SANDRA’s POV:
MAINIT ang ulo ko na umuwi sa mansion ni Derick. Pero nung nakita ko ang lalaki, I just act normal para hindi ito magtanong.
Ayoko kasi na pakialaman niya ang bawat kilos ko kaya ililihim ko ang ginawa sa akin ni David.
Hindi na ‘yon importante pa dahil hindi na ako magpapaapekto sa kanya.
“Sandra, kumain ka na ba?”, tanong ni Derick nang madaanan ko siya sa table na kumakain.
Nag-iisa ito na tila hinihintay talaga ang pag-uwi ko.
“Hindi pa.”, I replied.
Hindi naman talaga ako kumakain pa dahil nga sa pesteng restaurant na pinuntahan namin.
Ang daming nalalaman, may pa kiss scene pa para bumenta ang kainan nila.
Bwisit!
“Pinapagutom mo ang sarili mo, Sandra. Hays.”, bigkas nito na tila nadisappoint sa sinabi ko.
“I’m not hungry.”, pagsisinungaling ko. Kaso biglang kumalam ang aking sikmura dahilan para mapatawa si Derick.
Ganitong-ganito siya nung kami pa.
Mabait na tao ang lalaki at higit sa lahat maalalahanin lalo na kapag may sakit ako.
Ito ang ugali niya na nagustuhan ko kaya minahal ko siya.
“Come here, let’s eat.”, turan niya nang i-assisst ako papunta sa mesa.
Tiningnan ko naman ang ulam na nakahain at yung mga ayoko pa talaga ang pinaluto niya.
“Derick, alam mong hindi ako kumakain niyan. I hate that.”, mataray kong saad.
“I know Sandra. Pero katulad ng dati, magagalit ako kapag hindi ka kumain niyan.”, he said while pointing the vegetable.
“Teka nga, bakit mo ba ginagawa ‘to?”, I asked him.
Feeling ko kasi binabalikan niya ang tungkol sa amin para mahalin ko ulit siya.
“Nagbabakasakali lang ako, Sandra na baka maalala mo yung tayo. Kung paano tayo nagsimula at kung paano mo ako mahalin. Dahil gusto ko, maging tayo ulit.”, yukong sagot niya.
“Derick naman, bakit ba ang kulit mo? Hindi na nga pwede diba? Hindi na tayo pwede. Yung relasyon natin, hanggang doon na lang. So please, ‘wag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mo sa akin. I don’t love you anymore.”, pagpaprangka ko.
Gumuhit ang malungkot na ngiti niya at kinuha ang phone sa table.
“Sorry, akala ko kasi, first love never dies, kaya–“,
“Stop it. Tigilan mo na ‘yang kahibangan mo. Kaya ka nasasaktan dahil masyado kang nag-ooverthink.”, muli kong sambit.
“Oo Sandra, overthink ako pagdating sayo. Pero sana ‘yang sinasabi mo, ma-apply mo sa sarili mo. Baka nga, malaman ko, bumalik ka na kay David.”, mapaklang saad niya.
Binuksan nito ang phone at pinakita ang isang post ng halikan.
Posted na pala ito sa restaurant na pinasukan namin.
“See? Kahit hindi mo ako kasama, alam ko na siya pa rin ang mahal mo. Konting galawan lang ni David, lumalambot ka agad. Paano mo makukuha ang hustisya ng anak natin kung palaging puso ang papairalin mo?”, wika niya na tila may panenermon na kasama.
Fuck!
“Hindi ko siya mahal. At ‘yang halik na ‘yon, wala ng malisya. I don’t love David!”, pagsisigaw ko.
Aalis na sana ako para tumungo sa taas, kaso hinawakan nito ang aking braso.
“Hanggang salita ka lang yata, Sandra. Gawin mo naman ang dapat. Sayang ng bago mong anyo kung hindi mo ito gagamitin.”, wika niya bago pinakawalan ang braso ko.
Hindi ko na siya maintindihan.
I know na concern siya sa akin pero hindi niya dapat sinasabi ang mga bagay na ganyan.
I can do whatever I want, may plano ako para kay David. Kaya hindi niya dapat pinangungunahan ang gusto kong mangyari.
Napasabunot tuloy ako ng buhok nang pumasok sa aking kwarto.
Bakit ba kasi pinagpipilitan niya pa ang sarili sa akin?
Oo, first love ko si Derick, pero malabo na ang pinapangarap niya.
Ang lahat sa amin, bangungot na ng nakaraan.
At ako ang nagpapatunay na yung first...