The Bitches Chapter 3


MAAGA pumasok ang asawang si Lewis sa opisina. Hinatid niya ito sa labas ng kanilang gate.
“ Bye babe” ani Lewis na dumungaw sa bintana ng sasakyan.
Hinalikan niya ito” Ingat ka sa pagmamaneho” aniya rito
Kinawayan siya nang asawa bago nito pinaandar ang kotse. Hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa mawala na ang sasakyan ng asawa sa paningin niya. Sinara niya ang gate.
Hindi pa niya tuluyan nasira ay may bomusena sa kanya napa angat siya ng tingin.
“ Sab” nakangiting tawag sa kanya ni Julia sakay sa kotse ni Brandon.
“ Hello” niluwangan niya ang bukas ng gate para makapasok ang kotse ni Brandon.
“ Ang aga naman ng dalawang ito bumisita” bulong niya sasarili.
“ Good morning!” masiglang bati sa kanya ni Julia ng makababa ito sa kotse ni Brandon
“ Good morning, na pasyal kayo” aniya nakangiti
“Ito kasi si Brandon, sabi niya na bored daw siya sa kanila. Kaya pinuntahan niya ako sa bahay. Tinanong niya rin sa akin, saan daw bahay ni Lewis, kaya pumunta na kami rito” mahaba nitong paliwanag.
Mga 5 minutes ang layo sa bahay ni Julia sa subdivision na tinirhan nila.
Lagi nadaanan ang lugar ni Julia palabas oh papasok sa subdivision na kanilang tinitirhan. Dati magkalapit lang sila nito ng bahay bago siya nakapag asawa.
“ Good morning Sab” bati ni Brandon
“ Morning too. Hali kayo pasok” nag patiuna na siyang pumasok sa loob.
Magkahawak kamay na sumunod ang dalawa sa kanya.
“ Si Lew?” ani Brandon
“Pumasok na sa opisina niya” tugon niyang pinaghanda ang dalawa ng juice.
“ Pasensiya na napaaga ata ang dalaw namin. Hindi ko rin alam na wala pala si pare Lewis” nahihiya nitong sabi
“ Okay lang. Sasabihin ko sa kanya dumaan kayo rito”
“ Ang laki pala nitong bahay niyo” puri nito.
“ Naku, sakto lang to” aniya nilapag ang dalawang baso na may lamang Juice sa center table.
“ Pag mag aasawa na tayo, mas malaki pa ang bahay natin. Saka gusto ko doon tayo titira sa rest house niyo. Diba may rest house kayo nasa tabi ng dagat?” ani Julia
Tinignan niya si Brandon nag tagpo ang kanilang paningin. Pakiramdam niya hinubaran na siya sa mga tingin nito. Napatingin siya sa kanyang sarili saka niya lang na pansin naka sout siya ng pampatulog na cream spaghetti strap top at ang terno nitong short na manipis.
“ Maiwan ko muna kayo, mag bibihis lang ako hindi ko kasi alam na darating kayo ng maaga” nahihiya niyang sabi at nag mamadaling umakyat sa itaas para maka pagbihis.
“ Ano ba naman itong si Julia, kay aga aga naman nagpunta rito wala ba itong trabaho sa kanila? Bisita niya dinala pa niya rito sa bahay” sa isip niya habang nagpapalit. Simpleng short at simpleng t-shirt ang sinout niya at nag mamadaling bumaba ng hagdanan para balikan ang mga bisita nag hihintay.
“ Bakit, hindi ka kumuha ng katulong Sab?” bungad sa kanya ni Julia ng tuluyan siyang makababa ng hagdanan.
“ Naku, hindi na kailangan kumuha ng katulong. Kaya ko naman ang trabaho sa bahay rito. Saka sanay narin naman tayo sa gawain bahay dahil mahirap naman tayo noon” aniya umupo sa katapat na upuan ni Julia.
Napansin niya ang celphone sa gilid ng kanyang inu-upuan kinuha niya iyon” e-tetext ko si Lew ha, sasabihin ko narito kayo”
Napansin ni Julia ang celphone niya.
“ Hindi kita ma intindihan Sab may pera naman kayo, pero bakit mga mumurahin ang gamit mo?”
Nakaramdam na siya ng pagka inis rito.
“ Ito naman naka pag boyfriend lang ng mayaman kung maka ano” sa isip niya.
“ Hindi kasi ako mahilig bumili ng celphone na mahal, para kasi sa akin, every year may mga bagong latest na lalabas tapos yong nabili natin noon na mahal ay nagiging mura na. Nasasayang lang ang pera.” sagot niya rito naka toon parin ang mata sa celphone.
“ Yong mga bagong labas ngayon ay yon naman ang uso” Tugon nito sa kanya.
