When a Single Mom meet the HOT CEO Chapter 7


Chapter 7 (When a Single Mom meet the HOT CEO)
By: Merna Bonto
Kate’s POV:
Nakatunganga ako ngayon sa loob ng kotse habang katabi ang aking anak.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa katawan ni David at talagang ‘yon ang sinabi niya.
But I know, ginogoodtime niya lang ako.
O ‘di kaya’y ginawa niya ‘yon para isipin ng mga tao na nagmamahalan kaming dalawa.
Pero teka? Bakit ko nga ba iniisip ‘yon?
Hays! Ang gulo ko rin noh?!
“Bakit ba kasi tinawag n’ya akong my wife? Nalilito tuloy ako.”, inis kong sambit dahilan para matawa ang binatang nagmamaneho.
“Hindi ko sinabing tumawa ka.”, mataray kong turan.
But still, nanatili s’yang nakangiti.
Kahit nasa likuran kami nakapwesto, nakikita ko pa rin ang awra ng mukha niya dahil sa salamin.
“H’wag ka ngingiti, para kang asong ulol.”, bigkas ko ulit nang masilayan ko ang pasulyap niya sa akin.
“Mama, bakit po kayo ganyan kay papa? Gwapo kaya si papa David. Hindi ka ba na-inlove sa kanya?”, sambit ni Michael na tila nahalata ang kasungitan ko sa lalaki.
Minsan, napapaisip ako, kung ilang taon na ang anak ko?
Like, hello? Ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, hindi akma sa edad nito.
In short, ang dami n’yang alam pagdating sa pag-ibig.
“Baby, pwede bang tumigil ka sa kakatanong mo?”, mahinahon na saad ko.
“Sabi kasi ni teacher, kaming mga bata, hindi nagsisinungaling. So ibig sabihin, pogi talaga si Papa. Kaya nagtataka ako, kung bakit hindi mo makita ang kagwapuhan niya.”, muli nitong wika na hindi man lang nabulol.
Napasapo na lamang ako sa aking noo at piniling tumahimik.
Kahit anong pakikipagtalo ang gawin ko, sa huli, si Michael pa rin ang panalo.
Masyado s’yang madaldal, kaya nga, pati si David, ramdam ko na nasisiyahan siya sa bata.
Kung sabagay, mas kampi ng anak ko ang mokong na ‘to
Daig pa nila ang totoong mag-ama dahil sa closeness ng dalawa.
___
Nahinto ang kotse ng binata sa isang malaking bahay.
Halos mahilo naman ako nang tingnan ko ang kataasan nito.
Kahit sinong tao, mapapanganga ng husto kapag nakakita ka ng ganito kalaking mancion.
Oo, mala-mancion na nga ang datingan ng bahay ng lalaki.
“Grabe papa! Ang yaman mo!”, saad ni Michael na ngayon ay buhat na ni David.
“Syempre, ganito kayaman ang papa mo....


At balang araw, dito mo na rin dadalhin ang babaeng mamahalin mo.”, wika nito sa bata.
“Hoy, ‘wag mo ngang turuan ng ganyan ang anak ko. Kaya lumalaki siyang pasaway dahil sa mga naririnig niya sa matanda.”, tapik na turan ko sa binata.
Hindi pa nga tuli ang baby ko, pag-gigirlfriend na agad tinuturo niya.
“Ano bang mali do’n? Sinasabi ko lang ang magiging future niya para hindi na siya magtanong pa. And correction, ANAK NATIN.”, saad nito na madiing sinambit ang huling kataga.
Nagsalubong tuloy ang kilay ko dahil sa kakaibang trip niya.
“H’wag mong seryosohin ang laro, David. Tapos na ‘yon. So don’t you dare, call him as your son!”, turan ko rito.
Nagtama ang paningin namin dahilan para ako mismo ang agad na umiwas.
“Pa’no kung sabihin ko na hindi na ‘yon laro?”, kalmado n’yang tanong.
And because of that, pumintig bigla ang puso ko. Pintig na sobrang bilis na tila hinahabol ako ng kabayo.
“Gusto ko maging ama ni Michael. Gusto kong tawagin niya akong papa.”, mabilis nitong wika.
“Anong kalokohan ‘yan?”,
“–Nabibigla ka lang yata, David. Kaya itigil mo na ang pinagsasabi mo.”, saad ko sa binata na hindi siya hinaharap.
“I’m just being kind, Kate. Hindi ako madamot pagdating sa ganito.”,
“–Halata naman sa anak mo, na gusto niya ako maging papa. Bakit ‘di mo na lang siya pagbigyan?”, pahayag nito na lalong kinagulo ng utak ko.
“David, nag-iisip ka ba ng maayos?”, sakrastikong tugon ko.
“–CEO ka ng kompanya. Binatang-binata sa paningin ng lahat. Tapos gusto mong maging tatay ni Michael? For what?”, I asked him.
“Para mabuo ang pamilya na pinangarap niya. As simple as that. Mahirap bang intindihin ‘yon?”, seryoso niyang sagot.
Napapikit na lamang ako ng mata para magproseso sa isipan ko ang sinasabi niya.
Mukhang guguho yata ang mundo ko dahil sa pagpayag ko sa offer niy.
Nagiging mabilis ang pangyayari.
“Mama, tama po si kuyang pogi. Gusto ko siya maging papa.”, bigkas ni Michael.
“Pero–“,
“You heard it, right? Sa kanya na mismo galing ang pagpayag. So just respect your son’s decision. Or should I say, our son’s decision.”, huling sambit niya at tuluyang pumasok sa loob habang bitbit ang bata.
Naiwan ako na puno ng pagtataka dahil sa kinilos ng lalaki.
“Naka-drugs ba siya?”, ang tanging nabigkas ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top