ANG BUHAY NAMING MGA ASO
[WRITTEN BY_BINIBINING_MIN]
Ang buhay namin rito ay Di ko maipaliwanag, Nagtataka rin kung bakit nila ako inaalagaan. Mahal ba ako ng mga tao? Siguro dahil mabait ako at Maamo. Ngunit, bakit ako lamang? Nasaan ang aking mga kapatid?
“Papa!! Wag mo namang kunin si snow! Kawawa naman sya pag binigay mo sa kapit-bahay!!” Iyak na sabi ng aking amo. Maliit na amo pa siya ngunit may puso. Di ko alam kung anong pakay nila sa aking kapatid ngunit siguradong ligtas naman siya.
“Tumigil ka Bria! Palamunin lang itong asong to! May isa pa namang natira!” Sigaw ng malupit na amo. Tumulo ang mga luha ng maliit na amo at pilit na Hinahatak ang aking kapatid.
Ilang araw na ang lumipas, Ay Kami’y naubos. Ako na lamang ang natira sa aming munting palasyo. Nakakalungkot, Wala na sa aking tabi ang aking mga kapatid, ngunit Tinatawag ako palagi ng aking maliit na amo! Masaya at masigla siya! Lagi niya akong pinapakain at Pinapatulog. Ramdam ko ang pagmamahal niya saakin. Hindi na nga siya maliit na amo, Malaki na siya. Umaalis siya sa aming munting palasyo at bumabalik. Minsan ay kinukuwentuhan nya ako tungkol sa isang lugar na ang tawag nila ay “Paaralan”. Nakakatuwa! Marami akong natutunan mula sa aking amo!
“Ha’lika Aking Tuta, Yayakapin kita Hanggang ika’y makatulog.” Lumapit ako sa aking amo at Hinaplos-Haplos nya ang aking balahibo. Agad rin akong Naginhawaan at Nakatulog.
Lumipas na ang mga araw, linggo at Buwan. Hindi na ako isang maliit na tuta! Malaki na ako at malakas. Binabantayan ko ang pintuan ng palasyo namin! Kinukuwento saakin ng aking amo na May masasamang Tao na pumapasok sa aming palasyo at ninanakaw ang mga kayamanan! Agad akong natakot kaya’t gabi-gabi ko itong binabantayan.
Kinabukasan, Nagpaalam saakin ang aking amo, aalis raw siya at babalik rin.
Kaya’t, aking inantay ang kanyang pagbabalik. Lagi na lamang akong nakatayo sa Pintuan at nagbabakasakaling bubuksan niya. Nakakainip. Di ako sanay sa ganito.
Isang buwan na ang lumipas, Wala parin ang aking amo, Agad akong nagalala at hindi mapakali. Galaw-nang-galaw ang aking...