“ Naku, ayaw kung sumali sa kasikatan ng celphone.” Saad niya dito na pigil ang inis.
“ Okay lang naman sa akin, kasi madami naman pera si Brandon” Tila ayaw nito patatalo.
Pasemply siyang tumingin kay Brandon. Blanco lang ang mukha nito.
Hindi niya ma hulaan kung ano ang inisip nito tila kay hirap basahin ng binata.
“ Wala bang plano umalis ang mga ito?” tanong niya sa sarili ng makita si Julia sumandal sa sofa, na tila ba napa ka comportable nito sa inuupuan.
“ Saan pa kayo pupunta pagka galing niyo rito?” tanong niya na baka sakali lang may nakalimutan puntahan ang dalawa ng makaalis na ito sa pamamahay niya.
“ Wala naman kaming lakad” ani Julia
Mayamaya tumayo si Brandon na tila naramdaman siya nito.
“ Alis na tayo Julia” anito
“ Hay salamat!” bulalas ng kalooban niya
Hinatid niya ang dalawa sa labas ng gate.
Sumaya ang kanyang pakiramdam ng maka alis na ang dalawa. Kung hindi lang kabastusan na wag entertinin hindi na niya ito inintertain pa. Napapagud siya sa ugali ni Julia.
KINAHAPUNAN naghahanda siya ng mailuluto para sa kanilang hapunan dahil ilang minuto nalang uuwi na ang kanyang asawa. Nagluto siya ng chicken adobo sakto ng maluto na ito ay dumating na si Lewis.
Patakbo siyang lumabas para ipag bukas ng gate ang asawa. Nagulat pa siya ng makita ang sasakyan ni Brandon nakasunod sasakyan ni Lewis
“ Ano na naman ang ginawa ni Lewis rito” himotok niya
“ Hello! Im back again” anito sa kanya ng maka baba ng sasakyan.
Nginitian niya lang ito at hinalikan niya sa labi ang asawa sa harap ni Brandon.
“ Kumusta ang araw mo?” malambing niyang tanong sa asawa
“ Okay naman, ikaw kumusta kana man rito?” malambing nitong pagka sabi na inakbayan siya.
“ Well, okay naman” aniya
“ Brandon na saan si Julia?” baling niya rito
“ Lumabas kasama ang kaibigan niya”...


tugon nitong sinabayan ng kibitbalikat.
Nagtuloy silang pumasok, agad niyang hinanda ang mesa para makapag hapunan na sila.
“ Pare, kapag hindi kayo busy, gagala tayo sa rest house namin”
Narinig niyang aya nito sa asawa
“ Oo ba. Maganda yan para naman makapag relax kami ni Sab” tugon ng kanyang asawa rito
“ Kain na tayo, dito kana mag hapunan Brandon” tawag niya sa dalawa ng matapos niyang malapag ang pagkain sa mesa.
Na unang naglakad si Lewis, “ Halika Brandon sabayan mo kami”
Umupo si Brandon sa harapan niya si Lewis naman ay sa pwesto nito sa dulo ng mesa.
“ Masarap mag luto ng adobo si Sab” pag mamayabang ni Lewis
“ Tamang tama din ito ang paborito kung ulam” nakangiti nitong sabi na kumuha ng isang hiwa ng manok.
Agad nito tinikman iyon” hmmm masarap nga” nakangiti nitong sabi
Hindi niya alam kung binubola lang siya nito.
“ Salamat” nakangiti niyang tugon.
Lihim niya itong tignan” Guwapo naman si Brandon matangos ang ilong at may pag ka gray ang mata. Sa bagay may halong foreigner ang ama nito” aniya sa sarili
“ Pero wala naman akong plano makipag landian rito. Masaya na ako sa asawa ko. Guwapo din naman tong si Lewis matangos din ang ilong mala adonis ang tindig” aniya sa sarili
“ Lumitaw lang ang kaguwapuhan ni Brandon dahil sa pagiging mestiso nito”dagdag niya sa pag-iisip
“ Hon sa merkules wala kaming pasok, baka pwedi tayong pumunta sa rest house nina Brandon” pukaw sa kanya ni Lewis
“ Oo ba”maikli niyang tugon na nginunguya ang kanin.
Nasa sala ang dalawang lalaki ng matapos itong kumain na iwan siya sa kusina nag liligpit ng marinig niya ang boses ni Julia sa labas ng kanilang gate.
Agad naman itong pinagbuksan ni Lewis.
“ Si Sab?”
Narinig niyang taong rito nang makapasok.
“ Nasa kusina”
Tugon ng kanyang asawa.
“ Babe, andito kalang pala”
narinig niyang sabi rito sa malambing na boses kay Brandon.
