1 week of love


Written By:
“Mia, ano ba! sabi ko naman sa’yo ‘di ba na hindi kita gusto?” Sigaw sa ‘kin ni Kevin.
“Pero wala na siya, kevin! hindi mo ba ‘yun matanggap? wala na siya!” Ang sakit lang, ako ‘yung palaging nandyan sa tabi niya, pero bestfriend ko palagi ang hanap niya.
“Hindi siya nawala Mia, bumalik lang siya sa probinsya nila, pero hindi siya nawala! kaya ‘wag mo na ipilit ang sarili mo sa ‘kin, i will never like you, i will never do.” Saad niya sa ‘kin, tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
“1 week, give me 1 week to love you. At kung hindi mo pa rin ako gusto sa loob ng isang linggo, titigil na ako.” Saad ko sa kanya. Oo, desperada na ako.
“Nahihibang kana ba? wala kana bang natirang kahihiyan sa sarili mo?” Galit na saad niya sa ‘kin.
“P-pagbigyan mo na ako!” Umiiyak na saad ko.
“Pagkatapos ng isang linggo at kung hindi pa rin kita gusto, layuan mo na ako.” Malamig na saad niya.
—-
Diary.
Day 1
Pupunta kami ngayon ni Kevin sa mall. For me, it’s a date.
Masaya ako habang nakawak sa braso niya diary, hindi naman siya pumalag, kasali kasi ‘to sa usapan namin.
Madami pa kaming ginawa sa araw na ‘to, pumunta kami sa parke at kumain ng ice cream. Sabay din naman pinanuod ang paglubog ng araw.
—-
Day 2
Hindi na cold sa ‘kin si Kevin, he even called me earlier love. Kinilig ako dun ng sobra diary, pero hindi ko lang pinahalata.
Ngayon pupunta naman kami ni Kevin sa beach, gusto namin magrelax muna.
Madami akong nakikitang couple sa dalampasigan, hinihiling ko nga na sana totoo kami diary, na sana hindi matapos ‘yung isang linggo.
—-
Day 3
Matutulog ako ngayon kina Kevin diary, pumayag naman ‘yung parents namin. This is my first time na mayakap siya, i even take pictures of him while sleeping.
Nanuod kami ng horror movies at nag-usap lang diary, hindi kasi ako nauubusan ng topic.
—-
Day 4
First time diary! inaya ako ni Kevin na magdate! magkaholding hands pa nga kami habang naglalakad eh.
Kumain kami sa isang mamahaling resto, madami ako nakain diary, sulutin ko nalang, malay mo, this is the first and last date namin.
—-
Day 5
Two days nalang diary matatapos na ang usapan namin pero okay lang, naging masaya naman ako sa loob ng isang linggo kasi kahit papa-ano naramdaman ko ang pagmamahal niya.
Pumunta naman kami ngayon sa fav place ko diary, dito ako pumupunta...


kapag may problema ako, siya lang ang unang tao na dinala ko dito diary.
—-
Day 6
1 day nalang diary matatapos na ang usapan namin, sulitin ko na diary. Dinala ko naman siya ngayon sa zoo diary, nagpicture kami sa mga hayop na nakikita namin, first time ko siyang nakitang ngumiti diary, ‘yung tunay na ngiti, halata sa mga mata niya ang saya.
Pwede bang patigilin ang oras diary? ayaw ko siyang mawala.
—-
Day 7
“Tapos na ang usapan natin, Mia.” Saad ni Kevin habang naglalakad kami, kaya napatigil ako.
Sa loob ng anim na araw lahat ng ginawa namin sinulat ko sa diary ko, but i think ayaw kong isulat ang parte na ‘to, ayaw kong masaktan at maalala balang araw kung paano ako nasaktan.
“Thank you.” Nakangiting saad ko at pinigilan ang mga luha ko.
“For what?” Tanong niya.
“For loving me… thank you kasi sa loob ng isang linggo naramdaman ko ang pagmamahal mo, thank you kasi pinasaya mo’ko, hindi sapat ang thank you ko para sabihin sa’yo kung gaano mo’ko pinasaya. Salamat ah, salamat sa lahat. Tapos na pala ‘yung usapan natin ‘no? alam mo minsan hinihiling ko na sana hindi na matapos, pero wala eh, natapos na.” Saad ko at pinunasan ang mga luha ko.
“Mia…” Mahinang saad niya.
“Alam ko Kevin, alam kong bumalik na siya. Alam kong hindi ka naging akin, pero binabalik na kita sa tunay na nagmamay-ari sa’yo. Sige na, puntahan mo na siya, hinihintay kana ng bestfriend ko.” Saad ko at malungkot na ngumiti.
“Thank you, Mia.” Mahinang bulong niya at tumakbo papalayo.
Biglang umulan ng malakas, kaya naman umiyak ako ng umiyak. Gusto ko talaga na umiiyak habang umuulan, para hindi nila makita na umiiyak ako.
—-
Years later
“Okay! goodluck nalang kung sino ang makakasalo neto!” Malakas na sigaw ng bestfriend ko, and yes kinasal sila ni Kevin. Masaya ako para sa kanila, lalo na para kay Kevin.
Brides maid ako sa kasal nila ngayon, hindi ito peke ah, masaya talaga ako para sa kanila.
Tahimik lang akong nakatayo at kumakain sa likod ng mga babae na nag-aagawan sa bulaklak, hinagis naman ng bestfriend ko ang bulaklak, nabangga ako ng mga babae dahilan para matumba ako. Pero bago pa ako matumba may isang lalake ang sumalo sa ‘kin, at napunta din sa ‘kin ang bulaklak.
“Are you okay, miss?” Nag-aalalang tanong ng gwapong nilalang sa ‘kin.
-OPEN FOR CRITICISM(S)
-@Aie
//Plagiarism is a crime!
Errors ahead!!
Work of fiction.
Grammatical errors ahead!
!!Warning: Lame lame
Cttro of the pic.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top