Micaella❞
(A oneshot story only)
______________
First year High School palang ako ng makilala ko si Naquel. Mabait sya at may pagka pilosopo. Nung unang ko syang makita, napangiti agad ako. Shempre ang gwapo, sa totoo lang may itsura si Naquel at kahit medyo may pagka pilosopo sya, alam ko namang hindi nya ko niloloko. May tiwala ako kay Naquel.
Nung niligawan ako ni Naquel, nasa Senior High School na kami. Magka klase kaming dalawa kaya hindi na mahirap para sa kanya ang ligawan ako. Palagi kaming magkatabi at pansin na pansin ng mga kaklase namin ang pagiging sobrang clingy at close namin sa isa’t isa.
Palagi kaming pinagtatambal ni Naquel sa tuwing may play sa classroom namin. Kung di nga lang loko tong si Naquel, pumapayag naman.
Sa totoo lang ako na yung nahihiya sa kanya kasi biruin mo, sa mura naming edad, buhat buhat na nya ko. Sya palagi yung taga hatid sundo ko, sya palagi yung taga bili ng mga kailangan at pagkain ko. Sya palagi yung nandyan sa tuwing kailangan ko ng tulong para sa pamilya ko. At sa tuwing nandyan sya sa tabi ko, mas lalo ko lang nare-realize na mahal nya talaga ako.
College na kami ng sagutin ko sya. Yung araw na sinagot ko sya ay ang pinaka masayang araw para sa aming dalawa. Hindi ko napigilang umiyak ng sabihin kong sinasagot ko na sya. Natuwa naman talaga ako kasi sobrang saya ni Naquel as in nakita ko ang mga ngiti nyang nakakaakit.
At sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari, mag-iisang taon na ang nakalipas, hindi ko mapigilang kiligin. Hindi ko kasi in-expect na aabot kami ng isang taon! Ang pagkaka intindi ko kasi sa poppy love ay hindi magtatagal ang relasyon nyo kasi hindi naman talaga kayo seryoso, pero dahil umabot kami ng isang taon, hindi ko mapigilang maiyak.
At sa tingin ko, handa na talaga kaming dalawa para bumuo ng seryosong pamilya.
Nandito kami ni Naquel sa isang probinsya. Tinatahak namin ang isang masukal na kagubatan. Gabi ngayon at dito naisipan ni Naquel na dalhin ako. Dito raw kasi nakatira ang mga magulang nya. Since galing kami ng maynila, pumayag na ko para mameet ko na rin ang mga magulang nya.
“Ah Naquel? Malayo pa ba tayo sa inyo? Mag aalas dos na, baka abutan tayo dito ng ulan.” Saad ko sa boyfriend kong si Naquel.
“Oo Mica e. Pero wag kang mag-alala dahil hindi naman tayo aabutan ng ulan.” Nakangiting sabi ni Naquel.
Sa tuwing nginingitian nya ko, mas lalo kong nararamdamang mahiya sa kanya. Parang anumang oras, gusto ko nalang na magpalamon sa lupa. Pero dahil boyfriend ko sya, walang kaso para sa‘kin dahil girlfriend nya ko.
Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad sa gitna ng kagubatan. Aaminin ko, napapagod na kong maglakad dahil hindi ako sanay sa mahabang lakaran. Kaya ko namang tiisin na maglakad kami ng malayo pero hindi na kaya ng mga paa ko, ni maihakbang kinakaya ko nalang.
“Mica, sabihin mo lang kung napapagod ka na. Bubuhatin kita!” Seryosong saad ni Naquel.
“Ah kaya ko pa naman. Malayo pa ba tayo?” hinihingal na tanong ko.
“Medyo malayo na malapit na.” Sagot nito sa‘kin na ikinakunot noo ko naman.
“Anong malayo na malapit na?” tanong ko habang patuloy kami sa paglalakad.
Ngumiti lang si Naquel at may itinuro. Tiningnan ko ang tinuro nya at nakita ko ang isang lumang bahay. Malayo na malapit na nga sa amin. Napangiti ako shempre dahil mapapawi na rin ang pagod na nararamdaman ko. Ilang lakad nalang ang gagawin namin at mararating na namin ang bahay.
“Bahay nyo ba yun?” tanong ko sa kanya.
“Oo.” Tipid na sagot nya.
Tumango nalang ako at hindi na nag-usisa pa. Hindi sa ayaw ko sa lumang bahay pero kasi di ba may mga sabi sabi sila na kapag luma yung isang bahay, madaming kababalaghan?
“Hay nako. Mica kung iniisip mo na may mga multo sa bahay namin, nagkakamali ka. Wag ka nang mag-isip jan ng kung ano ano at malapit na tayo.” Seryosong saad ni Naquel na ikinagulat ko.
Himala na nabasa nya isipan ko? Hindi naman ako nagsasalita. Pero kahit ganun, ayos lang.
May sari-sarili na kaming maaayos na trabaho ni Naquel. Sya ay isang registered na pulis habang ako naman ay isang registered nurse....