Mayamaya pa ay naramdaman niya ang presinsiya nitong naglakad palapit sa kanya.
Nilingon niya ito” Hi!” aniya saka muling pinag patuloy ang ginagawa
“ Sab, iinvite sana kita sa birthday ni mama bukas” anito ng malapitan siya
“ Oh, okay salamat sa pag invita” tanging tugon niya at minadali ang paglilinis sa kusina para makapag pahinga.
KINABUKASAN naisipan niyang mag punta ng grocery at para narin ibili ng cake ang nanay ni Julia sa kaarawan nito mamayang gabi.
Nilakad niya ang mall mula sa subdivision about 8 minutes lang ang layo nito mula sa kanila hindi gaano kalakihan ang mall sakto sakto lang ang laki.
Papasok na siya sa main entrance ng mall ng makasalubong si Julia kasama nito ang mga kaibigan.
“ Hey, Sab” tanging bati nito
“ Hi,Julia” nakangiti niyang sabi
saglit itong huminto” see you tonight” anito saka nagtuloy naglakad.
“ May asawa na yon?” narinig niyang tanong
Hindi pa gaano nakalayo ang groupo ni Julia kay rinig na rinig niya ang isa nitong kasama
“ Oo, pero hindi kasing yaman ni Brandon ang asawa niya”
Narinig niyang tugon ni Julia kasunod niyon ay ang pagtatawanan ng mga ito.
Hindi niya nalamang pinansin pa ang mga pinagsasabi nito. Nagpatuloy siya sa kanyang sadya sa mall. Inabot din siya ng isang oras at kalahati sa pag gro-grosery niya.
Bitbit niya rin ang cake at isang bote ng wine pauwi sa kanila. Yon ang dadalhin niya para sa nanay ni Julia.
“ HON, mag bihis kana”aniya kay Lewis kinagabihan
“ Hon, hindi nalang ako sasama kasi pagud ako” tanggi nito
Ayaw niya sana umalis mag isa pero, naka pag oo na siya kay Julia at ayaw niya rin pilitin ang asawa dahil baka nga pagud din ito dahil kakauwi lang galing sa trabaho.
“ Sige, hindi lang ako mag tatagal don. Ihahatid ko lang tong cake at ang wine” pagkasabi niyon ay nag paalam na siyang umalis para makauwi siya agad.
Hindi naman gaano kalayo ang bahay nina Julia mula sa kanila pero, sumakay na siya, sa dumaan na trycle dahil sa may bitbit siyang cake.
“ Hi! Sab” bati sa kanya ni Brandon ng makarating siya sa bahay nina Julia
“ Saan si Lewis?” tanong nito nang hindi nito makita ang asawa niya,
“ Nag paiwan sa bahay na pagud ata. Si Julia?”
Hindi pa nakasagot si Brandon na tanaw niya si Julia nakipag harutan sa mga kaibigan nito.
Tinignan siya nito kapag kuwan” tuloy ka Sab” tanging sabi nito sa kanya at muling binaling ang attention sa mga kaibigan.
“ Happy birthday aling Fe” bati niya sa nanay ni Julia ng pumasok siya at binigay niya ang cake rito.
“ Halika Sab” Sabay hila ni Brandon kanya papunta sa mesa. Parang walang plano si Julia entertenin siya.
Ilang saglit ang lumipas ay natagpuan niya ang sarili aliw na aliw sa pakikipag kwentuhan kay Brandon, natigil lang sila ng lumapit si Julia.
“ Sab, halika rito pakilala kita sa mga kaibigan ko” aya nito sa kanya
Agad siyang tumayo at sumama kay Julia lapitan ang mga kaibigan nito.
Palapit na siya sa mga kaibigan ni Julia ng bigla siyang natisud sa paa na sadyang hinarang at napasubsub siya sa harapan ng kaibigan ni Julia. Hindi niya alam kung kaninong paa iyon. Pero isa lang alam niya ay hiyang hiya siya dahil pinagtatawanan siya ng mga kaibigan nito.
Hindi niya maintindihan ang ugali ni Julia. Kaya ba ito nakikipag kaibigan sa kanya ay para inggitin siya kung ano ang meron rito? Para gawin siyang ka-kumpetensiya nito? Kaya ba siya ininbita para gawin katatawanan? Halo halo ang kanyang emotion.
Kalma siyang tumayo mula sa pagka subsub.
“ Are you okay Sab?” alalang tanong ni Brandon ng malapitan siya.
” Yes I’m okay” mahinahon niyang tugon.
Walang pasabi sabing lumabas siya ng bahay.
“ That’s it! You bitch!” galit niyang bulalas habang naglalakad pauwi sa kanila.
“Gusto mo ng show? Ibibigay ko sayo” nanggigil niyang sabi sa sarili.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top