You Change my Life
Genre; Romance
Author; @CuteAngel222890
Chapter 3,
R.A POV;
“Let’s Go…….☺️☺️☺️☺️”
Hindi ko namalayan ang oras, malapit na pala gumabi.
Masyado ako nadala ng mga isipin at problema,
dagdag pa ang kakaibang pagkilos ni Maricar.
Naisip at natanong ko rin sa sarili ko, kung mahal nga kaya niya ako?
Bakit ganun siya umasta? parang baliwala lahat sa kanya.
Di ko alam kung nag kulang ba ako sa kanya,
o hindi kaya, baka may nagawa akong pagkakamali kaya siya nagkaka ganun.
Medyo madilim na ng makarating ako sa bahay namin.
Wala pang ilaw, parang walang tao.
Pagpasok ko sa loob,
at pag buhay ko ng ilaw, tumambad sa harapan ko ang tatlong lalaki,
ang tiyahin ko at ang kapatid ko na nasa isang tabi.
Lahat sila ay sa akin nakatingin.
“Tiya, anong meron….?
Sino sila…? Bakit sila nandito…?”
“R.A, k-k-kasi, na-natalo ako sa sugal umabot ng kalahating milyon.
Bali nagka-utang utang ako sa kanila sa loob ng isang buwan.
Di ko naman kasi akalain na abot ng ganun kalaki.”
Habang pinagmamasdan ko ang aking tiyahin putlang putla na ang buong mukha niya,
parang iiyak na at parang tatakbo ang itsura niya.
Hindi maganda ang palagay ko sa mga ganitong eksena,
kinakabahan na rin ako na parang hindi magandang mangyayari.
“Tiya ano ba naman kayo….?
Ba’t naman ganito…?
O, eih saan tayo kukuha ng ibabayad sa kanila?
Kahit gawin kung araw ang gabi para magtrabaho, hindi ko kayang kitain
ang kalahating milyon.”
“Wag mo ako pinagsasabihan!
Baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa akin nasa kalye kayong magkapatid!!!
Walang utang na loob ahh…!!!”
“Pero tiya!
anong gagawin ninyo?
Lubog na lubog kayo sa utang! Maaari kayong makulong….!!!”
“Hindi….!
Kahit anong mangyari, sasabihin ko sayo
R.A hinding-hindi ako makukulong..!!! tandaan mo iyan…!!!”
“Ehmmmm…,,,,
Wag nyo kame kalimutan nandito pa kami..!!!”
Napatingin ako sa tatlong lalaking nasa harapan ko.
“Ano bang kailangan ninyo sa amin? Wala ho ako ang ka pera pera
ngayon.
Hindi ko kayo mababayaran,
siguro bigyan ninyo ako kahit limang buwan, baka sakali
mabayaran ko kayo.
Pero pasensya na ho kayo pag ngayon wala kayong mapapala sa akin.”
“Sa’yo wala pero sa kapatid mo meron.”
Pagkasabi ng lalaki ng mga salitang iyon,
at pag ngisi niya, nangilabot ang buong
kung katawan.
Ni sa panaginip di ko maisip na ang kapatid ko ay magiging pambayad utang.
“Ano ang ibig ninyong sabihin..?”
“Sa palagay ko,
alam mo na ang ibig kong sabihin.
Pero
wag kang mag-alala,
May pang ultimatum naman ako sa’yo.
Bibigyan kita ng dalawang linggo!!
Kailangan mong bayaran kame
sa loob ng dalawang linggo.
Kung hindi mo kame
mababayaran ang kapatid mo ang maging kabayaran.”
Walang pumasok sa utak ko sa mga oras na ito.
Bigla bigla ako sa mga pangyayari.
Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
Napasulyap ako sa kapatid ko, nanginginig siya at lumuluha pero tahimik pa rin siya sa isang sulok.
“Sige…!!!!
Oo naman…!!!, Tinitiyak kosa inyo pag tapos ng dalawang linggo,
Ang batang ito ay sa inyo na.”
Doon biglang nagpanting ang tainga ko.
Gusto ko ng tudas*n ng tiyak ko.
Kung di nga lang masamang pumatay.
Siguro ang tiya ko
ang kauna-unahang kung napaslang.
“Teka naman ho tiya,
mawalang galang na ho!
Kahit na di naman talaga kayo kagalang-galang.
Wala ho kayo karapatan na ipambayad utang ang kapatid ko.
Oho tiya,
patira niyo kami dito sa
pamamahay ninyo!
Pero hindi niyo po kami pakain!!!
…
Wala ho kayong karapatan……!!!”
“Nandito pa kami sa harapan ninyo!
Wag na wag ninyo susubukang umalis.
Hindi niyo kami matatakasan!
Oras na tangkain ninyung takasan kami mamamatay kayo!
….
Meron ka namang option bata!
Simple lang!
Di namin kukunin ang kapatid mo, pero ikaw ang magiging kapalit.
Yun nga lang,
Kailangan mong magpaka babae.
Pero syempre….,,,,
kapag nakatikim ka,
Sigurado akong magiging babae kana hahahahah……”
Pigil na pigil ako,
gustong gusto ko silang saktan.
