#TMFS
Bilis na pumasok si Sarah sa sinasabi nilang numero, habol lang nang habol si Damion dahil tilang wala ng pagod na iniinda ni Sarah bilis kasi nitong tumakbo. Kalaunan ay nahanap na rin nila ang kuwarto.
Agaran na niya itong binuksan, at nadatnan niya ang kapatid nito na malungkot sa kanyang kinauupuan. Napakarami ring apparatus na nakakabit sa kanyang ama. Nag sisilandasan na ang mga luha sa kanyang pisngi at nanginginig ang tuhod nitong lumapit.
“Sarah, kalma ka lang magiging maayos rin si Itay” pang aalo ni Nex sa kanyang kapatid at masuyo nitong yinakap.
“Kuya bakit po nahantong sa ganito sa tatay. Ano bang kasalanan ni Tatay bakit siya nahantong sa ganito.” Hikbi nitong sambit.
“Shh” pang aalo nito ni Nex.
“Hmm” singit na tikhim ni Damion iniisip nito na siya dapat ang nasa pwesto ni Nex. Saglit na napatingin ito sa direksyon sa binata na napakalamig ang timpla ng muka.
“Iho naman kasi may nagseselos diyan o” mahinang bulong ni ana sa kanyang pamangkin na si Nex.
“Ohh sorry Mr. Damion, well bibili muna ako ng makakain natin” nakangising ani ni Nex. Humakbang na ito sa gilid ni Damion at napahinto ito sandali.
“Kailan ka aamin Mr. Damion I’m not a coward para hindi ko malaman kung ano ka sa mag ina kailan ka aamin sa inaanak ko” nakangising ani nito saka tinapik tapik nito ang balikat.
“Soon” tanging sambit nito.
“Sana sa birthday na lang niya ka bumawi sa anak mo, para mapaamo mo si Grey” nakakalokong ani nito. Sabay lumabas na ito sa kuwarto at sinara na ang pinto.
Napabuntong hininga na lamang siya at humakbang na ito palapit sa gawi ni Sarah.
“Wife take a rest, I know you’re tired from the trip. There you sleep first on the Sofa” pang aalo nito, saka hinawakan ito sa magkabilang pisngi. Ngunit umiling lamang ito.
“Hmm, mas mabuti umuwi muna ako Sarah huh dadalhin ko lang si Grey dito sihuradong namiss ka na nun lagi ka niyang hinahanap sa gabi umiiyak pa” paalam nito ni Ana. Ngumiti at tumango na lamang si Sarah.
Lumabas na rin ito at sina Damion na lamang at Sarah ang naiwan sa loob.
“Wife please come on take a rest baka mapaano ka pa” sabay halik nito sa noo ng dalaga.
“Hindi ako matatahimik Damion pag hindi magiging maayos si Tatay matanda na siya alam kong mahina na siya sa Edad niyang 60 paano kung…”
“No, don’t say that your father will fight his life ok,don’t stress yourself come on you sleep in the Sofa ako muna bahala rito” malambing pangungumbinsi nito. Pero matigas pa ring umiling ito.
“Shit wife, what can I do to convince you to rest” nag aalala nitong tanung.
“Damion, I’m scared Tatay ko pinag uusapan dito hindi ako makatulog ng maayos kung ganito kalagayan ni Tatay” hikbing sagot niya rito.
“I know wife, I understand you but shit rest for a while. Huwag mo namang isunod yang sarili mo na pabayaan” nagsusumamo nitong pakiusap, pinagtuun niya ang kanilang noo saka pinahid niya ang luha ng dalaga sa mga pisngi nito. She wrapped his arms around Damion’s neck and hugged him.
“Wife, I need you”
“Damion” singhal nito.
“Just kidding wife, ngumiti ka naman kahit kunti wife” malambing nitong ani.
” Damion do not go away, dont leave me”
“Of course nandito lang ako hindi kita iiwan wife” nakangiti nitong ani. Gigil naman nitong yinakap si Damion pakiramdam niya ayaw na niyang kumalas pa.
“Wife I can’t breath” nahihirapan nitong sinabi ngunit wala pa rin itong balak bitawan. Napailing iling na lamang ito medyo linuwagan muna nito ang pagkakayakap sa kanya ni Sarah.
“Damion!?” Inis nitong turan.
“Wike you know I can’t breath, matulog ka na just lay down in my lap” nakangisi nitong ani. Kinurot naman niya ito sa taligiran nito kaya napanhiwi siya.
“Uunan ako sa lap mo huwag mo akong inisin Damion, hala upo ka na sa Sofa matutulog na ako” sabay irap nito, napangisi na lamang ito at walang pasabing hinila niya ito patungo ng Sofa at kinubabawan ito.
“Damion!!” Singhal niya rito. Ngunit tinawaan lamang ito ng mahina. Saka masuyo nitong hinaplos ang labi ng dalaga, na mas lalong napairap si Sarah.
“Wife your so beautiful” husky nitong ani.
“Damion tigilan tigilan mo ko alam ko na yang mga style mong mga iyan, mahiya ka naman nasa kuwarto tayo ng ama ko” sermon niya rito.
“Baba” dagdag pa nito. Ngunit hindi lamang niya ito pinansin, walang pasabing sinunggaban niya ito ng halik sa labi. Pakiramdam niya eto naman siya nanlalambot na naman dahil sa mainit na halik ng binata. Napadaing ng bigla si Damion ng may pumingot sa kanyang tenga kaya agad na siyang napabitiw ng halik.
“Wife, its hurts” maktol nito.
“Kala ko ba matutulog na ako, Damion. Matutulog ba ako o mamanyakin mo na naman ako, may sinabi ba akong halikan mo ako” napatarak ang kanyang mata na sinabi nito.
” Gusto mo naman Sarah ” mapangasar na ani ni Damion. Agad naman niyang pinalo sa braso ang binata dahil sa inis. At sinamaan ito ng tingin.
“Wife naman bakit ba ang sungit mo ngayon may dalaw ka ba” ngusong ani nito.
“I’m sleepy” pangingiba...