyan ibig sabihin nangangagat talaga siya pero pag hindi edi gawin nating...


pet”
Seryosong saad ni Liza.
“HWHAHWHAHHWA TANG-INA NIYONG DALAWA HAHAHAHA.DINE NANGANGAT YAN,PAG YAN HINAWAKAN MO KAYA NIYANG PUTULIN ANG DALIRI MO”
“Ahhhh”
Ungol nilang dalawa.
Binalik ko ang tingin ko sa pader at saktong pagtingin ko ang pagkain ng tuko dun sa ipis.
“Ayy siya kumain?Ayy madaya hindi naman siya kasali sa pustahan eh”
“Wala na finish na”
“R.I.P sa -”
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang umepal si Nadine.
“Mga bhe ,ayun pala yung gamit natin oh”
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
Nakita ko yung mga gamit na dala namin kanina.Himalang hindi nila ito kinuha.
” Bhe picturan mo ko tapos captionan natin,
#nakidnapped
#It hurts”
“Hwhahwhahw ulol nakatali ako hahahaha pero sige try kong tanggalin”
Sagot ni Liza at inumpisahang tanggalin ang tali.
“Charannnn”
Ipinakita niya ang tali na ginamit na pantali sa katawan at kamay niya.
“Oy kalagan niyo rin ako”
Nakasimangot si Nadine.
“Teka lang picture tayo bhe”
“Hwhahwhahwa pang profile?Ay sige sige hahaha”
Nakuha na ni Liza yung camera.
“Oh ready 1,2,3”
Nagposing na ako na para bang model.
Click*
Ganda ng shot be stolen .
“Isa pa”
Click*
“Teka! teka !isa pa higpitan ko muna yung pagkatali, ang tanga kasi nung lalaki ang luwag ng pagkatali”
“Sige pumikit ka bhe”
Click*
Ipinakita ni Liza ang kuhang larawan niya sa ‘kin.At tama nga siya napakaganda ng pagkakakuha niya.
Si Liza talaga yung photographer sa ‘min eh ,si Nadine naman yung make -up artist ,ako naman yung model.
“Hoy ako rin”
Ingittera talaga tong wakwak nato.
“Sige bhe ready 1,2,3”
Click*
Sabay tingin sa kuha niyang larawan kay Nadine.
“Teka isa pa”sensyas niya ng isang daliri na ibig sabihin ay isa pa.” Hmm ,tch may mali kasi”
Click*
“May mali talaga .Ang pangit eh”
Click*
“Patingin nga!”
Pinakita niya kay Nadine yung camera.
“Eh tang-ina ka pala eh ,mukha mo yan eh!”
“Hwhahwhahwhha/Whahqhahaha”
Sabay tawa namin ni Liza.
“Hwhahwa loka-loka kanina pa panay posing yan tapos pinagtripan mo lang”
“Eh gago eh di makapaghinatay”
May narinig kaming mga yabag ng paa kaya dali-dali ibinalik ni Liza ang camera at agad tinali ang sarili niya.
“Oh pagkain niyo”
Inilapag ng tatlong lalaki kasama yung boss nila ang tatlong platong naglalaman ng pagkain.
“Eh?Ayan lang?Wala ba kayong chicken joy dito?”
“Oo nga manong sa bahay kasi with adobo at sinigang na fish yung ulam namin”
“Ay padeliver nalang tayo sa grabfood or hmm foodpanda”
“Ano bhe? Food panda?Or Grabfood?Ang alam ko mas masarap sa foodpanda eh”
Nanliliit ang mata ni Nadine na tila’y nag-iisip kung anong mas masarap.
“HE!”
Malakas na hinampas ng boss nila ang lamesang nasa harap namin.Nakaharap na kami ngayon sa ‘kanya.
“Ano ba yan kinuha -kuha niyo kami tapos walang chicken joy?”
Ani ko.
“Oo nga”
Sang-ayon ni Nadine.
“Baka walang pera bhe ”
“Hwhahwhaha gunggong”
“Hwhahwha yawa”
BANG*
“AYYYY!”
Sabay-sabay na sigaw naming tatlo ngunit natapos nalang kaming sumigaw ni Liza pero si Nadine sumisogaw pa rin.
“Ahhhhhh ayyyyy ohhhh ahhhhh omy g emegeshhhh!”
“Ok na bhe!Ok na oa naman nito”
Komento ko pa.
“Sorry finefeel ko lang yung takot.Ganito kasi nakikita ko sa tv pagkinikidnapped nila.Kailangan lakasan mo yung sigaw mo”
“Sad to say bhe walang camera dito ”
Liza .
“Alam ko pero kamukha niya kasi si Alakdan oh ,tapos kunwari tayo yung bihag ”
Ininguso niya na naman yung boss.
“HWHAHWHA GAGU BAKA BUGAHAN KA NG APOY NIYAN LOKO!”
“HAHAHAHA DI NALANG AKO MAGTALK”
“Boss tapusin na ba namin to?”
Tanong nung isa sa boss nila.
“HOY MAGSITIGIL KAYO!”
Sigaw nung isa pang lalaking nasa kanan.
“Oyyy feeling boss siya oh”
Biro ko pa sabay panuksong tingin.
“Hwhahwhahwhah tang-ina huhuhu guys yawa di na ako makahinga”
Si Liza.
“HAYAAN MO SILA ,KUNIN MO YUNG CELPHONE KO PARA MAKAHINGI NA TAYO NG PERA SA MGA MAGULANG NITO,DAHIL PAG HINDI NAGBIGAY NG PERA ANG MGA MAGULANG NITO ,TAPOS NA ANG BUHAY NIYO”
Kahit na seryosong nagsasalita yung boss nila eh panay pa rin kami tawa.
Yawa hahahaha ang pangit ng mukha niya guys.Imagine mo yung lalaking para ng tarsier sa laki ng mata tapos maitim .Hahahaha o diba mukhang tarsier hahahahaha.
“Yes boss!Tch oh ano kayo ngayon?”
Ngumisi -ngisi pa yung lalaking inutusan niya at paharap na naglakad papuntang pintuan.
“B- hahahaha bhe”
Kahit na hirap akong magsalita dahil sa kakatawa ay pinilit ko paring tawagin si Nadine.
“Oh hahahahahahb-baket?”
“Sinasabi ko sayo pagharap niyan mauuntog yan sa pintuan”
At sakto ngang pagharap niya sa pintuan ang pag-untog ng noo niya rito.
“MMM YAN TANGA”
Sabay-sabay na sabi namin tatlo.
“HAHAHAHA YOKO NAAAA HUHUHU”
“MAMATAY AKO KAKATAWA NITO TANG-INA”
Kanya-kanya kami tawa.
Si Liza as always naghahanap ng hangin.
Si Nadine nagpapadyak pa ang paa kakatawa.
Ako naman tong natumba na kakatawa.
“H-hoy tulungan hahahaha niyo ko hahahaha huhu gago”
Pero imbis na tulungan pinagtawanan lang ako ng mga animal.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top