Pero alam ko sa sarili ko na wala naman akong kalaban laban.
Umalis sila ng masaya,
samantalang ako parang wala ng kapag ang pag-asa.
Nanlalambot ang mga tuhod ko at sa isang saglit pa di ko na magawa pang tumayo.
Napalupasay nalang ako sa kinatatayuan ko, lahat ng lakas ko bigla nalang naglaho.
Natauhan lang ako ng yakapin ako ng kapatid ko na walang tigil sa pag-iyak.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Di ako papayag na maging pambayad utang ang kapatid ko.
Kahit ano gagawin ko malampasan ko lang ang pagsubok na ito
di ako susuko…..!!!!!
“Ohhh…!!!
Papano..,, bahala ka na R.A ha..!
Aalis na rin ako sa bahay na ito,
Dahil na ibenta ko na rin naman to ng bahay.
Saka di naman ako ang habulin at babantayan ng mga sindikato na iyon,
kundi kayong mag kapatid.
…
Pirmado ko na ang kasulatan,
Na pina ampon ko na ang kapatid mo sa kanila.
Kaya wala ka nang magagawa pa….
Goodluck nalang sayo!
Sanay makahanap ka ng pera.
Hahaha….. Hmph…!!!”
“D*m*nyo ka tiya!!!!”
Di ko na pigilan ang sarili ko, dahil nagdilim ang paningin ko.
Sinugod ko siya at sinakal,
Kahit anong pagpipiglas niya,
ay di ko binitawan ang pagkaka sakal ko sa kanya.
Ang alam ko lang gustong gusto ko na siyang tapusin.
“Ate tama na!!!!
Di na natin mababago ba ang sitwasyon!
Kapag na patay mo siya maaari kang makulong!
Papaano ako?”
Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa leeg ni tiya na halos di na humihinga.
Pinagmasdan ko ang maamo at inosente ng mukha ng aking kapatid.
Awang-awa ako sa kanya,
Lahat ay kaya kong gawin wag lang napariwara ang buhay niya.
Binitawan ko ang tiya ko na halos di na makahinga at ubo ng ubo dahil sa pagkaka sakal ko.
“Wala kang utang na loob!!!
Pagkatapos kitang patuluyin sa pagmamahay ko.
Ito pa ang igaganti mo sa akin!!!
Pagkatapos ng dalawang linggo tingnan ko lang kung
ano ang kahihinatnan ninyong magkapatid.
Mga walang hiya!!!!
Pweee!!!!
Diyan na kayo!!!!”
Ang kapatid ko na si Zhaira ay labing limang taong gulang pa lamang napakabata pa niya.
Halos walong taon lang siya ng maaksidente ang aming mga magulang.
Napasama noon ang bus na sakyan nila sa karambola.
At sa kasawiang palad kasama sila sa mga namatay.
Labing tatlong taong gulang lang ako noon,
sa murang edad, alam ko na,
na ako na lamang ang asahan ng kapatid ko.
At ng mailibing ang aming mga magulang,
Kinuha kami ng tiya ko
na kapatid ni papa para alagaan.
Pero nung nasa puder na niya kami,
Dalawang linggo lang ang pinakita niya ng kabaitan sa amin.
Inalila niya kami, at sa murang edad natuto ako magbanat ng buto.
Wala akong
pinipiling trabaho, ang mahalaga kumita, makakain, at mabuhay kaming mag kapatid.
Malalim na ang gabi,
Mahimbing na rin ang tulog ng kapatid ko.
Habang ako heto nag-iisip ng paraan kung saan nahanap ng ibabayad sa utang ng tiya kung walang konsensya.
Kinuha ko ang pitaka ko at tinignan ang laman.
Wala pa itong gaanong bawas,
Dahil di natuloy ang date namin ni Maricar.
Kulangan onse mil.
Buti na nga lang di natuloy ang date namin,
Kung hindi tiyak na barya na lang ito ngayon.
Pero paano ko kikitain ang kalahating milyon sa loob ng dalawang linggo…?
Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera? Hayyyssstttt……
Kailangan narin naming umalis sa bahay na ito dahil na ibenta na rin ito ng tiya.
Ano kaya kung tumakas kami at umuwi sa probinsya?
Tama! Yun lang ang tanging paraan para di mapahamak ang kapatid ko.
Bukas pag kasundo ko sa syota ko,
Magpapaalam na ako sa kanya.
Sana walang maging aberya sa plano ko.
……KINABUKASAN……
Nandito ba ako sa ospital pero pagbukas ko ng dito wala si maricar sa kwarto.
Sabi ko naman sa kanya susunduin ko siya eih.
Nagtanong ako sa isang nars na dumaan.
“Miss nakita mo ba yung pasyente dito? Ngayon dapat siya lalabas pero di ko naabutan.”
“Yes ma’am, ayst.. Sir… Sir pala,
Sinundo siya ng isang lalaki kanina dito.
I think boyfriend yata.
Super sweet Kasi nila.”
(Kinikilig pa yung Nars habang nag sasalita.)
“Ano! Miss ako ang syota nun!
Sinong...