Dalawang Linggo nlng at pasukan na nman. First Year High SchooL na ko. Nasa bayan ang malaking paaralan ng High School. Pwede Kang makarating dun gamit ang bangka at pwede rin nman maglakad (BaKtas) ang tawag namin dun. Saka pwede ng maghabaL habal sa Baryo Masaya para makapunta sa bayan.Di kase pwedeng Dumeretso sa bahay namin ang habal habaL kase masydong bako bako ang daan at indi nman sementado.
Ang Espinosa Memorial High Shool ay pag aari ng yumaong Don. Espinosa kaya sa kanya ipinangalan ang paaralan dahiL sa pagbigay ng kanyang lupa sa Gobyerno para maitirik ang nasasabing paaralan.
Kapag high school student ka na ay kailangan mong mag board ng bahay.(Boarding House) at lingguhan ka na ring uuwe sa baryo nyo. Magbabaon ka ng pagkain mo na magkakasya sa loob ng isang linggo. Kakayanin ko kaya eh wala sa tabi ko ang pamiLya ko. Pero ang tanong makakapag araL ba ako?? Sana ..
“Sisa, tao po ‘ tao po ‘ tawag ni ante Ligaya ang asawa ni Angkel Mar (yung may tv π)
“pasok po ” sabi ko dto ng pagbuksan ko ng pinto.
“Ah may sadya ako sa tita Sisa mo. Anjan ba sya? “tanong neto.
Tumango ako at tinawag ang tita kong nsa likod bahay at nangunguha ng bunga ng ampalaya nyang ilalako ko mamaya.
Mabait sina Angkel Mar at ante Ligaya. May Dalawa silang anak. Ay oo nga pla kapatid din si Angkel Mar ng mama ko π Panganay sa lahat si AngkeL Mar. 7 silang magkakapatid at si mama ang bunso. At si Mikmik.?Pamangkin sya ni Ante Ligaya.
Tinawag ko ang tita ko at sinabing anjan si Ante Ligaya at hinahanap sya. Iniwan ko na silang dalawa sa bahay dahiL heto ako at maglalako ng mga bagong pitas na bunga ng ampalaya para pambiling bigas mamaya.
“Ampalayaaaa ..sariwang sariwa ” sigaw ko habang naglalakad at nakalagay sa ulo ko ang pwet ng planggana. Gusto ko sanang isama si Marya kaso ayaw nya. Mas gugustuhin pa daw nyang makinig sa pag uusapan nila tita. Ibang klase talaga siya.
“sampu Lang isang Balot “dagdag ko pa..
Wala man Lang lumabas sa kabila ng mga sigaw ko. Napanghihinaan na ko ng loob. Pano kong walang bumili at di kme makabiLi ng bigas.? Ano na ang kakainin namin. Pano pa ang para bukas?? Pero syempre di ako papayag. Alas 3 y medya palang nman ng hapon. Baka tulog pa mga tao sa baryo namin.. Pupunta akong Purok Uno dun banda sa may school baka sakaling may bumili...