A WIFE’S CRY Chapter 5


A WIFE’S CRY💔
💔Chapter 5💔
Hindi pa rin mawala sa isip ni Aileen ang sinabi ni Xavier. Nabigla siya sa confession nito.
Dati naman kasi ay hindi ito vocal sa nararamdaman pinapakita lang nito pero ngayon iba na.
Nanatili na lang siya sa kwarto niya. Parang mas okay pang nandun siya kaysa makita pa siya ni Lexter.
Tutal mukha namang tila langaw lang siya sa pangingin nito na itinataboy taboy lang.
Naisipan niyang matulog pero nagising siya dahil sa malalakas na katok sa pinto at pagbukas niya.
Ang walang kwenta niyang asawa ang bumungad.Galit na galit ang mukha nito.
Na parang may ginawa na namang suyang masama. “Ganyan ka ba talaga ha? P*tang ina pinahiya kami ng kaibigan mo!”
“Ano? Teka ano bang sinasabi mo?” Pilit niyang pinatatag ang kanyang boses. Upang hindi nito mahalata na takot siya.
“Ang k*pal ng mukha niyang ipahiya kami ni Celine! Sinabihan mo siya no? Kahit kailan wala kang ginawa kundi p*stehin ang buhay ko!” Sigaw nito.
“Ano bang sinasabi mo diyan? Wala kong ginagawa! Bakit nakita niya ba kayo ng k*bit mo?” Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loon para sabihin yon.
Isang malakas na sampal ang ginawa nito sa kanya. Kaya sinampal niya rin ito. At hindi lang isa kundi dalawa.Kulang pa nga iyon kumpara sa lahat ng ginawa nito.
” Simula ngayon wala ka ng karapatan na saktan ako. Oo mahal kita pero tama na!At totoo naman ah! K*bit mo siya dahil ako ang asawa mo!” Aniya na ikinagulat nito.
Isinarado niya ang pintuan pagkatapos. Napasandal siya sa pinto saka tahimik na “Mali yung ginawa mo. Paano ka pa niya mamahalin niyan?Kung talagang mahal mo siya magtitiis ka.” Aniya sa sarili saka pinahid ang mga luha.
Tinawagan niya si Belle para alaman dito kung ano nga ba ang nangyari.Alam niya namang magsasabi ng totoo ang kaibigan.
Hindi maiwasan ni Xavier...


ang mapangiti habang nakikipag-usap sa kapatid. Naaalala niya ang kanyang pag-amin kay Aileen.
Kahit wala itong sinabi. Nararamdaman niyang pag-asa siya. Kung sakali man siya ang piliin nito. Ipinapangako niya sa sarili na hindi niya ito sasaktan.
“Laki ng ngiti natin kuya. Ano sinagot ka na ba ni ate Aileen?” Biro ng kapatid. “May asawa yung tao.” Aniya. “Pero pwede niya naman hiwalayan at mas bagay kayo.”
Noong dinner ay mag-isang kumain si Aileen dahil umalis ng bahay nila si Lester well sanay na naman siya. Wala ng nakakapanibago.
Pero umaasa pa rin siya na darating ang araw na magbabago ang lahat na ituturing na siya nitong asawa. At marerealize na mahal na pala siya nito.
Napatawa na lang siya ng mapakla. Mukha kasing mukhang malabong mangyari yon. Pero napaisip rin siya. Paano si Xavier paasahin niya ba ito? Ayaw niya namang saktan ang kaibigan.
Hanggang kaibigan lang kasi ang tingin niya dito at sabi nga nila hindi mo mapipilit ang puso na isang tao dahil kusa iyong umuusbong. At isa lang ang alam niya si Lexter ang mahal niya.
“Babe, bakit hindi mo paglaruan si Aileen?” Nakahiga sila sa kama ni Celine at hinahaplos nito ang kanyang dibdib.
Katatapos lang nila magmake love. Nasa condo sila. Condo nila na binila niya para dito. Dahil lahat ay gagawin niya para mapasaya lang ito.
Saka wala siyang pake kay Aileen kung mag isa lang ito sa bahay nila. Lalo pa sa ginawa nitong pagsampal sa kanya. Mukhang tumatapang na ata.
“What do you mean?” Aniya.Hindi niya pa rin maiwasan mamangha sa kagandahan nito. Napakaswerte niya dahil sa dami ng lalaking nagkakagusto dito ay siya ang pinili.
“Treat her well yung parang mag-asawa talaga kayo yung hindi siya makakahalata then saka mo siya hiwalayan. Yung sa point na mahal na mahal at asang asa na siya sayo.” Saad nito.”Ifs thats what you want.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top