SANDRA’s POV:
TANAW na tanaw ko mula sa bintana si David.
Nasa labas siya at nakatayo habang patuloy na humihintay sa akin.
Talagang tinotohanan niya ang sinabi kanina.
Akala siguro nito, pagbibigyan ko siya.
Of course not! I don’t want to talk to him.
Manigas siya at mangalay sa kakahintay.
“Hindi mo kakausapin?”, tanong ni Derick.
Madilim na rin kasi dahil gabi na. At sa palagay ko, dalawang oras na siyang tumatayo. Wala siyang kotse na dala at tanging motor lang na single ang ginamit niya papunta rito.
Halatang naghihirap na. Iba talaga kapag si Karma na ang gumagawa.
Hindi pa nga ako kumikilos, ganyan na agad ang estado ng buhay niya.
“Why would I? Nakaka-enjoy kayang panoorin siya.”, sagot ko naman na may demonyong ngiti sa labi.
“Gusto ko ‘yan. Hayaan mo siyang magdusa. Panigurado ako, mamaya, aalis din siya.”, turan nito habang hinahaplos ang braso ko.
“Pwede ba, ilayo mo ang kamay mo sa akin? And please, gusto kong mapag-isa.”, lingon na sabi ko sa lalaki.
“Okay. Just call me, if you need something.”, sambit niya sabay hakbang palayo sa pwesto ko.
Naiwan akong mag-isa at patuloy na pinagmamasdan si David.
Namulat na yata ako sa katangahan.
Dahil wala akong nararamdaman na awa sa binata. But instead, poot at paghihiganti ang bumabalot sa dibdib ko.
NAPAANGAT naman ang ulo nito dahilan para matanaw niya ako.
He smiled at me, like nothing happened.
Ang normal ng tingin niya, walang pinagbago.
Pero dahil gusto ko siyang insultuhin, pinatay ko na ang ilaw at sinara ang bintana.
Buo na ang desisyon ko, hindi ko siya kakausapin ngayong gabi.
Dahil bukas na bukas, sisiguraduhin ko na maghahabol siya sa akin na parang aso.
Nahiga na ako sa malambot na kama para matulog.
Hindi bagay sa maganda kong mukha ang ma-stress.
Kaya heto, pinili kong ipikit ang mata hanggang sa magising ako dahil sa sinag ng araw.
Nakabukas na kasi ang bintana kaya medyo nasilaw ako nang imulat ko ang paningin.
“Goodmorning. The breakfast is ready, Sandra.”, malambing na bati ni Derick.
Nakaupo pala siya sa may gilid ng kama ko na tila kanina pa nandito.
“Same to you. Maliligo muna ako. At pakisabi kay Manang, ihanda yung isusuot ko. I want red dress. Yung kita ang likod at kita ang cleavage.”, utos ko sa lalaki.
Agad akong bumangon at hindi siya binigyan ng goodmorning kiss.
Malabo na yatang ibalik talaga ang pagmamahal ko sa kanya. I can’t love him back anymore.
But I know the time will come, I can teach my heart to love Derick, again.
Pumasok ako sa banyo at mabilis na sumulong sa bath tub.
Nilasap ko muna ang lamig ng tubig habang iniisip ang pwede kong gawin mamaya sa kompanya.
After one hour, lumabas ako.
Pero nandito pa rin si Derick sa loob.
“Nakahanda na yung damit na gusto mo. But for now, kumain ka muna ng breakfast. Dinala ko na dito sa taas dahil ayokong mapagod ka. Kainin mo na ‘yan, lalabas na muna ako.”, mahinahon na sabi nito.
Iniwas niya ang tingin sa aking katawan na animo’y nirerespeto ako.
Alam niya kasi na magagalit ako kapag ibang titig ang nakita ko.
Konti lang ang kinain ko at nagtoothbrush agad.
Hindi na ako makapaghintay sa pwedeng maganap sa pagpasok ko muli.
I wear the dress that I want.
Sobrang bagay ito sa katawan ko at halos kitang-kita ang hinaharap ko.
Ito ang gusto kong mangyari, ang akitin si David para mamatay sa inggit si Katrina.
Aakitin ko siya hanggang sa mahalin niya ulit ako. At kapag minahal niya ako, doon ko siya dudurugin gaya ng ginawa...
hahahaahhahahha stress na c katrina