THIRD PERSON
“Besh.. Hindi ako aatend kaya Wag ka na ding pumunta please.” nag mamakaawang saad ni Yana sa kaibigan nang sumapit ang ala sais ng hapon ito na kasi ang oras para tumungo ang lahat ng mag aaral sa Stadium.
“Bigyan mo kasi ako ng dahilan? “umaarya ang kuryosidad ni Hayasein kaya’t kahit ayaw nyang tumungo doon ay gumayak sya dahil nag babaka sakali sya na sabihin ni Yana ang dahilan kung bakit ayaw sya nitong padaluhin sa party na iyon.
“Besh maboboring ka lang don! ” pangungumbinsi pa ni Yana pagka kita sa kaibigan na nakasuot na ng dress.
“kung hindi mo sasabihin ang dahilan ay aalis na ako. ” pananakot na aniya pa.
Nang wala syang natanggap na pagtutol ay naglakad na sya palabas ng Unit nila. Mabigat syang napabuntong hininga dahil mukhang napasubo sya sa desiyong ito.
May kataasan ang takong ng puting sandalyas nya ngunit hindi ito naging hadlang para masira ang postura nya, sumasabay sa bawat pitik ng bewang nya ang pag indayog ng mahaba at ikinulot nyang buhok.
Malayo pa lamang sya ay naririnig na nya ang napaka lakas na musika na nanggagaling sa lugar ng pagdadausan ng Party.
Sa sandaling minuto ay narating nya ang Entrada ng Lugar napahanga sya dahil sa pag kakaayos nang Stadium na halos mag mukha na talaga itong mamahaling Barr dahil sa pagkakadisenyo.
Sa pagitan ng pag hanga nya ay hindi nya inaasahan na tatapat sa kanya ang Spot light dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat, lalo na ang taong naka upo sa Sofa kung saan halos nakatapat ang pwesto sa mismong bukana ng Daan.
Naningkit ang mata ni Eight nang nakita nya kung anong klase ng damit ang suot ng babae, ayaw nya mang aminin ngunit napawi ang pag nanais nyang gantihan ito sa pag kakasipa sa mukha nya nung araw nang enrollment.
Malaya nyang na pagmasdan ang magaganda at mapuputing binti nito, tumaas ang tingin na iyon hanggang sa hita ng dalaga patungo sa balakang nyang kumukorte ng husto dahil sa suot nitong Bestida dahilan upang mapalunok si Eight ng ilang ulit.
Nilampasan nya ang katawan nito at pinakatitigan kung gaano kaganda ang babae, napagtanto nya na sa ilang ulit nilang pag kikita ay mukhang ngayon nya lamang ito natitigan ng Husto.
‘Stupid Goddess.’
Palihim syang napangisi dahil sa panibagong palayaw na naisip nya.
huminto ang mata nya sa labi nito. “Tignan mo nga naman, biruin mong ikaw pa ang nakakuha ng unang halik ko? ” nawala ang ngising iyon ni Eight at napalitan ng pag kagulat matapos mag tama ang pares ng Mata nilang dalawa.
Napataas ang kilay ni Eight kasabay ng pag lunok ramdam na ramdam nya ang mabilis na kaba sa dibdib nya.
‘Papatayin talaga kitang babae ka! ‘
samantala ang babae ay matalim syang tinignan wala syang kaalam-alam na sya ang kauna-unahang nakapag pa kaba sa lalaking pinakatitigan nya.
Pilit na iginala ni Eight ang paningin nya para hindi mapunta kay Hayasein ang Atensyon nya hanggang sa mapansin nya ang mga myembro ng Black Phantom na naglalakad papasok sa Party.
kinuha ni Eight ang phone nya at kaagad na tinawagan si Ivo at Raizen.
“Mag Handa kayo, nandito sila. ” saad ni eight sa Linya.
” Sya ang pakay nila, bantayan mo ng maigi yang babae mo Ivo. ” pahabol na anito pa.
Kalmadong nagmamasid si Eight sa paligid pero nawala yon nang lapitan sya ni Thalia.
“Let’s Talk.. “anito
“Mag salita ka na. ” walang emosyong saad ni Eight.
“Not here! Sa tingin mo magkakaintindihan tayo dito?” galit na saad ni Thalia.
Siniringan lamang sya ni Eight bago tumayo sa kinauupuan.
Sa Kabilang banda~
“Cutie? ” kaagad na napatigil si Raizen sa pag sayaw nang matanaw nya ang babaeng kasama ng kaibigan. Nag lakad sya palapit dito. “Naks, akala ko ay ibang tao ka.. Ibang-iba kasi ang itsura mo ngayon kaysa nang sipain mo si Eight. ”
Napangiwi si Hayasein nang mapagtanto nyang si Raizen pala ang kumakausap sa kanya.
“hahahaha”umugong ang malakas na tawa ni Raizen ” mag papakilala ako ulit ng maayos sayo. Ako si Rain Aizen Monte Verde. ” inialok nito ang palad nya kay hayasein para sa Shake hands.
“Pasensya kana, hindi kasi ako mahilig makipag kamay lalo na sa mga preskong gaya mo. ” maangas na saad ni Hayasein na kaagad ikinangisi ni Ivo.
‘ang simple at Soft hearted na tulad nya ay paniguradong malalagay palagi sa Gulo pero naka paloob dito ang isang matapang at may paninindigang kaibigan. ‘ iyon ang nasa isip nya habang pinapanuod ang bawat pag galaw ng babae.
“Lalabas muna ko hihintayin ko si Yana. ”
“Yung babaeng maliit? “tanong ni Raizen.
“hwag kang manglait dahil alam kong 5’8 lang ang height mo!” naka taas ang nguso na Saad ni Hayasein.
“Samahan kita? “alok ni Ivo.
Umiling si Hayasein. ” Hindi na kaya ko naman mag isa. ” saad nito.
“basta tawagin mo lang ako kapag may problema. Okay? ” ani ivo.
Tumango na lamang si Hayasein kahit na awkward ang dating noon sa kanya.
Naglakad-lakad sya sa malawak na damuhan sa labas ng stadium, natanaw nya ang gilid na may hagdan pataas sa Stadium. ” mukhang masarap ang hangin don.. ” nakangiting saad nya.
Naglakad sya at akmang tatapak sa unang baitang ng hagdan ngunit napatigil sya matapos nyang makarinig ng boses.
” umuwi ka galing sa U.S at inuna mo pang makipagkita sa kaybigan mo kaysa i-inform ako!...
iintindihin ko nalang po next na po
bakit po may manga gropu ang dami kasi hindi ko maintindihan ehhh no hate po ahh pero ang ganda basahin hehehe next po