π——π—œπ—ͺ𝗔𝗧𝗔


“boss uwi na ‘ko” Nagpaalam na ‘ko kay boss para umuwi na. Sabik na akong makasama ang asawa’t anak kong kapapanganak palamang.
“Oh! Teka lang! May regalo ako sayo, bigay moyan sa asawa mo. Masarap yan ako gumawa nan” Binigyan ako ni boss ko ng isang garapon na may lamang gatas. “Salamat dito ah! matutuwa si Judith” Patukoy ko sa asawa kong kapapanganak lamang ng una naming anak
***
ditobna ako dumaan sa gubat dahil hindi maiinit at may dadaanan akong isang puno para kumuha ng bunga’t ibigay sa asawa ko.
Habang payapa akong naglalakad sa gitna ng kagubatan ay may napansin akong isang magandang babaeng naka kulay puti. Mahaba ang suot n’ya gaya ng buhok nyang kulay itim na itim
kalmado syang naglalakad sa gilid ng ilog at dahil sa kuryosidad ko ay sinundan ko sya.
Habang nagtatago ako sa likod ng mga puno ay tumigil s’ya at tumingin sa direksyon ko
“Baka hinihintay kana ng asawa at anak mo ginoo” kinilabutan ako dahil sa sobrang ganda at lamig ng boses nya napara bang nageeko sa buong paligid ang kanyang boses
Dahil buko na ‘ko ay lumabas na ‘ko sa pagkakatago ko. “Bago kalang ba dito? ano ang pangalan mo? at pano mo nalaman na may asawa’t anak ako?” Sunod sunod na tanong ko sa kaniya
Pumunta s’ya sa gitna ng ilog at tumingin sa ‘kin. “Ako si mahalara, umuwi kana matagal ka ng hinihintay ng asawa mo” Gaya kanina ay kinilabutan nanaman ako sa paraan ng pagsasalita n’ya. Maya maya ay mabilis syang lumubog sa tubig at dahil sa pag aakala ko na nalunod sya ay pumunta ako sa kinatatayuan nya kanina at nagtaka ako dahil hanggang tuhod ko lamang ang tubig. Paano ngyare ‘yon?
Dahil wala naman akong nakuhang sagot ay nagpasya na akong umuwi
Habang tinatahak ko ang lugar pauwi ay napansin kong kakaiba na ang daan. May mga semento na ito gaya ng bahay ni boss pero ‘diko na ‘yon pinansin at umuwi na ng bahay at gaya kanina ay anlake ng pagbabago ng lugar....


anong ngyare?
“Si Danilo bayan?”
“Ang kapal naman at bumalik pa s’ya”
“Bakit parang binata parin s’ya?”
“Baka mayaman yung kabet n’ya”
Mga bulungan na naririnig ko sa bawat taong madadaanan ko. Ano ba ang nangyayare?
“Mahal? Mahal?” Tawag ko sa bahay namin, Kaninang umaga ay kahoy na maraming butas ang aming bahay pero ngayon? may kulay na ito at matigas…
Bumukas ang pinto at bumungad sa ‘kin si Judith, aambaha ko sana s’ya ng yakap bigla nya akong sinampal ng apat na beses. “Bakit mo ‘ko sinampal” Nagtataka kong tanong
“Bakit? Ang kapal naman ng muka mong bumalik!” sigaw n’ya sa akin. “alangan babalik ako, nagtrabaho ako eh! mahal ano ba ang ngyayare sayo? nasan si Danyel?” Tanong ko
“Mama sino yan?” Biglang tanong ng isang bata na sa tingin ko ay 10 years old na. “Isa s’yang walang kwentang tao anak kaya pumasok kana sa loob” Sabi n’ya sa bata .
“Kailan kapa nagkaanak ng ganon katanda? 20 kapalang! eh mukang 10 taong gulang nayon! ano ‘yon? Nagbuntis ka ng 10 years old ka ” Tanong ko at isang sampal nanaman ang tumama aa muka ko.
“20 years old? Anak mo yon, anak mong iniwan mo sampung taon na ang nakakaraan” Sigaw nya sa pagmumuka ko
Anak? Sampung taon? Tinignan ko ang garapon na binigay ni boss kanina at wala na itong laman kundi lumot. Ano ang ngyayare?!!
“Mahal! Sino yan?” Tanong ng isang lalake na umakbay kay judith. “Wala, naniningil lang yan ng utang, tara na pasok na tayo” Sabi niya at pinagsarahan na ako ng pinto..
***
“Mahal, mahal gising” Napabangon ako at basang basa ang mata ko at humihikbi parin ako. “Mahal?” pagtawag ko sa kaniya sabay niyakap ng mahigpit. “Anong ngyayare sayo? Nakita ka namin sa gitna ng kagubatan at walang malay at apat na araw kana dito sa hospital. Nagalala ako sayo” Sabi nya at nagyakapan muli kame . “Ang anak naten?” Tanong ko. “Inaalagaan muna sya ng nanay ko, asikasuhin daw muna kita” Sabi nya
ANO BA ANG NGYAYARE SA ‘KIN?






Share On Whatsapp

"3" Comments
Leave a Reply


top